Chapter 22: Hang Over

1.1K 33 0
                                    


Eunice's POV

♡♡♡

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Oh my Gosh! Ano bang nangyari sa akin? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Nilibot ko ang paningin ko sa kwartong 'to.

Hala! Hindi ko 'to kwarto, napabalikwas agad ako, at agad tumayo sa kama. Bubuksan ko na sana ang pinto ng bumukas ito.

"Good Morning." Sabi ng lalaking kaharap ko.

"Kuya, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Kuya Axel na kaharap ko ngayon.

"Ahmf! Nasa bahay ka namin ngayon. But don't worry nasa tamang kamay ka. Sinama na kita dito, dahil nakiusap ang kaibigan mo, baka may mangyari daw sayo sa bar." Sabi ni Kuya Axel.

Ang gwapo talaga ng crush ko. Ang gwapo ni Kuya Axel sa suot niyang sando na puti at short.

Ay! Parang pinagnanasaan ko na siya.

Oo! Tama kayo. Sa bar kasi ako pumunta kagabi. Gusto ko lang kasi makalimutan ang lahat ng salimuot na nararamdaman ko kay ex.

Ang hirap pa lang ganito, kung hindi siguro kami naghiwalay one year na sana kami. Pero hindi ko sinasabi na gusto kung bumalik siya 'ha? No way. Masaya na ako sa buhay ko.

Pero kung nagtatanong kayo kung bakit mo nakilala ang lalaking kaharap ko ngayon? Nakilala ko lang naman siya sa PPBar kung saan ako pumunta kagabi pero isang sakayan lang ito galing condo ko.

Si Kuya Axel na super pogi kasi ay nagba-bartender d'un at hindi lang pala siya bartender kun'di siya daw ang may-ari sa bar na 'yun. Ang swerte ni kuya 'no. '

Yun daw kasi ang Gift ng Mommy at Daddy niya sa 21th birthday niya. At ito pa, nalaman ko rin--- I mean sinabi niya na sa Thomas University siya nag-aaral, graduating student in Civil Engineering.

Grabe si Kuya, kaya ko nga siya naging crush e. Hehehe

"Kain ka muna, bago ka umuwi sa inyo." Sabi ni Kuya Axel at umalis. Kaya dahil gutom ako at gusto kung mawala ang hang-over ko sinundan ko si Kuya Axel hanggang sa dining room nila.

"Nandito na pala kayo. Umupo na kayo." Sabi ng babaeng maganda--- I mean hindi siya masyadong matanda na naghahain ng pagkain.

"Eunice, siya pala si Manang Josie ang loyal naming kasambahay pero hindi lang siya basta-bastang kasambahay kundi ang pangalawa naming ina." Sabi pakilala ni Kuya Axel kay Manang Josie sa akin.

"Hello Eunice.... Kumain ka ng mabuti 'ha. Para mawala ang hang-over mo." Sabi ni Manang Josie sa akin.

"Sige po, Manang Josie." Sabi ko kay Manang, ang babait naman ng mga tao dito.

"Manang." Sambit ng lalaki na papasok sa dining area.

Pero hindi ko siya tiningnan dahil focus ako sa mga pagkain na sobrang sarap naman talaga.

"Nandito na pala si Ethan." Sabi ni Manang na ikinalaki ng mata ko.

What? Ethan? E, siya lang ba ang Ethan dito? Ang dami naman siguro diba?

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Sigaw na tanong niya na  pagalit na sambit sa akin.

My Gosh! Sa dinami-dami pang tao sa mundo, siya pa talaga ang nasa harapan ko.

"Ethan... Anong tanong ba naman niyan? Bisita natin siya... And be good sa kanya." Sabi ni Manang Josie.

"Manang, hindi ko alam na nagpapasok ka pala ng daga sa bahay natin." Sabi niya at tumayo ng tingin.

"Ethan wag kang bastos?!" Sabi ni Kuya Axel na mukhang galit ito pero pinakalma ang sarili.

