KABANATA 8

166 17 3
                                    

I'm not a materialistic person, but every time I saw fictional books, I always felt the urge to have it. I want to hold and peruse it; smell its scent as I gently stroked the pages. Call me weird or whatever but I'm greedy when it comes to this thing. After all, books were the best travel buddy; books were the best escape and comforter, books are the best diversion, and most of all, books could be the windows to the innermost desire and thoughts of someone. I still believed that every writer left fragments of themselves in their books.

And now, I couldn't contain my excitement. I'm slowly entering a world where books can be found everywhere.

Tahimik kong sinundan ang babae kahit ang dami ko sanang gustong itanong.

Nang makarating na kami sa loob ng pintong kanyang binuksan ay hindi ko maiwasang mapanganga sa aking mga nakita. Akala ko isang opisina na ang bubungad sa akin pero hindi pala. Isang malawak na silid na puno ng maraming mga aklat. This place looked like a library with a twist. Instead of putting the books in bookshelves alone, the books inside the large room were arranged intricately. The walls were covered with different books arranged by size. Muntik pa akong mapatalon ng makitang pati ang nilalakaran ko ay may mga aklat.

Nahinto ako at tinitigan ito nang maigi. Parang transparent ang tiles na inaapakan ko at makikita mula rito ang mga librong nakalagay sa ilalim nito. I continued to look at it with awe. Hindi ko maisip kung paano nila ito na-ilagay dito.

Nakarinig ako nang paghalakhak kaya napatingin ako sa direksiyon ng babae. Tila aliw na aliw siyang nakatingin sa akin. Nahihiya akong napangiti.

"Paano po nila ito nagawa? Parang nasa ilalim ng transparent na tiles ang mga libro. Sayang naman at hindi mababasa," komento ko.

Mas lalong natawa ang babae at agad akong nilapitan.

"Pwede naman 'yang mabasa. Ang head nga lang ng Synopsis ang may alam kung papaano." Tinapik niya ang balikat ko.

"Ang galing lang! Paano po nila ito nagawa?" hindi ko pa rin maalis ang aking pagkamangha sa lugar.

Ang makitang may mga libro sa pader ay sobra nang nakakagulat sa akin. Paano na lang kaya kung pati ang tiles na inaapakan ko ay may mga libro?

"The power of technology with the touch of artistic mind."

Nagsimula na ulit kaming maglakad. Para pa akong tanga kasi kahit alam ko namang hindi ko maaapakan direkta ang mga aklat ay maingat parin ako sa paglalakad.

My eyes widened when I saw the staircase leading to another floor. It looked like the staircase used in many fairy tales and grand debuts. Anyone who would walk on it will really look like a princess even without a gown and crown, simply because of the grandeur it had.

Nagdadalawang isip ulit ako kung hahakbang ba lalona't ang bawat baitang nito ay katulad lang din sa transparent na tiles. Mayroon ding mga aklat na nakapaloob dito.

Nang marating namin ang itaas na palapag ay bumungad na naman sa amin ang isang panibagong pintuan. Pigil ang aking hininga habang binubuksan ito ng babae. My imaginations as well were getting wild. I was even visualizing floating books or what. Weird mind.

Pumasok kami pareho pero nanatili akong nasa likuran niya.

"Good morning, Sir," magalang na bati ng babae bago dahan-dahang tumabi sa gilid. Dahil doon ay unti-unting na-ilantad sa akin ang kabuoan ng silid.

A man in his early fifties was sitting on his swivel chair, in front of the large wooden desk. The office was manly and neat. Black and white ang tema nito. Kadalasan sa mga muwebles ay halatang mamahalin o 'di kaya ay antigo. The chandelier alone was enough to highlight the grandeur of the office.

Pain And PenWhere stories live. Discover now