Nicole's POV♡♡♡
Sunday ngayon, at kasalukuyan kaming nagliligpit sa mga gamit namin dahil ngayong araw ang napagplanuhan na lumipat sa house nila.
Alangan naman angkinin ko rin yung house nila diba? House lang nila yun.
*KNOCK*
*KNOCK*
"Bukas yan, pumasok na lang kayo!" Sigaw ko ng may kumatok sa main door sa condo namin.
At ayun, iniluwal nga ang mukha ng tatlong ito.
"Kailangan niyo ng tulong?" Tanong ni Ethan sa amin.
"Okay naman ako. Hindi naman ganun karami ang gamit ko. Isang maleta, at isang malaking backpack bag lang naman." Sabi ko sa kanila.
"Eh, ang dami nga yan. Tulungan na kita." Sambit ni Steven at tinulungan akong isara ang maleta ko.
"Thank you." Sambit ko.
"Si Chesca yung kailangan ng tulong dahil sobrang dami ng gamit ng babaeng yun. Ang daming librong dinala eh." Sambit ko nagmadali namang pumunta si Kyler sa kwarto ni Chesca habang si Ethan pumunta na rin sa kwarto ni Eunice.
"Ikaw ba Steve? Tapos ka na bang nagligpit?" Tanong ko kay Steven.
"Kahapon pa, at inilipat ko na siya sa bahay." Sagot nito naikinatango ko.
Iba rin kasi kapag excited noh. Iba din.
"Ako na ang magdala sa backpack mo. Syaka kay NheVen, para hindi ka na mabigatan." Presinta ni Steven na ikinangiti ko.
Kaya hinayaan ko na lang siya na iback pack ang bag ko at dalhin si NheVen. Para naman hindi hassle masyado, para maleta na lang ang dalhin ko.
Lumabas na kami at nagtungo sa sala.
"Nicz, yung school uniform mo ba nandyan na?" Tanong ni Eunice sa akin.
"Nandito na, plaplansyahin ko na lang to." Sagot ko.
Yes, tama kayo. May uniform na kami, at susuotin na namin ito bukas na bukas rin dahil babalik na kami sa school.
Maya-maya pa lumabas na si Chesca at Kyler.
Grabe naman to si Chesca ang daming gamit. Isang maleta, dalawang backpack, syaka yung school bag niya.
At alam niyo na ang laman na yan, mga libro lang yan.
"Tara na." Sambit ni Kyler at nauna ng lumabas habang nakabackpack at hawak ang maleta ni Chesca.
Sumunod na rin kami ni Steven. Nagbabye bye na pala kami sa condominium na ito.
Mamiss ko ang M.M Condominium na to. Bye-bye muna for now!
♡♡♡
Chesca's POV
♡♡♡
Hindi ko akalain na sobrang dami na pala ang gamit ko dito. Sobrang dami talaga, isang maleta, dalawang backpack at syaka school bag ko. Hindi ko naman ito pwedeng iiwan dahil sobrang mahalaga ito sa akin noh, binili ko ang mga libro ko.
Tama kayo. Kapag pumunta kasi ako sa mall, didiretso ako sa National Bookstore para tingnan ang mga bagong release na book at bibilhin ito. At ito nga mukhang naging book collector na ako, at balak ko ng gumawa ng library.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...