Chapter 110: Paggising

636 32 44
                                    


Eunice's POV

♡♡♡

Nagpunta kami sa proper ni Ethan dahil may nakalimutan kaming sangkap na bibilhin sa gagawin kung adobo. Eh, sabi kasi ng asawa ko gusto niyang kumain ng adobo na gawa ko.

Alam na ni Dad na magkasama kami ni Ethan at naintindihan naman niya. Sobrang naintindihan niya naman ang pinaglalaban namin ni Ethan. Alam ko na mahirap pero ipaglalaban namin ang isa't-isa.

Nang makuha ko na ang sangkap na kulang sa lulutuin kong adobo. Nagpasya muna kaming nag-ikot ikot. Teka nga lang, namiss kung mamasyal ang mga Sissy ko.

Kumusta na kaya si Chesca? Kumusta na kaya si Nicole? Kumusta na kaya sila ngayon sa condo.

Tawagan ko nga sila.

"Amhf! Baby ko." Sambit ko kay Ethan na ngayon ay nasa tabi ko at hawak ang kamay ko.

"Bakit baby ko?" Tanong nito sa akin.

"Pwede manghiram ng phone. Tatawagan ko lang sina Nicole at Chesca. Please." Sambi ko nito sa kanya.

"Ang cute mo." Sambit nito sa akin at tumawa pa.

"Cute naman talaga. Nainlove ka nga e." Biro ko sa kanya.

"Kaya nga e. Sobrang inlove ako sayo." Sambit nito at tumawa. "Ito na oh." Dugtong niya at ibinigay ang phone.

"Thank you po." Sambit ko sa kanya at ngumiti.

Kaya tinawagan ko na ang number ni Nicole. Syempre alam ko yun number naming tatlo. Memorize ko yun noh.

Nagring naman ito at sinagot niya.

["HELLO! SINO TO?!"] Sigaw niya sa linya iyon.

Anong nangyari sa kanya? Bakit biglang sumisigaw?

"Hello Nikki. Si Eunice to." Sambit ko sa linya.

["Eunice? Eunice kumusta ka na? Eunice saan ka ba ngayon?! Eunice. Eunice miss na miss ka na namin. Eunny uwi ka na please."] Sambit nito sa linya mukhang umiiyak si Nikki.

Anong nangyari sa kanya? Ano bang nangyari?

"Anong nangyari? Umiiyak ka ba?" Tanong ko na ikinahagulgol ko sa pag-iyak. "Nicole? Anong bang nangyari?! Nicz? Bakit ka umiiyak? Nicz?! Nikki. Nikki? Bakit?" Tanong ko ulit sa kanya sa linya.

["Eunny. Wala na! Sinaktan ako ni Steve. *hik* Sinaktan niya ako. *hik* Hindi na niya ako gusto. *hik* Eunny. May iba na siya. *hik* Eunny ikakasal na siya. *hik*"] Sambit nito at patuloy pa rin sa paghagulgol sa pag-iyak.

MyGosh! Hindi pwede to.

"Nikki! Uuwi ako dyan. Pupunta ako dyan. Saan ka ba ngayon? Nikki. Saan ka ba ngayon? Nikki saan ka ba ngayon?" Sambit ko sa kanya.

["Uuwi ako sa condo ngayon. Pauwi na."] Sambit naman nito.

"Hintayin niyo ako dyan. Nikki hintayin niyo lang ako." Sambit ko at nagmamadali bago pinatay sa tawag.

"Anong meron?" Tanong ni Ethan.

"Ethan. Kailangan ako ngayon ng mga Sissy ko. Kailangan ko umuwi ngayon." Sambit ko sa kanya.

"Pero-----"

"Ethan. Please. Kailangan ako ni Nicole, kailangan ako ni Chesca. Kailangan nila ako!" Sambit ko nito sa kanya na mangiyak ngiyak na.

"Tara!" Sambit nito at hinila ako nito.

Nagpunta kami sa garahe dito kung saan namin pinarking ang kotse na sinakyan namin.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon