Part 8

32.9K 604 21
                                    

But then....

"P*tang ina mo Evan! Humanda ka sa akin!" I shouted at him. Habang siya ay papalayo nang tawa ng tawa. Yeah, he is drunk. Bakit ko ba nakalimutan na malakas siyang mantrip kapag lasing siya? Napamura pa ako ng ilang beses. Hinabol ko siya. Papasok na siya sa hotel. Tawa ng tawa habang ako kulang nalang sumabog dahil sa inis at galit.

"Papatayin kitang bakla ka!" Habol ko sa kanya. Pinagtitinginan na kami ng ibang tao pero wala akong pakialam. I was furious as hell. Magsasalita na sana ako kanina pero nagsalita siya na parang bombang sumabog sa akin.

'Siyempre joke lang. Bruha hindi pa naman ako tomboy!' Yan ang sabi niya sabay tawa. Natigilan ako. Lumayo siya sa akin sabay sabing. 'Haha your face is priceless!' Oo tawang tawa talaga siya. Demonyo talaga siya eh!

I was furious as hell. The reason why? Dahil isang kahihiyan na naman. Akalain niyong muntikan na akong bumigay? At hindi ko matanggap iyon!!!

Hanggang sa makarating kami sa room namin tawa pa din siya ng tawa. Kaya ayun kinuha ko ang unan at pinagpapalo siya.

"Walang hiya ka! Asar ka talaga!"

"Maayos akong humihingi ng pasensiya sayo tapos ganito ang gagawin mo sa akin?"  Inis na inis na sabi ko sa kanya habang pinapalo siya.

"Aray!! Beshi!! Wititit na! End na! Tama na!!" Saway niya sa akin. Pero hindi ko siya tinigilan. Tawa pa rin siya ng tawa. Napatili nalang ako noong bigla  niya akong yakapin at natumba kaming dalawa sa kama. Tumatawa pa rin siya. Nagpupumiglas ako. Naiinis talaga ko sa kanya.

"Tama na. Sorry na." Sabi niya at nawala ng paunti unti ang tawa niya. Mahigpit ang yakap niya sa akin. Napabuntong hininga na din ako at tumigil na. Hinihingal kaming pareho. Maya maya ay inayos niya ang higa namin. Pinaunan niya ako sa braso niya.

Kahit gaano pa kaawkward ang nangyayari sa amin. Wala paring nagbabago sa amin. Tumagilid ako at  hinarap siya. Tinitigan ko siya sa mukha.

"Tell me. Bakit ka nag inom?" Curious na tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya. He is drunk. Pero may tama lang siya. Nakakainis. Ngingiti lang siya pero bakit kailangan niyang maging napakagwapo sa paningin ko? Napaiwas siya ng tingin. Ibinaling niya ang tingin niya sa kisame.

"Naguguluhan lang." Sagot niya. Tatanungin ko pa sana kung saan pero naramdaman kong ayaw niyang palawakin ang topic na iyon.

"Ikaw, bakit ka nag inom kagabi?" Balik tanong niya sa akin na hindi ko masagot.

Bakit nga ba? Dahil ba pressured na ako sa mga magulang ko na nagrerequest ng apo at hinihintay ang panahon na makakapagtapat na ako sa kanya? Frustrated, dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kung paano umamin sa kanya.

Nakakafrustrate din kasing mainlove sa kanya. Narinig ko siyang bumuntong hininga. Napatili nalang ako noong sumubsob siya sa leeg ko at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Ang clingy clingy mo talagang bakla ka." Pairap na saway ko sa kanya. He just chuckles. Bakit ba dipa ako nasanay sanay sa pagiging clingy niya?.

"Siera..." Bulong na tawag niya sa akin. Mukhang may sasabihin pa siya kaya hinintay ko kung ano iyon. "Siera..." Tawag niya ulit. Napakunot noo ako.

"Bakit ba?" Takang tanong ko. Pero di na niya ako kinibo. Tignan mo tong baklang to. Ang gulo gulo niya talaga. "Evan." Tapik ko sa kamay niyang nakayakap sa akin. Pero napabuntong hininga nalang ako. Tulog na ata siya.

"Siera..." Napapikit ako ng mariin. Pinagloloko talaga ako ng baklang to eh. Mas humigpit ang yakap niya sa akin.

"May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Antok na tanong niya sa akin na siyang nagpakabog sa dibdib ko dahil sa kaba. Napalunok ako. Wag mong sabihin na may nalalalaman na siya.

"O-oy!" Tarantang saway ko sa kanya noong itinapat niya ang tenga niya sa dibdib ko. Itinulak ko siya ng mahina.

"A-ano bang ginagawa mo?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Iniangat niya ang kanyang  mukha dahilan para magkatapat ang mga mukha namin. Hindi ko maiwasang mailang sa klase ng pagtitig niya. Seems like he is reading my mind. Napaiwas ako ng tingin. Pero nagulat ako when he hold my chin and let me face him. Napalunok ako. Kunot na ngayon ang noo niya, na siyang dahilan ng pagsalubong ng kilay niya. Nakasimangot na siya.

"May hindi ka talaga sinasabi sa akin eh." Kunot na kunot ang noong sabi niya sa akin. I can't stand the way how he stare at  me kaya iiwas sana ako ng tingin sa kanya pero hindi niya hinayaan. "Eyes on me." Seryosong sabi niya.

"A-ano bang pinagsasabi mo?" Utal na tanong ko at pilit iniiwas ang tingin ko sa kanya. Isang bagay lang naman ang hindi ko pa sinasabi sa kanya. Pero imposible namang yun ang kanyang sinasasabi.

"Tss. Don't lie Siera. Kilala na kita. Lalakas tibok ng puso mo and you can't make eye contact when you are lying to me." Simangot na sabi niya. Binitawan niya ang chin ko at umayos na siya ng higa. Nakahinga naman ako ng maluwang.

"Sabihin mo na kasi. I will listen." Suhestiyon pa niya. Tinignan ko siya. How can I say it to him? Yeah he will listen. But that is not enough for me. Gusto ko kapag sinabi ko sa kanya, he will answer me the words that I wanted to hear. At sana tanggapin niya kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya. Napabuntong hininga ako at tinalikuran na siya.

Bakit siya pa kasi ang napili kong mahalin eh. Siya kasi eh ang sweet sweet niya, napakaclingy rin niya. Noong una gusto ko namang pigilan ang nararamdaman ko dahil nga hindi pwede pero everytime na makakasama ko siya nahuhulog ako ng nahuhulog.

Triny ko din siyang iwasan. Pero hindi eh wala din.

Well Im planning not to tell him but every people around me are keep  on pushing me to tell him. Lalo na ang mga magulang ko.

Masasabi ko din siguro ito, pero hindi pa sa ngayon. Hindi pa ito ang tamang panahon.

Bikini Try On (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora