KABANATA 3

205 19 2
                                    

The downside of having a sky as high dream was the fact that we might do anything—even the most absurd, foolish and unacceptable means in reaching it. Sometimes, our dreams became the focal point of our attention to the point that the other necessary things faded in the background. 

In my case, I became a liar. I became blind of the past that haunted my father; I became blind of what phantom my dreams could bring to him. I became a dishonest daughter no matter how I tried to be perfect in his eyes.

"Ano 'to?" 

I bit my lips. Nararamdaman ko na rin ang pamamasa ng aking mga mata sa pinaghalo-halong emosyon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nang mag-abot ang aming tingin ni Papa. Kitang-kita ko ang labis na galit sa kanyang mukha habang hawak-hawak ang notebook na matagal ko nang itinago sa kaniya. He also looked betrayed and disappointed. Seeing my father like this was so disheartening.

"Pa..." bahagya nang nanginig ang boses ko. Saglit akong napalingon kay Kaeden na katulad ko ay kinakabahan na rin. 

I didn't know how to defend myself when all I saw right now was the pain in Papa's eyes. Kailanman ay hindi naging mali ang pangarap ko, ngunit ang mga nakaraang wala naman akong kontrol ang nagiging dahilan kung bakit sa mga mata ng sarili kong ama ay kasalanan na ang aking ginagawa.

"Akala ko ba malinaw na sa 'yo ang usapan natin? Akala ko ba naiintindihan mo na ang punto ko? Hinahayaan kitang magbasa dahil kasiyahan mo iyon! Hinayaan kitang hangaan ang mga manunulat na iyon, pero ibang usapan na ang pagsusulat!" malakas niyang sigaw at inihagis ang hawak niyang notebook. 

Agad ko itong nilapitan at mabilis na pinulot. Naiiyak ako habang pinagmamasdan ang ibang pahina nito na halos matanggal na. Mabait si Papa ngunit mayroon itong isang Golden Rule sa bahay na hindi ko kayang sundin. Ito ay ang pagbabawal niya sa aking magsulat ng mga kwento o kahit ng mga tula. 

Since I was young, he already told me that being an author was the last thing he wanted for me when I'll grow up. Gusto niya raw ang payapang buhay para sa akin. Malayo sa nagniningning na kamera na nakatutok sa mga manunulat. But I knew that's not the only reason why he couldn't support me in my dreams. Alam ko kung saan nanggagaling ang takot niya.

Nakagat ko ang aking labi at muling sinalubong ang tingin ni Papa. 

"Pero mas kasiyahan ko po ang pagsusulat."

Mas lalo lamang tumindi ang kanyang galit. Bahagya na akong nakaramdam ng takot. Alam ko kung saan ang pinanggagalingan ng galit ni Papa. Ilang taon ko iyong inintindi dahil alam kong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa mga nangyari. Pero katulad ng pagragasa ng aking luha tuwing ako'y nasasaktan, ganoon din kahirap pigilan ang aking kagustuhang magsulat. Tila kadikit na ng buhay ko ang pagsusulat to the point na kahit alam kong labis itong ikakagalit ni Papa ay pinili kong ipagpatuloy at itinago mula sa kanya. Alam kong malaki ang tiyansang mahuli niya ako kapag sa notebook ako nagsulat, sinubukan ko namang sa cellphone na lang magsulat para mas maitago ko, pero mas kumportable talaga ako kapag papel at ballpen ang hawak.

"Kasiyahan? Mas mabuti pang mag-aral kang mabuti kaysa sa atupagin mo ang ganiyang mga bagay! Ang mga katulad nating mahihirap ay walang patutunguhan sa larangan ng pagsusulat! Aasa ka lang at masasaktan!"

"Wala naman po akong planong sumikat. Gusto ko lang magsulat—"

"Ganiyan lang 'yan sa simula! Sasabihin mong gusto mo lang magsulat para sa sarili mo tapos habang tumatagal, hindi ka na makukuntento! You will crave for appreciation! You will crave for fame! At kapag hindi mo nakuha—"

I cut him off. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko. 

"I'm not like her! I'm not like my mother so stop making me feel like my passion is a sin! Stop making me feel that writing is a crime!" I screamed. 

Pain And PenWhere stories live. Discover now