Eunice's POV♡♡♡
*KRINGGGGG*
"Class Dismissed!" Sambit ng professor namin at nagsitayuan na ang lahat.
"Baby ko." Sambit ni Ethan sa akin.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ba talaga kami pwedeng sumama sa inyo?" Tanong nito sa akin na nagpapaawa pa.
Umirap na lang ako sa kanya.
"Girls Out na diba! Malamang hindi pwede sumama." Sagot ko sa kanya.
Yes tama kayo. Lalabas kami kasama ang mga Sissy ko. Eh, nag-ayahan lang naman kami para mas makilala pa namin ang sarili namin.
"Grabe naman yun. Anong oras kayo uuwi?" Tanong nito sa akin.
"Mga 9, 10, 11, 12. basta iupdate na lang namin kayo." Sabi ko at lumabas na sa classroom at alam ko naman na sumunod si loko sa akin eh.
"Sige, pero maghihintay na lang kami sa inyo." Sabi nito sa akin.
"Wag na lang kayo maghintay, baka kasi dadaan pa kami kina Dad, so baka hindi na kami papauwiin at doon na lang matulog sa kanila." Sabi ko na ikinabusangot niya.
Nakakaloka si Ethan, ang cute niya sa itsura niya. Sabitan ko kaya ng kaldero ang nguso niya.
"Bakit ganyan ka?" Tanong ko sa kanya.
"Sama na lang kasi ako sayo. Mamimiss kita eh." Sabi nito na parang bata na ikinairap ko.
"Kailan pa naging childish ang boyfriend ko?!" Taas kilay na tanong ko sa kanya.
"Ngayon lang. Bili nga tayo lollipops. Yung marami, yung maraming kulay." Sabi nito na na nagfefeeling bata talaga.
"Kung ako mabwisit sayo, suntok ang aabutin mo!" Sambit ko sa kanya na ikinangiti niya sa takot.
"Eunice!" Sigaw ni Mira ng makalapit ito sa amin at kasama niya si Chesca.
Magtataka pa ba kayo kung Bakit magkasama sila? Eh, classmate sila diba. It's very simple. Yun lang.
"Ano na tara na?" Tanong ko.
"Wala pa si Nicole." Sabi ni Chesca.
"I'M HERE!!!" Sigaw ni Nicole at rumampa pa talaga.
Confident na confident si loka eh.
"Itutuloy niyo talaga ang paglabas niyo?" Tanong ni Steven sa amin na kararating lang din.
"Syempre!" Sagot ni Nicole at umirap.
"Wala talaga kayong balak na isama kami?" Tanong naman ni Kyler na kakarating lang din.
"Ano bang Girls Out niyo? Kasama ba lalaki?!" Tanong ko sa inis sa mga ito.
"Girls Out. Edi, girls lang. Exclusive for girls outing, lalabas na kayo kayo lang na mga babae." Sabi ni Steven.
"Tumpak! Kaya alis na kami ha. Susunduin pa namin si Maggie sa Matthias College." Sambit ni Mira.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...