Nicole's POVKasalukuyan kaming kumakain ng lunch sa restaurant dito. And yes, malaki pagsasalamat ko dahil maraming pagpipilian at ang daming dishes na inorder ni Kuya Axel. Yes, si Kuya Axel kasi ang nag order nito.
"Kumusta ang jetski experience niyo?" Tanong ni Kuya Axel.
"Okay naman Kuya masaya." Sagot ni Kyler na nasa katabi si Chesca. Always naman yan sila magkatabi. So, Ano pa ba ang bago.
"Sana pala sumama ako sa inyo. Kaya lang hindi ako marunong pagdrive ng jetski. Baka naman crush? Gusto mo akong sakyan. I mean samahan." Sambit ni Ate Anggie at nagpaparinig pa kay Kuya Axel.
"Te. Bawas bawasan ang landi." Sabi ko at tumayo. "Excuse me, pumunta muna ako sa labas." Sabi ko ng tapos na akong kumain.
Busog na busog kasi ako sa kinain ko. Gusto kong maglakad lakad ngayon. Ganda ng view, sariwa ang hangin, feeling ko gusto ko ng maging promoter ng resort na to.
*BOOGSH*
"OUCH!" Sambit ko ng may tumamang bola sa volleyball sa ulo ko. Kinuha ko agad ang bola bago tiningnan ang familiar na babae na papalapit sa direksyon ko. "IKAW?!" Sambit ko ng makita siya ulit. Naalala niyo ang babaeng bumangga sa akin kanina. Siya ulit. Mukhang sinasadya talaga ng bruhang ito.
"Akin na yan?!" Sambit nito na nakataas ang kilay.
"Hindi ako utusan! Kaya hindi ko to ibibigay sayo!" Pang-aasar ko.
"Pwede ba bitch! Akin na yan, naglalaro kami!" Gigil na sambit nito.
"Sorry! Attitude ka girl! Hindi bagay sayo. BITCH!" Sambit ko sa kanya. "By the way. Hindi ko ibibigay sayo kung hindi mo ako matatalo! Pwede bang sumali as laro niyo?" Dugtong ko sa sinabi ko.
Tinaasan ko siya ng kilay bago nagsalita. "Game! May kasama ka ba?! Baka gusto mo kasing may kadamay kapag malugmok ka. Tatalunin kita! Never ka makakaahon!" Confidence na Sabi nito.
"Nicole." Napalingon ako sa mga kasamahan ko na kararating lang.
"Wait! Eunice?!" Sambit ng babae na parang gulat na gulat pa.
♡♡♡
Eunice's POV
Nang matapos kaming kumain. Napagpasyahan namin na umalis na rin sa restaurant na yun. Maliban na lang kina Kuya Axel, Kuya Rolly, Manang Josie at Ate Anggie na mukhang gustong mag-stay pa dun. Alam ko kasi ang rason ni Ate Anggie kung nakit siya hindi sumama sa amin para makita palagi si Kuya Axel na crush na crush ko.
Napatingin kami sa direksyon kung saan si Nicole may kausap na babae.
"Nicole." Sambit ko sa kanya. Napalingon siya sa amin. At ganun na lang ang gulat ko ng makita si Mitch yung GIRLFRIEND ni Dexter.
"Wait! Eunice?!" Gulat na Sambit niya sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya bago nagsalita. "Anong ginawa mo dito?" Tanong ko.
"Ikaw? I mean kayo? Anong ginawa niyo dito?!" Taas kilay na tanong ni Mitch sa amin.
"Wait! Magkakilala kayo?" Tanong ni Nicole sa amin.
"Yes. Siya si Mitch! Girlfriend ni Dexter." Sagot ko na tiningnan si Mitch na nakataas ang kilay.
"Really?! Ang low class naman ng ex mo Eunice." Sambit ni Nicole na tumatawa pa.
YOU ARE READING
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...