UMPISA

349 26 17
                                    

'Dreams'

The word that kept us going forward despite the burdens of reality; the word that made us motivated to strive harder no matter how exhausting the situation we're in, and the very reason why disappointment existed.

I highlighted the paragraph I had written. Nang maalala ko ang mukha ni Papa ay bahagyang nanginig ang aking mga kamay dahilan para mabitiwan ko ang aking hawak na ballpen at highlighter. Mabilis ko itong pinulot at isinilid sa aking bag kasama ng notebook na ginamit ko.

I took a deep breath while trying to control my guilt. Napa-ayos ako ng upo sa backseat. Kahit may aircon ang sasakyan ay pinagpapawisan pa rin ako.

"Don't worry, Hestia. Your secret is safe to me." Lumingon sa akin si Kaeden at binigyan pa ako ng pamatay niyang kindat. Nakaupo siya sa driver's seat at kanina pa ako pasimpleng inaasar. 

I rolled my eyes.

Nang mapansin niya ang iritasyon ko ay lumabas ang hudyo sa sasakyan at dumeritso kung nasaan ako. Sumiksik siya sa gilid ko at sumandal sa aking balikat. Panay pa ang paghikab niya. Mabuti na lang nasa kanang bahagi ko siya kaya hindi niya natatabunan ang aking kanina pa sinisilip.

"Inaantok ako." Niyakap niya pa ang braso ko. Para talaga siyang bata.

Dumako ang aking tingin sa entrada ng malaking arena. Kasabay nito ang pagguhit ng isang malungkot na ngiti sa aking mga labi. Masusi kong pinagmasdan ang mga nangyayaring komosyon, kahit sa paraang ito ay pinapatay ko ang aking sarili sa sobrang inggit.

Napakaraming tao. Bakas ang saya sa kanilang mga mukha na tila ba'y hindi nila alintana ang siksikan at mga tulakan na nangyayari. Mula sa loob ng sasakyan kung saan ako kasalukuyang nakaupo ay kapansin-pansin pa rin ang butil-butil nilang pawis. Some guards were even shouting. Frustrations were evident in their faces as they tried to control the untame crowd.

"One day, I'll be in the same place with you," I whispered dreamily. "Pero sa ngayon, hanggang tingin lang muna ako sa arena kung saan kayo magbo-book signing."

"'Di pa ba tayo aalis? Baka ako ang malintekan sa Papa mo."

Napanguso ako. Palagi ko na lang talagang nadadamay si Kaeden sa mga kahibangan ko. 

Pinagkiskis ko ang aking mga palad sa harapan ng aking dibdib at bahagya siyang nilingon. Kinagat ko pa ang ibaba kong labi upang mas maging epektibo ang pagpapaawa look ko.

Eksahedero siyang napairap.

"Fine. Five minutes."

"Kahit kuko lang sana ng mga daliri nila ang makita ko... pwede na akong mamatay pagkatapos."

He let out a disgusted sound. As usual.

"Pwede namang mukha ko na lang ang titigan mo. Pwede rin itong abs ko na nakuha ko sa sipag at tiyaga. 'Di hamak na mas pogi naman ang best friend mo kaysa do'n sa mga kinababaliwan mong manunulat."

"Here we go again." Tinapik ko ang balikat niya. "Matulog ka na lang, dude."

He grunted.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang labas ng arena. Hindi ko talaga maiwasang makaramdam ng lungkot. Kung may pera lang sana ako ay kahapon pa ako naghintay sa labas. Kaso nga lang, sa sobrang sikat ng mga iniidolo ko kahit book signing nila ay nakakabutas ng bulsa.

Wordsmitheries.

They were the modern superstars of this generation. While I am just a simple girl—plain and boring—who admired them from afar. A hopeless girl who dreamt of meeting them someday.

"Balik ka na doon. Uwi na tayo," nanghihinayang kong sabi.

Bigla niyang kinurot ang pisngi ko. "Smile ka nga. Para kang ewan diyan, e."

"Walang basagan ng trip, dude."

"Hintayin mo, dude. Kapag ako naging successful pornstar na katulad ng pangarap ko, bibilhin ko talaga ang Wordsmith Academy para sa 'yo, kasali na ang kinababaliwan mong Wordsmitheries. Kaya ipagdasal mo na matupad ko ang pangarap ko. Ang maging isang legendary pornstar sa kasaysayan." He chuckled.

