Eunice's POV♡♡♡
Ito ang gabi na sobra kong pinaghandaan. Ipakilala kasi ako ni Ethan sa parents niya na galing pa sa ibang bansa.
Sobrang kaba ko nga e, Ewan ko ba sobrang naiistress ako ngayon. Pero, alam ko naman na nandito si Ethan para ako'y protektahan kung anuman ang mangyari.
"Baby ko. Okay ka lang?" Tanong ni Ethan sa akin na ngayon ay nakatingin sa daan papunta sa bahay nila.
"Okay lang. Medyo kinakabahan lang." Sagot ko sa tanong niya.
Hinawakan naman niya ang kamay ko gamit ang isa niyang kamay. Habang ang isa naman ang nagmamaneho sa manobela.
"Baby ko. Wag kang kabahan. I'm here for you." Sabi niya.
"Paano kung hindi ako magustuhan?" Tanong ko sa kanya.
"Hays, wala silang magawa. Gusto kita e, Mahal kita. Ipaglalaban kita." Sabi nito at ngumiti.
Kaya yung kaba ko nawala na lang sa ngiti ng boyfriend ko. Ang cute e, sobrang gwapo lang niya ngumiti.
------
"Nandito na tayo." Sambit ni Ethan at pinarada ang kotse niya sa tapat ng bahay nila.
Napabuntong hininga na lang ako ulit. Mukhang bumalik na naman ang kaba ko e. Hooohh!
Pinagbuksan naman ako ni Ethan ng pinto kaya lumabas na ako nito.
"Eunice, Ethan." Napatingin kami sa tumawag.
"Ate Jewel." Sambit namin sa kabababa lang na babae sa kotse ni Kuya Axel.
"Kumusta na kayo?" Sambit nito Ate Jewel ng makalapit sa amin.
"Okay lang po." Sagot namin ni Ethan.
"Balita ko mukhang naenjoy niyo ang paglilive-in e." Tukso ni Ate Jewel sa amin.
"Medyo po." Sagot ni Ethan na ngumiti pa.
"Hali na kayo pasok na tayo." Sambit ni Kuya Axel at hinawakan ang kamay ni Ate Jewel bago ito pumasok sa gate.
Hinawakan naman ni Ethan ang kamay ko bago kami pumasok.
"Ang lamig ng kamay mo baby ko." Sambit nito sa akin.
"Mmmm." Sambit ko na lang.
"Wag ka na kasing kabahan. Nandito lang ako sayo. Dito lang ako sa tabi mo." Sambit nito na ikinangiti ko ulit.
"Ethan, Eunice. Hali na kayo pumunta na kayo sa dining area. Si Dad, at Mom niyo baba na rin yun ngayon." Sambit ni Manang Josie.
Kaya nagpunta na kami sa dining area. At nandito na nga sina Kuya Axel at Ate Jewel dito.
Umupo kami sa tapat nila.
Napabuntong hininga na lang ako. Pabalik ang ang aking ginagawa. Kinabahan na naman ako e.
Hoohh!
Maya-maya pa lumabas ang isang babae at isang lalaki na very professional pa ang dating.
"Dad! Mom!" Sambit ni Kuya Axel at Ethan at tumayo ito at yumakap sila nito.
"Kumusta kayo dito?" Tanong ng lalaki na Dad nila.
"Okay lang po." Sagot nina Ethan at Kuya Axel.
Napatingin naman silang dalawa sa amin ni Ate Jewel.
"Good evening po." Sambit ko.
"Good evening po sa ninyo." Sambit naman ni Ate Jewel.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...