KABANATA 7

165 15 4
                                    

I've been fascinated with the concept of fate. I often asked myself: was fate already fixed? That whatever I'll do or whatever path I would choose to walk on, one way or another, I'll arrive at a fixed destination, or maybe it wasn't; that maybe we were the maker of our own fate by means of decision making and cause and effect. But then, if I did the opposite of all the decisions I had made in my life, where could I be right now? What could I become right now? Who were the people I failed to cross paths with just because I made all those decisions? These thoughts could be just an offspring of my mind-set as a writer but it bothered me always. And now, it bothered me more as I tried to understand what the heck was happening in my life right now. Was this already fixed or maybe I did something that put me in this situation? And if I really did, what the fudge was that?

I lay on my bed, almost motionless. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata. A sigh escaped from my lips when I remembered what had happened today.

"Kung panaginip lang 'to, ang sakit kapag tuluyan na akong nagising," bulong ko sa aking sarili.

Unti-unti akong nakaramdam ng antok. I drifted to sleep, still thinking that this is just a dream—the dream I'm always daydreaming about.

Hindi ko lubos maisip na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. Sa isang mapaglarong galaw ng tadhana, ako'y dinala sa mundong ilang taon kong tinanaw mula sa malayo habang may nakapaskil na malungkot na ngiti, sapagkat inakala kong ito ang mundong hindi kailanman ako magiging kasali.

Ngunit taliwas sa aking paniniwala, ang mundong ito pa mismo ang kusang lumalapit sa akin at pinagbubuksan ako ng pintuan. Ang aking tinatanaw lang noon, maaaring makasama ko na ngayon.

Ito ang mundong kinabibilangan ng Wordsmitheries.

Tahimik ang naging biyahe habang lulan ako ng isang Limousine. Ilang araw ko itong pinaghandaan ng mabuti, paulit-ulit na inaral ang aking mga dapat gawin at sabihin, ngunit sadyang hindi ako mapakali sa aking kinauupuan.

Naalala ko pa ang nangyari nang biglaang bumisita ang tatlong miyembro ng Wordsmitheries. Nakakahiya mang aminin pero talagang nahimatay ako.

I thought it was just a dream, a mere product of my desperation for them, but then, the next morning I woke up with the fact that it wasn't.

Ilang araw matapos ang kanilang pagbisita ay mga staff ng Wordsmith Academy ang sunod na pumunta. Pinipilit nila si Papa na isama ako sa paaralan. Bagama't katuparan na ito ng aking pangarap, naguguluhan pa rin ako kung bakit out of the blue ay biglang naging ganito ang sitwasyon. Ilang ulit kong sinabing hindi ako nag-submit ng tula sa website. But they won't listen!

"Hindi po ako nag-submit ng tula! Gagi! It's a prank ba 'to? Teka—baka may hidden camera na nakatago ha? Alam ko namang maganda ako pero hindi nyo naman kailangang ipagkalat ang fucking face ko! Tsaka bakit ako pa ang ipa-prank? Maganda lang ako! Hindi sikat!" May hand gestures pa akong ginagawa na pati rin ako ay hindi ko maintindihan. Kulang na lang mag-ala makata ako sa harapan nila para lang mapaintindi sa kanila na hindi ako nagpasa. Kaso parang bingi sila sa pagdadrama ko!

Everything happened so fast that I became so dizzy with the transition in my life.

"Iiwan mo ako?"

Kumalat na ang tungkol sa nangyaring pagbisita ng tatlong Wordsmitheries sa bahay. Kung sino-sino na lang ang nagtatanong sa akin sa paaralan man o maging mula sa aming mga kapit-bahay. Kahit nalilito din ako sa mga nangyayari, somehow may naisasagot naman ako sa kanila. Pero nang ang best friend ko na ang mismong nagtanong, pakiramdam ko umurong ang aking dila.

Madalas kong makitaan ng kapilyuhan si Kaeden. Pero ngayon, halos hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga tingin dahil sa labis na kalungkutang ipinapahiwatig nito.

Pain And PenWhere stories live. Discover now