Part 24

26K 618 203
                                    

Nagising ako kinaumagahan dahil sa pangangasim ng sikmura ko. Agad agad akong bumangon at dumiretso sa may banyo and I vomit. Gosh! How I hate morning sickness! Feeling ko lahat ng bituka ko lalabas pero walang lumalabas just a water.

Naramdaman ko na lang may nagbukas ng pintuan ng CR at may humahagod na sa likuran ko. Nakapikit at hinang hina akong napaupo sa malamig na tiles ng banyo. Habang nakakapit sa may bowl. Patuloy ko pa rin nararamdaman ang paghagod ng kung sino man sa likod ko. Nagtaka ako at saka napamulat. And I saw Evan's worried face. Napatulala ako. He's here. He is really here. Naalala ko nag usap kami kaninang madaling araw. Hindi ba siya umuwi? Pero iba na ang damit niya.

"Here drink this warm water." Alok niya at inalalayan ako sa pag inom. Tulala pa rin ako sa kanya. Umiinit na naman ang sulok ng mga mata ko.

"Evan!!" Sabi ko sa pangalan niya at saka na umiyak. Nataranta siya bigla bigla at di na niya alam ang gagawin niya.

"Fvck!" Mura niya. "Oy bruha! Wag ka ng umiyak!" Sabi niya. "Lagi ka nalang umiiyak sa tuwing nagkikita tayo eh." Sabi niya. Oo nga no? Pero kasi naiiyak nga ako. Pinatayo niya ako at saka inalalayan. But when I smelled his scent ay bigla biglang gusto ko na siyang yakapin. And I hated myself for that. Alam kong hindi pa kami okay pero gusto ko talagang yakapin siya at amuyin ang amoy niya.
Kaya niyakap ko nalang siya bigla bigla. Nagulat din siya sa ginawa ko.
Nabato siya sa kinatatayuan namin. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya habang umiiyak ako. Nag aalinlangan pa siya kung yayakapin ako pabalik but in the end I felt his arms encircled me. Ikinawit ko ang aking kamay sa kanyang batok at nag iiyak na naman.

He can't make me move para lumabas na sa banyo. Umiiyak pa rin ako, and instead of letting us be in there habang umiiyak ako ay bigla bigla nalang niya akong binuhat. I encirlced my legs on his waist as he walk isinubsob ko ang aking mukha sa leeg niya habang humihikbi. Para na akong bata na buhat buhat niya. I really miss him. Paano nalang kapag ikinasal siya edi hindi ko na siya makikita at makakasama. Dahil doon ang mahinang paghikbi ko ay lumakas na naman. Umupo siya sa kama ko while Im in his lap sitting at nakasubsob parin sa leeg niya. I heard him sigh and he caress my hair.

Nagiging mahina na din ang mga paghikbi ko. At naging komportable na din sa kinalalagyan ko. Dahil sa pag iyak ay nakaramdam na naman ako ng antok and to think that ilang oras lang ang tulog ko kaninang madaling araw. Hanggang ang mahihinang paghikbi ay nawala. Nakapikit lang ako, I feel sleepy again. We were like that for sometime.

"Siera." Tawag niya sa akin but I didn't answer him. Gusto ko pang manatili sa pagkakayakap niya. Gusto ko pang amuyin ang amoy niya.
"Bruha." Tapik niya sa akin. But I just moaned to protest. Napabuntong hininga siya at hinayaan nalang ako doon. Maya maya ay naramdaman ko na inaayos niya ang saril niya. I don't know what is he doing pero gumagalaw lang siya until he stops. Iminulat ko ang mata ko and nakita ko nalang na nakasandal na siya sa headboard ng kama while I am on his top. Pumikit muli ako as I feel sleepy.  Humigpit ang yakap niya sa akin and I heard him chuckle as I snuggle in his neck more. He kiss my temple.

"I miss you..." He murmured and I just mumble as a response. I'd like to tell him that I also miss him. Hinahaplos haplos lang niya ang buhok ko dahilan para antukin ako lalo.
Nakatulog akong nakapatong sa kanya.

And in that moment kinalimutan ko muna ang kung ano mang problema sa pagitan namin.  Pwede bang kahit ngayon lang wala munang iyakan. Gusto ko munang ipahinga ang mata ko sa pag iyak.

*****

"Hey..."

"Hmmm." Protesta ko sa kung sino man ang humahaplos sa may pisngi ko. I need more sleep. Inalis ko ang kamay na iyon.

"Siera." Malambing na tawag nito sa pangalan ko. Nangunot ang noo ko dahil sa inis. Ayaw ko pang gumising. Gusto ko pang matulog.
"Wake up bruha." Sabi nito at niyugyog na ako. I opened my eyes, kumunot ang noo ko bakit parang matigas ang kinahihigahan ko. Bumangon ako sa pagkakadapa, sa pagbangon kong iyon ay kinukusot kusot ko pa ang mata ko na parang bata.

Bikini Try On (COMPLETED)Where stories live. Discover now