Chapter 109: Pighati

673 28 55
                                    


Nicole's POV

♡♡♡

Nagmamadali kaming pumunta sa hospital na sinabi ni Kuya Axel para puntahan si Eunice at Ethan.

Mukhang kasalanan ko pa ngayon. Naging kasalanan ko pa ngayon. Sana pala hindi na ako umiiyak kay Eunice para hindi siya mag-alala sa akin. Sana sinolo ko na lang ang sakit para hindi na sila maaksidente.

Pinunasan ko ang luha ko ng tumulo na naman ito. Eunice, sana naman lumaban ka.

Napatingin naman ako kay Chesca na hindi na ito paulit-ulit na lang ang pabuntong hininga. Hooh! Alam namin na sobrang sakit ang nangyari sa amin. Sana naman wag ng umabot na may mawala pa.

Bumaba kami si taxi ng huminto ito. Pumasok kami sa hospital na ito. Hooh! Saan ba sila ngayon?

Hindi mapigilan ang luha, bumagsak na naman talaga. Bakit ba! Bakit umabot pa sa ganito. Sobra sobra naman to.

"Maggie!" Sambit namin ng makita si Maggie sa Nurse Station.

"Nicz, Chez!" Sambit nito sa amin na nakikita sa mata niya na galing ito sa kakaiyak.

"Si Eunice?" Tanong ko.

"Hali kayo!" Sambit nito at sinundan siya.

Habang palapit kami sa pupuntahan namin. Sobrang nakakabagsak ng energy, nakapanglumo talaga. Sobrang nakakapanglumo grabe.

"Dad!" Sigaw ni Maggie ng makita namin si Tito sa labas ng isang room dito.

"Tito, si Eunice po?" Tanong namin ni Chesca.

"Nasa loob pa. Hindi ko pa alam. Hindi pa lumabas ang Doctor e." Sambit nito na labis ang pag-aalala nito.

Napabuntong hininga na lang kami ulit. God, tulungan mo po si Eunice. Tulungan niyo po kami.

Bumagsak na naman ang mga luha namin dito na naghihintay. Hindi kami mapakali, sobrang hindi kami mapakali dito.

Paglalakad lakad, umupo, tapos lakad ulit, umupo na naman. Sobrang kinakabahan ako. Sobrang kinakabahan ako.

Napatingin naman kami sa papalapit na lalaki na pupunta sa direksyon namin.

"Kuya Axel." Sambit namin ni Chesca.

Ngumiti na lang ito, pero alam ko na sobrang pilit lang ang ngiti niya. Sobrang pilit lang ang ngiti niya. Marunong man magsinungaling ang labi pero yung mata hindi.

"Si Ethan po." Tanong ni Chesca kay Kuya Axel.

Napabuntong hininga ito at umupo ito sa upuan dito.

"Kuya kumusta po si Ethan?" Tanong ko ulit nito.

Ngumiti ito na sobrang lungkot bago nagsalita. "Wala na siya." Sambit nito na ikinabagsak ng inerhiya namin.

"Po?" Sambit namin ulit.

"Wal----------"

"ETHAN?!!" Sigaw ng babaeng tumakbo sa direksyon namin.

"MOM!" Sambit ni Kuya Axel at nilapitan ang Mommy nila na umiiyak na galit ito.

"Si Ethan? Nasaan si Ethan Axel!" Sambit nito kay Kuya Axel. Hindi sumagot si Kuya Axel kusa lang siyang napabuntong hininga.

Napatingin naman ang Mommy nila sa amin at sobrang sama ng tingin ito sa amin.

"Kasalanan niyo! KASALANAN NIYO TO! LALO NA YUNG EUNICE NA YUN! KASALANAN NIYA TO!" Sambit ng Mom nila.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon