KABANATA 4

209 15 4
                                    

When the star I'm looking above won't shine anymore, where would I seek light when darkness already engulfed me?

Wala ako sa tamang wisyo habang naglalakad. Sobrang bigat ng aking dibdib na kinailangan ko pa talagang lumabas sa bahay para lamang mapakalma ang aking sarili.

Nang may makita akong tricycle ay kaagad ko itong pinara. Tahimik lamang ako sa buong biyahe. Pilit na inaaliw ang sarili sa mga halaman at punong nadadaanan namin.

The nature was too calm and peaceful. The way the trees swayed with the wind showed harmony and order. Ang mga dahon ay nakikisabay rin sa indayog ng hangin. They looked like a group of dancers who already perfected the beat and choreography of the music. As I looked at the trees as the ride continued, it made me realize another thing. Even the peaceful and calm nature could be destructive once it was deprived of its right. When it will lose its trees, plants, the living and nonliving things that solely belong to its care... humanities would be perished.

And right now, I envied the nature. Dahil kayang-kaya niyang ipaglaban ang dapat na sa kanya kahit pa umabot sa marahas na paraan. When would I ever find the courage to stay firm in my decision if I couldn't even stay mad at my father?

"Dito lang po, Manong." Mabilis akong nagbayad at bumaba na mula sa tricycle.

Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi habang tinatanaw ang pamilyar na lugar. Magtatakipsilim na kaya iilang mga estudyante na lang ang natitira sa labas at naghihintay ng masasakyan.

Tinanguan ko lang ang guard na napakamot sa kanyang ulo nang makita ako.

"Nandito ka na naman, Miss!"

Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Nakagawian ko nang tumambay sa loob ng elementary school na ito tuwing malungkot ako. Mayroon kasing playground sa loob at trip kong umupo sa isang swing at magsenti. Hindi ko rin maipaliwanag ng lubusan kung bakit dito ko mas pinipiling pumunta.

Siguro dahil na rin sa vibes ng lugar. Punong-puno ng kulay at sigla. Ewan ko ba, pero awtomatiko talaga akong napapangiti kapag nakakakita ng mga batang puno ng kasiyahan ang mga mata. I loved their simplicity. I loved how shallow their happiness was. I loved how simple things could draw smiles on their faces. Iyan kasi ang nawawala sa isang tao habang tumatanda. The more we grew and matured, the more we became hard to please.

"Dating gawi, Manong," sagot ko sa pabirong paraan.

Saludo na talaga ako sa sarili ko pagdating sa pagpapanggap na okey lang ang lahat. Hindi rin pala madali kapag naitatak mo na sa mga taong nakapaligid sa 'yo na malakas ka at masayahin; na walang kayang bumura sa pagiging kalog mo at pagiging positibo sa buhay. Kasi kapag gano'n na ang mentalidad nila sa 'yo... tatawanan ka lang nila kapag nagseryoso ka at nagdrama.

"Basta huwag kang magkalat, ha!"

"Opo!" Pabiro pa akong sumaludo sa kanya. Dito naman ako magaling.

Naupo ako sa isang duyan at napatingin sa kalangitan. Napabuntong hininga ako. Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang mga nangyari kanina sa bahay.

Masakit pa rin. Ang rami kong naisulat sa notebook na 'yon. Hindi lang iyon basta mga simpleng salitang pinagdugtong-dugtong dahil ang laman no'n ay parte ng aking pagkatao at nararamdaman. Bawat pahina ay saksi sa bawat emosyong aking naibuhos. Saksi iyon sa aking bawat kasiyahan at kalungkutan.

Ilang minuto akong nanahimik at mas nagmuni-muni pa. Hanggang sa tuluyan akong nakaramdam ng uneasiness. Napatingin ako sa paligid.

Pakiramdam ko may nagmamasid sa akin. Pero wala naman akong nakita nang tiningnan ko ang kabuoan ng lugar.

Pain And PenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon