KABANATA 2

216 20 2
                                    

The depths of your words
Made me fell in your world
A willing captive of your pen
They called you 'Dark'—a mystery; a sin
Who brought light in his metaphor
Whose simile let me tour
The valleys and mountains of poetry
With my heart yearning to be part of your story.

A sigh escape from my mouth when I suddenly remembered the poem I had written for him. Sobrang tagal na no'n pero kabisadong-kabisado ko pa rin ang bawat mga salita na tila ba kahapon ko lang ito isinulat. I remembered it clearly because that poem was actually my written confession for Dark—one of the members of the Wordsmitheries, and the poet whom I admire too much.

For a girl who's too in love with the beauty of poetry, my standards when it came to my ideal man was as high as the sky. I appreciate physical beauty but I'm not that type of girl who'll fall for it. I just find it too shallow. Handsome men could turn my head, but never my heart.

I want someone who could touch my heart with his words. A man who viewed the world the way I see it too; a man who possessed not just  mere knowledge but deep wisdom. And Dark didn't only meet my expectation—he already surpassed it.

Kaya kahit pa pawis na pawis na ako habang pilit nakikipagsiksikan sa mga schoolmates kong tila handa ring makipagpatayan—ay hindi ko magawang mapagod. Kahit maliit ang tiyansang mapadpad ang Wordsmitheries dito ay umaasa pa rin ang puso ko.

Pinahiran ko ang pawis sa aking noo bago ko pinaningkitan ng mga mata ang mga estudyanteng nasa harapan ko. Alam kong medyo creepy ang mukha ko ngayon dahil naka-smile pa rin ako kahit mina-massacre ko na sila sa isipan ko.

"Mga hangal! Matuto kayong rumespeto sa legal na asawa ni Dark! Tumabi nga kayo! Dadaan ang diyosa!" sigaw ko.

Nahihirapan akong makalabas sa school building dahil marami ang nagsisilabasan sa kanilang mga classroom. Nagkaroon tuloy ng traffic sa alley. Tatlong palapag ang school building at nasa pinakatuktok kami. Nawa'y bigyan pa ako ng mahabang pasensya ng panginoon. Pa-smile smile lang ako rito pero ang totoo gusto ko nang manulak ng schoolmate.

"Diyosa? Sino? Wala naman, a—"

Anak ng—anak namin ni Dark!

"Akooo—!"

"Excuse me, handsome boys and pretty girls, natatae si Hestia kaya tumabi muna kayo kung ayaw niyong bigyan niya kayo ng pasabog dito—"

"Bwisit—" Tinakpan niya ang bibig ko bago ako inakbayan at hinila. Gusto ko pa sanang mag-explain para isalba ang dignidad kong inapakan ni Kaeden pero hindi ko na nagawa dahil mabilis na nahawi ang kumpulan ng mga estudyanteng nasa harapan ko kanina.

Kinagat ko ang daliri niya nang tuluyan na kaming makalabas sa school building.

"Aw—Hestia! Aray—!"

Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"Magtutuos tayo mamaya! Nakakainis ka talaga!"

He smirked.

"Take your time, dude."

I rolled my eyes. Dumapo ang paningin ko sa may parking lot. Doon kasi nagmumula ang komosyon at ingay. Kung iisiping mabuti parang ang hirap paniwalaaan na basta-basta na lang pupunta ang Wordsmitheries dito. Kapag talaga it's a prank lang 'to... tutugisin ko talaga ang nagpakalat ng chismis. Isang bala lang siya.

"Masarap ba, dude?" tanong ni Kaeden nang papalapit na kami sa komosyon.

"Ang alin?"

Tumalon-talon ako para makita kung ano ang tinitingnan nila pero mas lalo lang ipinaramdam sa akin ang pagiging unfair ng mundo dahil kinapos ako sa height. Napasimangot ako. Kinalabit ko ang isang estudyante para sana magtanong pero mukhang gigil si ate gurl. Itinulak niya lang naman ako. Mabuti na lang nahawakan ako ng kupal na nasa likuran ko.

Pain And PenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon