Nicole's POVNagpaiwan ako sa labas habang yung sina Eunice at Chesca kasama ang kanilang mga boyfriend ay pumasok na sa bar.
Teka nga lang. Magpapahangin lang ako saglit bago ako sasalang sa ministage mamaya.
Daming tao ha. Nagkukumpulan pa ang iba. Ganun na ba kasikat ang NewGen Band? I mean ganito na ba kasikat ang bar na to?
*Kringggggggg*
Dinukot ko ang phone ko ng may tumawag nito.
Ate Anggie Calling....
"Hello." Sambit ko kaagad ng sinagot ang tawag.
["Ano na? Tumugtog na kayo? Nicole mag live ka naman dyan. Para mapanood ko."] Sambit nito sa akin.
"Nakakaloka. Pero salamat sa suporta." Sambit ko sa kanya.
["Basta, galingan mo ha. Susuportahan ka namin lahat. Si Chesca at Eunice ba nandyan na? Si Baby Axel ko ba, nasaan siya?"] Sambit nito sa akin.
Ang daming tanong ni Ate Anggie ha. Pero hindi ko naman masyadong nacatch up lahat ng sinaaqbi niya ng makita ko si Eunice at Dexter na magkasama.
Saan ba sila pupunta? Sundan ko nga.
"Ate. Teka lang. Bye." Sambit at binaba ang tawag.
Saan ba pupunta ang dalawang yun? At syaka kailan pa sila naging magkaibigan?
"Nicole." Napalingon ako sa tumawag sa akin.
And yes si Steven ito.
"Saan ang punta mo?" Tanong niya sa akin.
"Ako? Wala nagpapahangin lang. Ikaw ba?" Sabi ko sa kanya.
"Sabi ni Kuya Axel tutugtog na daw tayo. Balik na tayo dun." Sabi niya sa akin.
"Sige." Sambit ko sa kanya at nauna ng pumasok sa loob at sumunod naman si Steven sa akin.
Tutugtog na daw kami eh. Tutugtog na kami. Love lots hahahaha. Anyare ba sa akin ngayon.
"Ethan saan punta mo?" Tanong ni Steven ng makasalubong namin si Ethan.
"Tatawagin ko lang si Eunice sa labas." Sagot nito.
Patay? Baka makita niya na magkasama ang dalawa.
"Sige. Balik kayo agad, magsisimula na kami eh." Sambit ni Steven.
"Sige." Sambit ni Ethan at lumabas na sa bar.
Teka nga lang? Si Eunice at Dexter ba talaga ang nakita ko kanina? MyGadCassie, stress na ako ngayon ha.
Pumunta na kami sa ministage upang simulan na ang pagtugtog.
"Mic test. mic test. mic test." Sambit ni Steven.
"Mic test. mic test. mic test." Sambit ko naman sa microphone ko.
"Good evening everyone." Sambit ni Steven na nagpatili ng karamihan. "Magkakasama na naman tayo ngayong gabi. Kami ang The NewGen Band, nasasamahan kayo sa pagmamahal, pag-ibig, o sa sakit man. At ito na naman tayo ngayon, nagkikita mula para mag-damayan sa kasiyahan at kalungkutan." Dugtong ni Steven na nagpalakpakan ang lahat.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...