Part 6

36.6K 624 26
                                    

Napakunot ako ng noo habang iminumulat ang mata ko. Mataas na ang sikat ng araw. Napaupo ako at nasapo ang ulo ko. Damn hang over!

"Ugh!" Tinignan ko ang kama. Wala si Evan. "Ano bang nangyari kagabi?" Kunot noong tanong ko. "At saka saan ba nagpunta ang baklang yun?"
Tanong ko habang sapo sapo ko ang ulo ko papunta sa banyo. Pero napahawak ako sa balakang ko kumirot kasi. Napakunot ang noo ko. Hmm???

Hahawakan ko na sana ang doorknob kaso kusang bumukas yun. Ang mata kong kanina ay nasa doorknob ngayon ay abs na ang nakikita. Napakurap kurap ako ng madaming beses at dahang dahang napataas ang aking tingin. Muli ay napakurap kurap na naman ako. I gasped! Ba-bakit kailangang ganito ang una kong makikita sa umaga? Bakit siya nakahalf naked?

Evan was standing there. Natigilan din ata. A towel was wrapped on his waist. His body that has a droplets of water habang pinupunasan niya. Nagkatitigan kami. Napakurap kurap na naman ako. Seryosong seryoso ang mukha niya habang kunot na kunot ang noo.

"G-good m-morning" bati ko sa kanya. Ano ba talagang nangyari kagabi bakit ganyan kaseryoso ang mukha niya? Pero habang tinititigan ko ang mukha niya ay unti unting naging malinaw ang lahat ng nangyari kagabi.

As in lahat. Mula sa pag inom ko hanggang sa pag aya at pangungulit ko sa kanya na gumawa ng baby and napatingin ako sa labi niya. Naalala ko rin na hinalikan ko siya kagabi.

Napansin niya atang napatitig ako sa labi niya kaya tumaas ang kilay niya. Siguradong pulang pula na ako ngayon. Nakakahiya!!!!

"Gaga-" hindi ko na siya pinatapos pa hinila ko siya palabas sa may banyo at agad akong pumasok doon at pabalibag na isinara ang pinto. Mabibigat ang paghingang pinakawalan ko. Napatakip ako sa mukha ko.

"Nakakahiya ka Siera!" Hiyang hiyang sabi ko sa sarili ko. Nakakahiya yung pinaggagawa ko kagabi. Napahawak ako sa pwetan ko natigilan ako.

##

'Kasi gagawa tayo ng baby...." And i kissed him but not too long after that ay itinulak niya ako dahilan para mahulog ako sa kama kaya pala masakit ang balakang ko.

##

Ano na Siera paano mo siya haharapin?! How can you face him? At saka baka dahil doon mapagtanto na niya na may gusto ako sa kanya?!!

Baliw ka talaga Siera! Kinaltukan ko pa ang sarili ko. Pero kulang pa, dahil sa hindi ko na nakakayanan ang mga nagaganap ay tumili na ako.

"Bes, anong nangyayari?!" Bumukas ang pinto ng banyo. Nanlaki ang mata ko hindi ko pala nailock.
Mabuti nalang hindi ko pa nahuhubad ang mga PJ's ko. Napatitig ako sa kanya. His face is so worried. Diba siya galit sa akin? Diba siya galit sa ginawa ko kagabi?

"W-wala." Utal na sagot ko sa kanya na hindi masalubong ang mga tingin niya. Pero tinitigan niya ako na parang sinasabing 'sure ka?'.
"Y-yeah. Wala talaga." Sabi ko. Tumango siya at umalis na. Isinara ko na yun at napahinga ako ng malalim. Napahawak ako sa tapat ng puso ko at tinapik tapik iyon. Kinakalma ang puso kong dumadagundong na naman.

***

"Parang awa mo na  Ma! Payagan niyo na ang kahit isa sa amin na kumuha ng ibang kwarto." Pag eemote ko kay mama. Nandito ako ngayon sa kwarto niya nakayakap sa mga binti niya habang nagmamakaawa sa kanya. Pero tinaasan lang niya ako ng kilay.

