Part 13

29.8K 634 21
                                    


"Saan  ka galing?"

"Ay chaka!" Muntikan na akong atakihin sa puso noong bigla bigla nalang may nagsalita.

Napatingin ako sa may pintuan ng banyo. Si Evan na madilim ang mukha ang bumungad sa akin.

Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa hamba ng pintuan.
At seryosong nakamasid sa akin.

Napalunok ako dahil ramdam ko ang bigat ng aura niya.

Parang may mali.

Parang...

"Saan ka galing?" Maligalig na tanong niya sa akin.
Muli ay napalunok na naman ako kasabay ng pagtambol ng aking dibdib dahil sa tingin na ibinibigay niya sa akin.

"U-uhmm...." Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Teka bakit ba ako kinakabahan? Pakealam niya naman kung saan ako nanggaling diba?

At saka oo nga pala nagtatampo pala ako sa kanya.

"Saan kayo nanggaling ng lalaking iyon?" Tanong niya ulit na ikinatingin ko sa kanya dahil may naulinigan akong kakaiba sa pagkakatanong nito.

Yun bang parang pinag iisipan ka ng iba.

Nagsalubong ang aking kilay.
Sinimangutan ko siya.

"Wala kana dun." Simangot na sagot ko.

Naningkit ang mata niya at saka niya ako nilapitan.

Mabibigat ang kanyang mga yapak.
Napakurap kurap nalang ako noong isinandal niya ang dalawang kamay niya sa sinasandalan ko dahilan para makulong ako. Nakayuko siya habang nakakulong ako sa braso niya.

Napatingala ako. He's eyeing me down. Staring at me to be exact madilim pa rin ang kanyang mukha. Mukhang hindi maganda ang kanyang mood.

"A-ano bang ginagawa mo Evan?" Utal na tanong ko dito. Ngayon ko lang kasi siya nakita na ganito ang itsura ng mukha niya. Yung para bang galit siya na hindi mapaliwanag.

"Bakit kasama mo si Aico?" Tanong niya. Masyadong malapit ang kanyang mukha kaya halos pigilan ko na rin ang aking paghinga.

Nagsalubong ang aking kilay noong maamoy ko ang kanyang hininga.

"You drink?" Sabi ko dito. Nakainom ito.

Pero hindi niya sinagot ang tanong ko.

Titig na titig lang siya sakin.

"Answer me Siera. Bakit kasama mo ang lalaking yun?" Madilim na tanong niya.

Dahil doon ay hindi ko maiwasang kabahan. Bakit ba ganito siya ngayon. Nakakapanibago.

At bakit ba nakakatakot ngayon ang boses niya. Ni walang halong kabaklaan o kahinhinan.

Naapatras ako dahil mas inilapit niya pa ang kanyang mukha sa akin.

"Answer me."

I put my hands on his chest.

"Te-teka lang Evan." Tarantang saway ko sa kanya. Naguguluhan ako.
Naeeskandalo ako sa ikinikilos niya.
Maghapon kaming hindi nag usap.

Anong nangyari at bakit galit ata siya. Wala naman akong ginawang mali.

Pero kahit na itinutulak ko siya ay hindi pa rin siya nagpatinag.

Ramdam ko na galit talaga siya. Galit siya sa akin. Pero ako dapat ang magalit sa kanya diba?

Ako dapat ang naiinis sa kanya.

Dahil sa ikinikilos niya ay hindi din maiwasan ng aking puso ang dumagundong. Nabibingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Did you also ask him?"

Bikini Try On (COMPLETED)Where stories live. Discover now