KABANATA 6

198 16 1
                                    

No matter how tough and strong you were, there would always be a part of yourself that would remain fragile and vulnerable. There would always be something or someone that could easily break you; something that they could use against you, someone who could automatically make you smile or cry. In my case, it will always be my father. 

A lonely smile etched on my face while looking outside my open window. The rays of the sun kissed the rice field with warm affection. 

"Umagang kay ganda ko."

 Napabuntong hininga ako bago lumapit sa tapat ng salamin. I gently combed my hair while humming something. Ilang segundo ko itong ginawa bago napako ang aking tingin sa sariling repleksyon. Kaagad napawi ang aking ngiti. Binitiwan ko ang suklay at nanghihinang naibaba sa aking magkabilang gilid ang aking mga kamay.

"Salamin na mismo ang nagsabi kung gaano kaplastik ang ngiti mo. You're too good in fooling everyone, Hestia, but now I don't think so." I sighed.

Bagsak ang mga balikat na naglakad ako palabas ng kwarto. Kaagad akong nag-iwas ng tingin nang magsalubong ang tingin namin ni Papa. Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagtatangka sanang pagbukas ng kanyang mga labi na tila ba may sasabihin. Dumeritso ako sa kusina at hindi na siya muling nilingon.

Tahimik lamang ang kusina habang naghahanda ako ng agahan. Pero kahit gano'n nararamdam kong nasa malapit lamang si Papa.

I'm not angry at him. Siguro nagtatampo lang. I understood his point but he failed to understand my side. My heart still ached for the poems I had lost, because those were part of who I am.

I continued what I am doing with a heavy heart.

Tanging pagtunog lamang ng mga kubyertos ang namamayani sa hapag-kainan. Hindi ko magawang lingunin si Papa na nakaupo lamang sa aking tapat. Halos hindi ko na manguya ng maayos ang aking kinakain sa sobrang kaba. 

Ito ang mga pagkakataong hihilingin ko na sana nandito si Kaeden. 

Tumikhim si Papa kasabay ng pagtunog ng kutsarang biglaan niyang naibaba sa plato. Napalunok ako at agad na kinuha ang basong may lamang tubig. Mabilis akong napainom ng tubig upang mawala ang bara sa aking lalamunan. Napayuko ulit ako pagkatapos. 

"Hestia," I automatically became stiff after hearing his voice. 

Kahit labag man sa aking loob ay nag-angat ako ng tingin. Sinalubong ako ng kanyang mga matang tila ba may ipinapahiwatig. Looking at my father's face, seeing the fondness in his eyes, tila binundol ako ng guilt sa ilang araw kong hindi pagpansin sa kanya. 

Hindi ako galit kay Papa. Nagtatampo lang ako dahil sa nangyari. Nasasaktan din ako sa kaisipang hanggang ngayon, dala-dala niya pa rin ang sakit at hinagpis dahil sa pagkawala ni Mama.

"Ikaw na lang ang natitirang ala-ala ng Mama mo sa akin. Kaya pasensya na, 'nak, kung nasasaktan kita at nasasakal sa sobrang pagmamahal ko sa 'yo."

Malungkot akong napangiti. Muli kong naalala ang mukha ni Papa kapag nagkwe-kwento siya tungkol kay Mama. Palagi siyang nakangiti ngunit kapansin-pansin ang labis niyang pangungulila. Sa bawat pagkurba kasi ng kanyang labi, kasabay nito ang panggigilid ng kanyang mga luha.

Their love story wasn't perfect ngunit kung ito'y isang aklat, ito ang kwentong hindi ako magsasawang basahin. My parents made me believe in true love—in the kind of love that even death couldn't stop. Isang kwento ng pag-iibigang masakit man ang kinahantungan, ngunit hindi madaling kalimutan. Simply because, their love were too real, too strong and too powerful, to the point na pati ako sa aking sarili ay gustong makahanap ng gano'ng klaseng pag-ibig. Gusto kong makahanap ng isang lalaking kapag binabanggit ang aking pangalan ay makikita ko ang labis na pagmamahal sa kanyang mga mata katulad ng nakikita ko kay Papa.

Pain And PenWhere stories live. Discover now