Siya ang may kagagawan kaya kahit anong makaawa ko sa staff o manager ng hotel na ito ay hindi parin nila ako gustong bigyan ng ibang kwarto.

"Hay naku Siera. Paano mo siya makukuha kung magkahiwalay kayo ng kwarto aber?"

"Pero Ma, no chance na talaga!"

"Triny mo na ba?" Pinandilatan niya ako. "Alam mo, nag aabang kami kagabi sa tapat  ng kwarto niyo nakikinig ng mga pangyayari " sabi ni mama na nakapagpatigil sa akin. Hindi nakapaniwala sa mga naririnig ko. Talagang desidido na ang mga magulang ko sa pambubugaw nila sa akin sa isang bakla. Ano bang nakita nila kay Evan at botong boto sila dito?

"Pero Ma, wala na talaga. At saka ayokong masira ang friendship namin ni Evan." Sabi ko. Mula pa kaninang umaga ay diko pinapansin si Evan dahil sa matinding pagkapahiya sa mga pinaggagagawa ko kagabi. Unang gabi palang may ganun ng pangyayari.

"Anak wag mong sabihin na wala na talaga. Dahil meron parin, lalaki pa rin si Evan. At saka ginagawa namin ito hindi para sa amin kundi para sayo. Hanggang kailan mo itatago ang tunay mong nararamdaman sa kanya?" Malumanay na sabi ni mama. Dahilan para matigilan ako at mapabitaw sa may binti niya. Naiwan akong nakaluhod doon. Maya maya ay may naramdaman akong humaplos sa buhok ko. Napatingala ako. Si papa na kanina pa kami pinapanood ay nandito na ngayon hinahaplos ang buhok ko.

"Gusto lang naming maging masaya ka anak. Gusto ka lang naming tulungan upang maging masaya ka. Alam namin na mahal mo si Evan pero natatakot kalang umamin sa kanya dahil takot ka na baka masira ang pagkakaibigan niyo." Ngumiti siya isang nakakaintinding ngiti.

"But you'll never know if you didn't take a risk. Wag kang matakot sumugal. We keep pushing you dahil gusto naming sumaya ka." Sabi pa niya at tinapik ang balikat ko. Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha mula sa mata ko. Tiningala ko siya.

"Pa..." Tawag ko sa kanya. He gave me an understanding smile. Tinapik niya ang balikat ko at iniwan na ako doon. Sinundan niya si mama. Ngayon ko lang sasabihin ito.

Kahit na nakakainis na sila minsan... I've got a cool parents you know and I am so lucky to have them.
Pero bago siya makarating kay mama, lumingon siya sa akin.

"Were waiting for the day that you can finally tell him those three words."  Sabi ni papa. Napangiti ako isang malungkot na ngiti.

"And we are also waiting for our apo!!!" Excited na pahabol ni mama. Kaya ang ngiti ko naging ngiwi. Napailing nalang ako si mama talaga kahit kelan.

Paano ko sasabihin sa kanya na mahal ko siya? Hindi naman kasi madali eh. Dahil madami akong dapat isa alang alang. Nandiyan yung takot na baka mawala ang pagkakaibigan namin if ever na hindi niya tanggapin ang nararamdaman ko.

Baka layuan niya ako. At iispin ko palang yun natatakot na ako. Hindi ko kaya.

Love is not easy. Talagang pahihirapan ka pa niya bago mo makuha ang salitang forever.

Love is like a coffee, it will give you a sweet and bitter taste.

Napabuntong hininga nalang ako.

Kailan kaya darating yung araw na magkakaroon na ako ng courage to confess to him?

Kailan ko masasabi sa kanya na mahal ko siya?

Darating pa kaya ang araw na iyon? O mananatili nalang akong matatakot?

Bikini Try On (COMPLETED)Where stories live. Discover now