"Umupo ka na diyan Ethan? At sabayan muna ang Kuya mo at si Eunice." Sabi ni Manang.

What? Magkapatid sila. My Gosh! Magkaiba ang ugali.

Kung ano ang ikinabait ni Kuya Axel siya naman ang ikinasama ng ugali sa mokong na manhid na Ethan na 'to.

"Manang d'un na lang ako sa taas kakain." Sabi ni Ethan na tatalikod sana.

"ETHAN, HINDI KITA TINURUAN NG PAGIGING BASTOS! UPO SA UPUAN!" Sambit ni Manang na galit na, kaya si Ethan umupo na lang na walang nagawa.

"Kung magkakilala man kayo edi good, kung magkakilala pero mag-kaaway ipapaliban niyo muna yan nasa hapag-kainan kayo." Sabi ni Manang sa amin.

Kaya kaming tatlo dito natahimik.

Umalis si Manang Josie dahil may aasikasuhin pa daw siya sa labas.

I think magdidilig 'yun ng halaman.

Kaya kami nagsimula ng kumain. Sa totoo lang gusto ko ng umuwi kaysa makasama ang mokong na 'to. Pero bilang respeto sa mga mababait na tao dito ginawa ko.

"Magkakilala pala kayo. Bakit hindi niyo man lang sinabi?" Tanong ni Kuya Axel sa kalagitnaan sa pagsubo namin ng pagkain. "Magkaklase kayo?" Tanong ni kuya Axel ulit.

"Oo." Sagot namin pareho, kaya nagkatinginan kami at agad din itong umiwas.

"Magkaaway?" Tanong ulit ni Kuya Axel.

Tiningnan ko si Ethan pero wala man lang siyang reaksyon kaya hindi na rin ako sumagot.

"By the way.... Since magkakilala naman kayo. Ethan, ikaw na bahala kay Eunice. Pupunta pa ako sa Thomas University ngayon dahil may-aasikasuhin pa sa nalalapit kung graduation." Sabi ni Kuya Axel at umalis ito.

"Mukhang mabait ka ngayon. Mabait ba talaga o nagbait-bait lang?" Sabi ni Ethan ng makaalis si Kuya Axel.

"Akala ko talaga ang swerte ko ngayon dahil may nag-aasikaso sa akin na mga mababait na tao na hulog ng langit na sina Manang Josie at Kuya Axel. Pero hindi ko alam na may nakatira pa lang demonyo dito." Sabi ko sa kanya.

"Demonyo. Baka ikaw nga 'yun... Bakit ka ba nandito?" Sabi niya na seryoso sa pagtatanong.

"Wag kang mag-alala aalis naman rin ako dito. At syaka babayaran ko rin ang kinain ko dito 'no." Sambit ko sa kanya.

"Wag mo ng bayaran umalis ka na lang. Ang aga-aga badmood agad ako dahil sa pagmumukha mo." Sabi nito at umiwas ng tingin.

"Wow! hiyang-hiya naman ako sayo. Ako nga dito nagpipigil lang sa galit. Dahil ayaw kong madisappoint si Manang Josie at si Kuya Axel na sobrang pogi sa paningin ko." Sabi ko at inirapan siya.

"Crush mo si Kuya?" Seryosong tanong niya.

"E, ano naman sayo?!" Sabi ko at sumubo ng pagkain.

"Bahala ka diyan." Sabi niya at tumayo. "Pagkatapos mong kumain, umalis ka na agad, at kung pwedeng wag ka ng bumalik." Sabi niya at nagmamadaling pumunta sa taas.

Anong nangyari d'un? Nawala tuloy ang hang-over ko sa mokong na 'yun.






To be continued....


A/N:

Kung sensitive ka bumasa ka na lang ng ibang story. Open minded kasi ang hanap ko. Hindi perpekto at sensitibo.

-JC Cajoles

P.S

Si Kuya Axel po yan ang nasa picture.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon