Chapter 27.2: Force Date

1.1K 41 9
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

"Chesca, saan ka pupunta?" Sambit ni Kyler the pervert sa akin. Bahala siya d'yan ayaw ko na siyang makasama. Gusto ko ng umuwi sa condo unit ko.

"Babe." Sambit nito at hinawakan ang kamay ko.

"BITAWAN MO NA NGA AKO! HINDI PA BA SAPAT NA PINASAMA MO AKO DITO! KAHIT ALAM MONG HINDI KO GUSTO!" Sagot ko at hinatak ang kamay ko.

"Bab---"

"Isa pang babe.... Kung ayaw mong suntukin kita. Bwis*t ka! WAG MO AKONG SUNDAN!" Sambit ko sa kanya at nagpatuloy ang paglalakad.

"Oh sige. Chesca, saan ka ba pupunta?" Sabi nito at sinundan talaga ako.

"SA LUGAR KUNG SAAN WALANG DEMONYO AT MANYAK NA KAGAYA MO!" Sigaw ko na sagot sagot sa kanya.

Bahala siya d'yan.

"Grabe ka naman." Sabi naman ni manyak na Kyler.

Napatingin naman ako sa mga tao dito na kilig na kilig pa sa manyak na Kyler nito. Feeling pogi kasi masyado, akala niya naman na pogi talaga.

"Hi Fans." Sabi pa nito at kumakaway nakakabwisit tingnan.

At ito naman ang mga babae dito kilig na kilig naman.

Maya-maya pa may nakita akong nagtitinda ng streetfood.

Oh My Gosh. Favorite ko 'to.

 Favorite ko 'to

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kuya. Dalawang kwek-kwek po, syaka sampung tempura, at sampung squid ball po." Sabi ko.

Nakakatakam naman ito ang sarap kaya nito.

"120 po lahat Ma'am." Sabi ni Kuya.

"Sige po." Sambit ko sabay kapa sa bulsa ng pantalon ko.

Hala, nasa kotse pala ng mokong na 'yon ang wallet ko.

"Ito na po Kuya ang bayad niya. Keep the change." Sabi ni Kyler at binigyan si Kuya ng 200. Wow! Savior.

"Thank you sir." Sabi naman ni Kuya.

Kinuha ko na ang pagkain na binili ko. Ay mali pinili ko lang pala dahil hindi pala ako ang nagbayad nito.

"Mauubos mo 'yan?" Tanong niya sa akin.

Habang kami ay naglalakad kung saan pupunta, pero syempre, sumusubo rin ako kahit naglalakad.

"Oo naman, kulang pa nga 'to." Sabi ko at sumusubo ng kwek kwek.

"Hindi mo ba ako bibigyan?" Tanong nito sa akin tiningnan ko siya bago nagsalita.

"Gusto mong kumain?" Tanong ko sa kanya na ikinatango niya. "BUMILI KA NG SAYO!" Sabi ko at nagmamadaling naglalakad naman.

"Grabe naman 'to, kahit subuan mo lang ako." Sabi niya.

The MADRIGAL SistersWhere stories live. Discover now