Eunice's POVOo tama kayo. Hindi ko na pinauwi si Ethan sa bahay nila dahil gabi na kasi baka may mangyaring masama pa sa kanya.
Eh. Masisisi mo ba ako. Concern lang naman ako sa boyfie ko eh.
Pero, don't worry wala naman kaming gagawing masama. Ako nasa kama na natulog, while siya naman nasa baba ng kama ko habang banig lang ang hinigaan.
Naaawa nga ako sa kanya eh. Sinabi ko naman sa kanya pwede naman siyang lumipat sa sofa sa sala o kaya tumabi na lang sa kama. Pero, mas pinili niya sa baba.
Wag kayong judgemental dahil hanggang judge lang kayo sa amin sana nga magka mental problem kayo.
Kaya kayo? Bawas-bawasan niyo ang pagiging bashers sa aming mga Madrigal, dahil kami lang to!
"Baby ko. Gising na! May pasok pa tayo." Sambit ni Ethan habang inaalog ako.
"Inaantok pa ako. Wag kang makulit." Sambit ko naman habang nakapikit parin ang mga mata ko.
"Baby ko malelate na tayo. Lagpas 6AM na. Gising na please." Sambit naman nito.
"Ayaw ko nga." Sagot ko sa kanya.
"Kung hindi ka ginising o tatayo hahalikan kita." Sambit nito sa akin.
Kaya ayon. Hindi na ako sumagot dahil alam ko naman panaginip lang yun lahat. Eh, ano ba sa kanya diba kung hindi ako tatayo. Pagod nga ako.
*TSUP*
*TSUP*
*TSUP*
Napadilat na lang ako sa mata ko ng may dumamping labi sa labi ko. At ayon! MyGosh hindi pala panaginip.
"Bakit mo ako hinalikan?!" Gulat na Tanong ko. Pero si mokong pangiti-ngiti lang.
"Ikaw kasi eh. Diba sabi ko sayo na hahalikan kita kung hindi ka tatayo?" Sambit nito sa akin.
"Bwis*t ka!" Sambit ko sabay sampal sa balikat niya napa-aww naman ang loko. "Hindi pa nga ako nagtooothbrush tapos panay halik ka pa!" Sambit ko sa kanya at inirapan siya.
"Eh, mabango namin eh." Sambit nito at kumindat.
"BWIS*T KA!" Sigaw ko sa kanya at nagmamadaling tumayo, kinuha ang towel ko at lumabas sa kwarto ko.
Nakakabwisit talaga. Mukhang nahawaan ng kamanyakan ang Ethan na yun kay Kyler na kaibigan niya.
Bwis*t talaga! Okay lang sana isa lang pero Bakit tinatlo pa niya nakakabwisit ang lalaking yun.
Pagpasok ko sa kusina nakita ko si Nicole na kumakain ito.
"Baby ko. Sorry na please." Sambit ni Ethan ng sumunod ito sa akin. Nakita ko naman si Nicole na nagulat ito.
"Ano ba? Bumalik ka na nga dun!" Sambit ko na lang sa lalaking na bwis*t na bwis*t ako.
"My Gosh! Ang sakit sa mata!" Sambit naman ni Nicole na ikinakunot ng noo ko. Anong masakit ba ang sinasabi niya? Hindi naman kami naglalandian dito sa lalaking sinusundan ako. "Alis na ako. Bye!" Dugtong na sambit ni Nicole na mukhang inis. At ayon nga umalis sa kusina mukhang papasok ng school. Infairness ha. Ang aga ni loka.
Makapasok na nga ng bathroom.
*KNOCK*KNOCK*
"ANO?!" Sigaw ko ng may kumatok sa akin.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...