Part 16

29K 610 27
                                    



Kaya pala dinala ako ni mama dito sa may pool dahil nandito siya. Napasimangot ako noong makita kung anong ginagawa niya. Tsk, anlandi landi niya talaga. Pagkatapos niya akong manyakin noong madaling araw makikita ko siya dito na nakikipaglandian na naman sa mga boylet niya! Ang saya saya niya habang nakikipag usap dito, may pahampas hampas pa siyang nalalaman sa braso nong lalaki. Napairap ako sa hangin at lalong napasimangot. Sus, tsumatsansing na naman yung baklang yan.

Pasulyap sulyap ako sa kinaroroonan niya at umiirap. Umupo ako sa gilid ng pool. Pa squat habang nakayuko. Ipinatong ko ang aking kamay sa aking tuhod at ipinatong ko din ang baba ko doon.
Ano pagkatapos ng nangyari din niya ako papansinin. Nakakagulo na siya ng utak. Urong sulong naman siya kaya diko alam kung sasabihin ko pa ba sa kanya ang nararamdaman ko.

Kaya grabe na ang pagkasimangot ko dito.

"Ay chaka!" Gulat na sabi ko dahil mula sa tinititigan kong tubig ng pool ay may umangat doon galing sa pagsisid. Nakangisi ito. Napasinghap at nanlaki ang aking mga mata  noong hawakan niya ang batok ko at halikan ako. Napataas ang dalawang kamay ko na parang susuko. Gulat padin talaga ang buong sistema ng katawan ko. Madiin ang paghalik niya. Noong humiwalay siya sobrang ngisi ang nasa kanyang mukha.

"E-evan..." Pakurap kurap na sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin grabe ang pagkakangiti niya.
Magsasalita na sana ako pero napatili nalang ako noong hilahin niya ako. Bumagsak ako sa tubig. Noong umangat ako ay tawa siya ng tawa samantalang ako ay paubo ubo dahil nakainom pa ako ng konting tubig.

Noong nakabawi na ako sa pagkabigla, "Ano bang trip mo?!" Inis na tanong ko sa kanya at sinabuyan siya ng tubig. Todo irap na ako sa kanya. Dahil sa inis ay tinalikuran ko siya.

"Woah! Walang walk outan beshi." Tatawa- tawang sabi niya at mabilis niya akong nilapitan at hinapit ang beywang ko.

Napatitig ako sa mukha niya. Bakit parang ang saya niya ngayon? Yun bang parang nag-goglow siya.

"Tsk! Asar ka kasi eh! Nakakagulo ka ng utak!" Hinampas ko ang kanyang dibdib. Tigas ha. AHEM!  Bawal muna landi ngayon Siera. Sinimangutan ko siya pero nginisihan lang ako ng gago. Tamo asar talaga eh.
"At saka bakit kaba halik ng halik sakin. Manyak mo pa!" Sabi ko dito. Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil namumula na naman ako dahil naalala ko ang ginawa niya. Tsk! Erase! Erase!
Siera wag mo ng alalahanin yun.

He chuckled at nagkibit balikat nalang siya. Napakawit ang mga kamay ko sa batok niya noong hindi ko na maramdaman ang sahig. Napunta na pala kami sa parteng medyo malalim. Dahil doon ay nagkalapit ang aming mga mukha.
Napatitig ako sa labi niya. Napalunok ako dahil pakiramdam ko natutuyuan na naman ang lalamunan ko. Bakit ba ang bilis kong maakit sa baklang ito?

Pero napatitig ulit ako sa kanya. Seryoso siya. Alam ko yun. Parang binabasa niya ang aking nasa isipan.

"May hindi ka talaga sinasabi sa akin." Seryosong sabi niya. Nagsalubong na din ang kanyang kilay. "Im waiting for you to say it but seems like you don't have any plan to." Napasinghap ako noong mas lalo niya akong hapitin, napigil ko din ang paghinga ko. Pakiramdam ko nanghihina ako. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
Bakit ba ganyan siya? Napaka paasa niya! Hindi ko ata kakayanin yung ganitong kalapit. Feeling ko nauubusan ako ng hangin. Hindi ako makahinga ng maayos. Itinulak ko siya para sana lumayo ng konti pero hindi niya ako hinayaan na makalayo. Humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Evan..." Bulong ko sa pangalan niya. Lalong lumakas ang kabog ng aking puso. Nararamdaman niya kaya?
Ano kayang nasa isip niya? May pag asa kaya? Kapag ba sinabi ko sa kanya hindi ako masasaktan?
Unti unting lumapit ang kanyang mukha sa akin. Sa paglapit ng mukha niya sa akin ay nagpaubaya na ako. Bahala na.

Bikini Try On (COMPLETED)Where stories live. Discover now