I laughed.

"Oo na, oo na! Magiging pornstar ka soon!"

And we started laughing. Somehow, the disappointment in my heart slowly dissolved. 

"Saan kayo galing?" Pinaningkitan kami ng mga mata ni Papa. Nakaupo siya sa sa sofa habang kasalukuyang nakahalukipkip. 

Nagkatinginan kami ni Kaeden. Napanguso ako. Muli kong nilingon si Papa at binigyan ng pamatay kong smile. Iyong nakalabas lahat ng ngipin. Nagmano rin ako sa kanya sa pinakamagalang na paraang alam ko.

"Tito, napapansin ko lang, habang tumatagal ay mas lalo ka pong nagiging pogi. Tingin ko talaga ako po ang totoong anak nyo at hindi si Hestia. Hindi naman po kasi siya kagandahan."

Gusto ko sanang batukan si Kaeden pero hindi ko na ginawa kasi mukhang epektibo ang pang-uuto niya kay Papa. Tumatawa na kasi si Papa at pabiro pang hinihimas-himas ang kanyang ilong.

"Mabuting bata. Napalaki ka talaga ng maayos ng iyong mga magulang."

Napairap ako. Hindi man lang ako pinagtanggol ni Papa pagkatapos akong laitin nitong si Kaeden. Umakyat na lang muna ako sa kwarto ko para itago ang aking notebook.

I stared at the window—overlooking the rice field outside. Sobrang presko rin ng hangin kaya sobrang nakaka-relax.

Simple lang ang aming pamumuhay ni Papa. Nakatirik ang aming maliit na bahay malayo sa siyudad dahil pagsasaka ang pangunahing pinagkukunan namin ng kabuhayan. Wala rin kaming masyadong kapitbahay dahil iilan na lang sa kasalukuyan ang gugustuhin na manirahan sa isang liblib na lugar. Kahit ang pamilya ni Kaeden ay sa siyudad naninirahan. Mahilig lang talaga siyang bumisita sa amin kaya pamilya na rin ang turing sa kanya ni Papa.

My father used to be a famous member of a boyband when he was still young. Ngunit, tuluyan na niyang tinalikuran ang pagmamahal sa musika ngayon dahil sa dalawang dahilan. Una, kaunti na lang ang tumatangkilik sa musika ngayon at mga mang-aawit dahil ang mga manunulat na ang naging sentro ng kasikatan sa panahong ito. They even called it the Age of Writerhood and Age of Literary.

And the second one, Dad lost his passion when my Mom died which was something that I don't want to talk about right now.

Pagkatapos magmuni-muni ay nagbihis na ako ng pambahay. Naabutan ko sa sala sina Kaeden at Papa na nagpu-push up. Napa-facepalm na lang ako. Minsan hindi ko talaga maintindihan ang mga trip ng lalaki. 

Dumeritso ako sa kusina para makapaghanda na ng tanghalian. Maraming gulay sa ref. Mukhang kaka-harvest lang ni Papa sa bukid.

Habang naghihiwa ako ng mga gulay ay narinig ko ang pagtikhim ni Papa sa likuran ko. Nakangiti akong lumingon. Pawis na pawis na siya at hinihingal pa. Masasapak ko talaga mamaya si Kaeden! Kung ano-anong kabaliwan ang itinuturo niya kay Papa.

Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita.

"Alam kong pumunta kayo ni Kaeden sa arena." He said between catching his breath.

Muntik ko nang mabitiwan ang hawak na kutsilyo. Ang aking ngiti ay agad napawi.

"Hindi kita pinagbabawalang humanga sa kanila, 'nak pero sana alam mo ang limitasyon."

"Opo, Pa." 

Napayuko ako, at inihanda ang aking sarili sa mga susunod niyang sasabihin.

"Pwede mo silang hangaan pero huwag na huwag mo silang tutularan."

His words broke my heart… again.

Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon, muling nadurog ang puso ko sa mga salitang binitiwan ni Papa. Muli na namang isinampal sa akin ang katotohanang dahil sa nakaraang hindi ko naman kontrolado, ay kailangan kong isuko ang aking pangarap.

Pain And PenΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα