Special Chapter 02

20.3K 577 56
                                    

Another special chapter for you guys.
Gusto ko sanang magdedicate but I don't know how. 😢

"Evan bakla!!!" Nalukot ang mukha ko at napamura nang sunod sunod noong marinig ko ang tawag ni Siera mula sa taas. She is in our room, she decided to take a nap in the middle of the day. And now why is she calling me anyway? Ewan ko sa kanya. Nakikipaglaro ako ngayon kay Seven, I take a day off para makabonding ko naman ang anak ko. 

Ang anak kong tatlong taong gulang na. It's been three years since our wedding and our son came into the world.

At sa tatlong taon na iyon ay mas minamahal ko pang lalo ang bruhang iyon, na kung makatawag na naman sa akin ng bakla parang nakalimutan na niya ang kabilinbilinan ko noon sa kanya na wag na wag na niya akong tatawaging bakla.

"Evan bakla! Halika nga dito!" I wrinkled my nose, mas lalo na noong makita ko ang anak kong matiim na nakatitig sa akin with his confuse face. Kunot na kunot ang noo nito.

"Papa, why mama is calling you bakla?" My curious son ask. Heto na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Wala yun sports. Don't mind your mom. By the way your mom is calling me is it okay with you if I will leave you with  Yaya Glory?" I ask my son. Kahit na medyo nadisappoint ang kanyang itsura ay tumango naman ang bata. Mabuti nalang talaga hindi na siya kagaya noong baby pa siya na ipanagdadamot ang mama niya. Napangiti ako at ginulo ang buhok nito.

Ngumiti siya at ipinagpatuloy ang paglalaro niya ng mga lego niya. Tinawag ko muna si Manang Glory bago ako pumanhik sa taas dahil kung makatawag ang bruhang iyon wagas. At bago ako pumasok sa loob ng kwarto namin ay huminga muna ako ng malalim para ihanda ang aking sarili sa kung ano mang pagsubok ang pagdadaanan ko na naman.

Kung anong ibig kong sabihin don? You'll find out later when I will enter our room.

And again I took a deep breath. And when I open the door, Siera welcomed me with a wide yet wicked smile.

At hindi ako nasisiyahan sa ngiti niyang yan.

Bakit?

"Evan bakla. Halika dito dali. Try this." She excitedly said. Napabuntong hininga nalang ako at napasimangot sa kanya.

"Ano na naman bang kabaliwan ito bruha? Ilang beses ko nang sinabi sayo na wag mo na akong tatawaging bakla. Nacoconfuse na tuloy si Seven. At ano na namang ipapagawa mo sa akin?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya habang papalapit sa kanya. But she just gave me that creepy smile. Wala akong magawa sa bruhang ito eh. Inatake na naman siguro ng kabaliwan niya. Ewan ko ba sa kanya ang wierd wierd niya. Wala na atang mapagtripan sa buhay kaya ako itong pinagkakaabalahan niya.

She was sitting on the edge of our bed. Nasa tapat na niya ako.

"Maghubad ka." She said kaya tinaasan ko siya ng kilay. Maya maya ay napangisi ako. A naughty smile was plastered on my face.

"Hindi mo naman agad sinabi sakin bruha na gagawa  pala tayo ng baby." I said excitedly and I remove my shirt and my short. And now Im only on my boxer short. Ngumiti ng pagkatamis tamis si Siera.

"Nagkakalaman laman na ang mga muscles mo bakla." She said while grinning. Malagkit na din ang tingin niya sa akin. Sabi ko na nga ba ang dyosa ko talaga. Dyosa na ulit dahil nagbabalik ang endearment ng ateng niyo na 'bakla'. Kaya panindigan, hindi naman ako makareklamo dahil baka mabeast mode ang bruhang iyan. Lumapit na ako sa kanya at akmang hahalikan na siya pero tumatawang itinulak niya ang aking noo.

"Ano ba Evan wag ka ngang malandi. May ipapagawa pa ako sayo." She said while giggling. Kaya napalayo ako sa kanya at kunot noo siyang tinignan.

"Akala ko ba gagawa tayo ng baby?" Takang tanong ko sa kanya. But she just laugh out loud. Ay kaimbyerna ang gaga. Excited pa naman ako tapos hindi pala iyon ang activity of the day namin.
Napasimangot ako sa kanya at marahas na napabuntong hininga.
Kinuha ko ang aking damit na inalis ko kanina at lulugo lugong nagdamit ulit.

Bikini Try On (COMPLETED)Where stories live. Discover now