Chapter 46: It's Official

1.2K 47 5
                                    


Eunice's POV






"Ayaw mo na?" Sambit ko na para bang dinurog ang puso ko. Tumango lang siya na ikinapatak mg luha ko.

Napabuntong hininga na lang ako sa sagot niya. Ang sakit nga sa lalamunan eh, sahil pinipigilan kong hindi maiyak. Tumayo ako sa kanya at tumalikod ito. Pero bago pa ako makahakbang hinawakan niya ang kamay ko para pigilan.

"Eunice. Saan ka pupunta?" Tanong nito.

"Ayaw mo na diba, kaya aalis na ako." Sambit ko na hindi siya tiningnan.

Naramdaman ko na lang na tumayo siya at niyakap ako galing sa likod. Kung baga nasa balikat ko ang ulo niya. "Eunice, ayaw ko na. Ayaw ko ng magpanggap pa. Mahal na kita, totoo ang nararamdaman ko." Sambit ni Ethan sa akin naikinapatak mg luha ko. "Gusto kong totohanin ang lahat, I break na natin ang deals. Sobrang nahihirapan na ako. Nahuhulog na ako, ikaw ba gusto mo rin ba ako?" Sambit nito sa akin.

Kumuwalas ako sa pagkakayakap niya at tiningnan siya ng diretso. Hinampas ko siya sa dibdib. "Bwis*t ka! Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan sa deal ns to." Sambit ko na tumawa pa.

Yes! Tama kayo ng rinig. It's only a deal kung bakit naging kami.

~~~~~Flashback~~~~~

Kasalukuyan akong nakipagtarayan habang nakipag-usap kay Kyler at Liyra. Diba nga, inutusan ako ni Chesca na ibigay ang flashdrive kay Kyler at siya na lang ang magbigay sa research paper files nila ng biglang dumating si Ethan.

"Eunice Madrigal." Napalingon ako sa boses na yun.

"Ano?" Tanong ko kay Ethan.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin.

"Aalis. Bakit?" Sambit ko.

"Kailangan ko ng tulong mo." Sabi nito at kinaladkad agad ako.

"Saan mo ako dadalhin. Bwis*t!" Sabi ko sa kanya.

Kinaladkad niya ako hanggang sa Office nila. At wala talagang tao dito kami lang dalawa. Nasaan na ba ang team niya?

"Ano bang nangyari?!" Taas kilay na tanong ko.

Pinakita niya ang invitation card na galing sa ex niya na si Maya ba yun.

"Anong gagawin ko diyan?" Tanong ko.

"Kailangan ko ng tulong mo. I need you." Sambit nito sa akin.

"Ano bang gusto mo ng tulong?" Tanong ko.

"Gusto ko magpanggap ka na GIRLFRIEND ko." Sambit nito na ikinatawa ko.

"Nagpapatawa ka ba?" Tanong ko na tumatawa.

"Hindi ako nagbibiro, remember nakipag-away ako dahil sa ex mo. At alam ko ang pagpanggap na to hindi lang ako ang makikinabag kundi ikaw rin. Tinulungan kita kagabi diba? Kaya sana tulungan mo ako?" Sambit nito na sobrang seryoso, kaya nakuha niya talaga ako sa tingin niya at sa gilid na labi niya na may pasa ito.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon