Part 12

29.8K 661 54
                                    

Napasimangot ako noong tinitigan ko ang leeg ko sa may salamin dito sa loob ng banyo. Kainis na bakla nilagyan pa niya ng lovebites ang leeg ko.

'Its not lovebites because there is no love involve!'

Napabuntong hininga nalang ako. Late akong nagising. Paggising ko wala na siya.

Mas okay na yun para mas madali siyang iwasan. Masakit pa rin kasi iyong nangyari kagabi.

Muli ay napabuntong hininga na naman ako.

"So ano paninindigan mo talaga ang pagtatampo mo sa baklang Evan na yun?" Pagkakausap ko sa sarili ko sa salamin.

"Oo, panindigan mo Siera. Kahit isang araw lang ipakita mo sa kanya na kaya mo din siyang tiisin!" Pangungumbinsi ko sa aking sarili. Muli ay napabuntong hininga ako. Sana kayanin ko nga.

Hindi kasi ako marunong magtampo ng matagal sa kanya. Ni hindi ko nga kayang tumagal ng isang araw. Pero sa ngayon kakayanin ko na talaga.

Naglakad lakad ako sa gilid ng beach habang hindi pa gaanong mainit. Nakasalubong ko din sina mama at sinabi nila sa akin na nasa pool daw si Evan with his new found friend. Pero wala akong balak na magpakita ngayon sa kanya. Wala akong balak na kausapin siya.

Sinisipa ko ang nakita kong shell na napadpad sa dalampasigan. Muli ay napabuntong hininga na naman ako.

Ngayon lang ako nasasaktan ng ganito ng dahil sa kanya.

Masakit din kasi eh yung tipong nasa cloud nine ka because something special happened between us pero yun pala pinagsisihan niya ang mga iyon.

Naguguluhan na din ako sa kanya.

Naguguluhan na ako sa mga actions niya na naglelead sa akin para umasa na merong chance. Na meron akong chance sa kanya.

Kaya nga lumalaki yung pag asang nararamdaman ko na malapit ko ng masabi sa kanya na mahal ko siya pero ng dahil sa nangyari kagabi. Back to zero na naman.

Ayokong marinig na naman ang pagsosorry niya sakali mang hindi niya tanggapin ang nararamdaman ko sa kanya.

Muli'y napabuntong hininga na naman ako.

"AY CHAKA!" Gulat na bulalas ko at napatingin sa taong tumikhim sa tabi ko.

"Hi..." Ngiting ngiting bati sa akin nito.

"A-aico?" Tanging nasabi ko nalang.

Tumango siya at saka ngumiti na naman.

"Mag isa mo lang?" Tanong niya at tinignan ang paligid ko. Napasimangot ako at saka naglakad na naman.

"Dipa ba obvious?" Nakangusong sabi ko dito na siyang ikinatawa niya kahit wala namang nakakatawa.

"Samahan na kita." Sabi niya. Tumango nalang ako at naglakad lakad ulit. Nakayuko lang ako habang binabaybay ang buhanginan na hinahalikan ng maliliit na alon.

Tahimik lang din si Aico habang sinasamahan ako. Alam kong nararamdaman din niya na may dinadala akong problema sa ngayon. Kaya hindi siya nagdadaldal na lagi niyang ginagawa.

Maya maya ay napabuntong hininga na naman ako.

"This can't do..." Napabuntong hiningang sabi ni Aico at bigla nalang tumigil. Kaya kunot noo ko siyang nilingon.

Salubong ang kilay niya habang pinagmamasdan ako na parang ang lalim ng iniisip.

Saka siya napailing.

"Tara!" Bigla niya akong hinila.

"Teka-" angal ko pero hinila niya ako.

Nagpatianod nalang ako sa kanya.

Bikini Try On (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα