Part 9

32.5K 672 67
                                    

"Ano na may laman na ba?"

"Ma!" Saway ko kay mama at inalis ang palad niya na humawak sa tiyan ko. Napatingin ako kay Evan na nakataas ang kilay niyang nakatingin sa akin. Nag iwas agad ako ng tingin. At napabuntong hininga.

Napasimangot naman si mama.

"Wala pang apo after nine months." Emote niya at nagkunwari pang umiiyak. Napasimangot naman ako. Diko talaga maintindihan ang mama ko. Napapailing nalang ako. Lumapit siya kay papa at ibinalita ang malungkot na balita para sa kanya.

"Pinagsasabi ng mudrakels mo?" Taas kilay na tanong ni Evan.

"W-wala. Ganyan talaga si mama. Malakas ang topak." Umiiwas ng tinging sagot ko.

"Kaya pala kung maka-aya kang gumawa ng baby noong isang gabi ay ganun nalang pressured ka pala sa mama mo."  Napapailing na sabi niya. Natignan ko siya ng dahil doon. "Pero bes? Bakit ako pa?" Kunot noong tanong niya.

"Huh?" Parang tangang tanong ko. Tinaasan niya ako ng kilay. Bakit nga ba siya pa? Dahil mahal ko siya. Nagbabakasakali lang ako malay niyo pumayag diba? At saka siya lang naman  ang gusto kong maging ama ng mga magiging anak ko

"Tara swimming." Awkward na aya ko sa kanya para madivert yung topic. Hinila ko na siya.

"Gosh, hindi pa ako nakakapag apply ng sunblock baka masunog ang balat ko." Arte niya.

"Edi mag apply ka." Suggest ko at ipinakita yung hawak ko. Nagpahila nalang siya pero nakabusangot parin siya.


"Ano na naman?" Asar na tanong ko sa kanya. Ang arte arte niya talaga. Nandito na kami ngayon sa gilid ng beach, sa may chaise lounge chair nakaupo. Tinignan lang ako ng isang ito saka niya ako nginisihan.

Magugwapuhan na sana ako sa pagngisi ngisi niya but I knew him. Nakakaakit na sana. Pero naalala ko iyon pala ang mukha niya kapag may naisip siyang kademonyohan.

Bakla siya oo, pero hindi naman yung baklang ladlad na ladlad. Bakla siya coz he's attracted to boys more than girls. Bisexual sana kaso mula noong makilala ko siya hindi pa naman siya nagpapakita ng interes sa ibang babae. Kaya nga lalaki lang ang nakakarelasyon niya.

Napataas nalang ang kilay ko noong hubarin niya ang white sleeveless niya. Nakacross arms lang ako sa harapan niya na nakatayo. Habang siya ay medyo nakatingala sa akin.

"Lagyan mo ako ng sunblock bilis." Ngising sabi niya na lalong nakapagpataas sa kilay ko. Tapos ibinigay  na niya yung sunblock. Napabuntong hininga nalang ako at nilagyan ang palad ko ng hmmm madami, at bigla nalang ipinahid sa mukha niya na siyang ikinatawa ko. Tumatawa ako habang pinapahidan ang kanyang mukha samantalamg siya ay nakamasid lang sa akin pero hindi maitatago ang kanyang pagkasimangot.

Dalawang palad ko na ang nakalagay sa may pisngi niya. Dahil sa napadami ang sunblock na nilagay ko ay namuti na ang kanyang mukha kaya mas lalo pa akong napatawa.

Tinitigan lang niya ako habang tinatawanan ko siya. Pero napatigil ako nung hapitin niya ang beywang ko. Napakurap kurap na naman ako at napalunok sa klase ng titig na ibinibigay niya sa akin. At ayan na naman ang pagkabog ng dibdib ko. Parang may paru paro na naman sa tiyan ko.

Dahil sa paghapit niya sa beywang ko ay nadikit ang katawan ko sa kanya. Nakatingala siya sa akin kaya napalapit din ang aking mukha sa kanyang mukha. Dahil hindi ko na kinakaya ang intensidad ng pagkakatitig niya sa akin ay sinubukan kong kumawala sa kanya pero hindi niya ako hinayaan.

Tinitigan niya ang aking mukha na parang pinag aaralan at mayroong hinahanap.

"Wala ka talagang kacharms charms." Ngising sabi nito na halatang inaasar na naman ako. Napasimangot ako ng dahil doon. Tama bang sabihan ako ng ganun. Ang ganda ganda ko kaya.

Bikini Try On (COMPLETED)Where stories live. Discover now