Part 19

28.8K 596 83
                                    

Nakasimangot na napamulat ako ng mata noong maramdaman ang init ng sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Napatitig ako sa kisame noong maalala ang nangyari buong magdamag. Napakurap kurap ako.

'Kinaya ko ba talaga yung tatlong round as a first timer?' Napingiwi ako at napailing iling para maaalis sa isipan ko iyon I extended my arms to feel if nasa tabi ko pa si Evan pero bigla akong napabangon noong maramdamang wala na siya. Napasimangot ako. Saan kaya yun nagpunta. Pero namula ako noong maalala kung paano ang performance niya  sa kama. Sinampal sampal ko ang aking pisngi para alisin iyon sa isip ko.

Kailangan pala naming mag usap ngayon. Sinabi ko sa kanya kagabi diba. Hindi pwede yung ganito kailangan naming magkaliwanagan.

Tama tama. Yun ang nararapat.

Napangiwi ako noong tumayo ako pero I tried my best to stand up para pumunta sa may banyo at maligo and prepare myself. Nagbihis na ako. Sana hind mapansin ni mama na paika ika ang lakad ko mamaya.

Habang nagsusuklay ako sa harap ng vanity mirror ay napatingin ako sa cellphone ko. Matawagan nga ang baklang iyon.

"Teka bakla pa ba iyon kahit na may nangyari na sa amin?" Napakibit balikat nalang ako. Matanong nalang sa kanya mamaya kapag nagkausap na kami. But when I opened my phone nanlaki nalang ang aking mata when I saw how many miscalls I had. Galing lahat iyon kay Aico. Oo nga pala nakalimutan ko siya! Hinihintay nga pala niya ako sa lobby kagabi to fetch me! Oh my gosh!!! Si Evan kasi eh!

Tinignan ko ang mga message niya.
Napangiwi ako ng dahil doon.

~'Siera, are you going down?'~

~'hey, still coming?'~

~'I think, you back out😢'~

At madami pang iba. Naguilty tuloy ako ng wala sa oras. Eh hindi ko din naman kasi akalain na maaakit pala ang baklang Evan na iyon  sa simpleng pag tatry ko lang ng bikini. Tas nangyari na nga ang nangyari. I composed a message para kay Aico.

~'Sorry Aico. Sumama lang kasi ang tiyan ko kagabi kaya di na ako nakapunta. I didn't notice your calls and text. Tumambay na kasi ako sa CR.'~ napabuntong hininga nalang ako when I sent it. I lied, sorry Aico. Alangan naman na sabihin ko ang totoo na nakipagchukchakan ako kaya di ko na siya naalala diba?

And speaking of Evan asan na ba ang baklang iyon?

Ni hindi man lang ako ginising!
Bumaba ako baka kasama na naman nila mama. Alam ko naman na sa ganitong oras ineenjoy na naman nila mama ang pagbababad sa araw sa gilid ng beach.

At hindi nga ako nagkamali.

"Morning ma, pa." Bati ko at nagpalinga linga ako.

"Tanghali na, hindi na morning." Simangot na sabi ni mama.
Napangiti at napailing nalang si papa.  Maya maya ay tinignan ako ni papa parang may gustong sabihin pero nagdadalawang isip ito.

"Pa, Ma. Si Evan po nakita niyo?" Kunot noong tanong ko dahil wala akong nakitang Evan sa paligid. Nagkatinginan sina mama at papa at saka nila ako tinignan. Nakataas ang kilay ni mama sa akin.

"Hindi ba siya nagpaalam sayo?" Takang tanong ni mama. Kumunot ang noo ko.
Huh? Nagpaalam?

"Ayan sinasabi ko na sa iyo. Iniwasan mo siya buong gabi no. Hindi mo siya kinausap kaya hindi na nakapag paalam sayo?"

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Takang tanong ko.

"Hay naku Siera sabi ko naman sayo diba? Pansinin mo siya. Aba eh nagpaalam sa amin kahapon bago siya pumanhik sa kwarto niyong dalawa na uuwi na daw siya sa manila dahil nagkaproblema ang kumpanya nila."

Bikini Try On (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara