KABANATA 1

253 24 7
                                    

With tears in my eyes,
I embraced my fabricated lies.
Is this the price I needed to pay,
For the past I didn't even see?
Do I need to kill the dreamer,
In order to live as a perfect daughter?

This night was one of the night where I couldn't bring myself to sleep. Nakaupo ako sa aking kama habang payapang nakasandal ang aking likuran sa unan. I kept on re-reading the poem that I had written silently. A lonely smile etched on my face when the heaviness on my chest lightened a bit.

The good thing about poetry, you could be a poet in your darkest hours. You could write without the fear of being judged. You could be bold, secretive or mysterious. Your metaphors could be your codes—and only those who really knew you by heart could decipher the message behind.

I gently touched the paper. This poem was actually my 113th poem in this notebook.

"I'm sorry," I whispered in the air.

Huminga ako nang malalim. I carefully hid my notebook under my pillow before I settled in my bed.

"HESTY PANGET, ang tagal-tagal mo! Kanina ka pa nakaharap sa salamin! Kahit pa lunukin mo 'yan ng buo hindi na magbabago ang mukha mo!"

"Bwisit ka! Sabing saglit lang!"

"Papa—este Tito, iyong anak n'yo po minumura ako—!"

"Sipsip!"

"Panget!"

Gigil kong sinuklay ang mahaba kong buhok. Kaunti na lang ihahampas ko na 'to kay Kaeden! Ang malaki niyang bunganga ang gumising sa akin. Sobrang mahapdi pa ang mga mata ko dahil wala akong naging maayos na tulog tapos dumagdag pa ang isang 'to na kung makapagreklamo'y akala mo naman pasan na niya ang buong mundo. 

"Bakit matagal kang nagising ngayon, 'nak?"

Mula sa salamin ay nakita ko si Papa na umiinom ng kape. Nakaupo siya sa maliit naming lamesa sa kusina. Nasa gilid niya naman si Kaeden na kasalukuyang inaayos ang baon ko. Halos hindi na niya maisara ang tupperware dahil sobrang dami ng kanin na nilagay niya. Nang-aasar na naman.

"Kasi, Tito, hindi 'yan nakatulog kagabi kakaisip sa akin."

"Hindi! Gago!" agad kong tanggi.

Pagkatapos kong magsuklay—kung pagsusuklay ba itong matatawag dahil mukhang mas naging pugad na ng ibon ang buhok ko dahil sa aking panggigigil. Bahala na! Ang mahalaga may buhok!

Nilapitan ko si Kaeden. Hawak-hawak na niya ang backpack ko. Hahampasin ko na sana siya pero dahil nakatingin sa akin si Papa ay hindi natuloy ang plano ko. Hinayaan ko na lang siya na isilid ang baon ko sa bag.

"Alis na kami, 'Pa." Kinuha ko kay Kaeden ang backpack.

"Alis na rin kami, 'Pa."

Kinurot ko ang braso niya.

"Feeling anak, dude? Kailan pa kita naging kapatid?" sarkastiko kong tanong.

Magkasabay silang tumawa ni Papa. Nauna akong nagmartsa palabas. Walang gender equality sa bahay. Palagi akong naaapi.

"Galit agad?" Naramdaman ko ang pag-akbay niya. "Pagkatapos kong gumising ng maaga para masundo ka dito, 'yan pa igaganti mo sa akin. I feel so use."

"Kaya mo lang naman ako sinundo kasi magpapagawa ka ng essay! Bwisit ka! Kapag kalokohan ang galing mo pero simpleng essay tungkol sa kalikasan at global warming hindi mo magawa!"

Agad siyang umiwas nang nagtangka akong ihampas ang bag sa kanya.Tumatawa siyang naglakad papunta sa motor na nakaparada. Siguro napagalitan ito ng kuya niya dahil ipinuslit na naman niya ang sasakyan nito. Sabi ko naman kasing motor na lang niya ang gamitin namin kahapon pero nag-inarte pa kasi.

Pain And PenWhere stories live. Discover now