Chapter One: Home

4.7K 56 7
                                    

A girl we are all familiar with is busy loading her luggage into the trunk of the taxi at the arrival bay at Manila's busy airport. No, she is not wearing any of her disguises today. Today, she's just Belinda – maybe no longer the same one who left the Philippines years ago to work in Croatia to help her family, pero prinsesa panaderya pa rin ng Nueva Valencia. Saktong sakto para sa Pilipinas ang outfit niya: a tank top paired with a maxi skirt and her favorite blue sandals.

As soon as she finishes loading her things, Billy finally boards the taxi. Mainit. Parang sira pa yata ang aircon. Pero sa sobrang haba ng pila sa masasakyan, wala na siyang energy para maghanap ng bago. Tiis tiis na lang, hindi ka naman anak mayaman.

"Saan tayo miss?" Mukhang bad trip rin si kuyang driver.

She flashes her trademark Billy-the-professional-date smile. "Sa Nueva Valencia po, Kuya."

"Ah..." Natigilan ang driver. "Okay po, miss."

Alam naman niyang sobrang layo ng bayan nila. Sure na rin siyang hihiritan siya mamaya ni kuya driver ng malaking dagdag sa pamasahe. Pero iba na talaga ang pagod niya. Two layovers later, parang babagsak na ang katawan niya. She also couldn't wait to see her family.

Hindi pa sila nakakalayo masyado sa airport nang tumunog ang cellphone niya. "Hello?"

"Hay, salamat naman sumagot ka na! So nandyan ka na? Kamusta Pinas?" Si Helen!

Billy vaguely wonders kung anong oras na ba sa Croatia, kaso nilamon na yata ng jetlag ang utak niya. "Eh di eto, sobrang hirap kumuha ng taxi at syempre, traffic agad! Ang init pa! Buti nakapagpalit ako bago lumapag yung eroplano kanina. Wala pang ten minutes yata akong nakatungtong sa Pilipinas parang waterfalls na tong kili-kili ko!" She laughs along with Helen.

"Welcome back daw yan sa'yo!" Tumatawa pa rin si Helen. "Masasanay ka rin! Nung dumating ka dito sa Croatia noon lamig na lamig ka pa kapag winter. Tapos nung nasanay ka na nagsswimming ka pa talaga!"

Natawa ulit sila. But Helen quickly changes the topic. "O ano... ready ka na ba?"

Looking out the taxi's grimy window, Billy sighs. "Yata? Pero kailangan eh. Bakit ba kasi sa isang buwan natin magkakasama ni hindi ko man lang naisip itanong kung ano yung totoong pangalan niya?!" She rolls her eyes. "Ilang libong Gabo kaya meron dito sa Pilipinas?"

The driver clears his throat and grins at her toothily. "Ako po mam, Gabo."

Billy couldn't help but smirk. "Talaga po Kuya?" she says, faking sweetness. "Kaya naman po pala ang pogi niyo eh!"

On cue, napabungisngis si Kuya Driver. "Si mam naman po o... medyo lang naman..."

She turns her attention back to her phone. "Dun muna ako sa'min, pahinga muna ako. Saka magpapakita muna ako kina Lolo at Tatay. Kahit one or two days lang. Mukhang mahihirapan ako sa pag-hunting eh."

Billy could hear Helen bustling around. "Balitaan mo ako ha? Ingat ka dyan," her friend says.

"Anong oras na ba dyan? Bakit gising ka pa?" Billy glances at her watch.

"Eto talaga, umuwi lang nakalimutan na yata ang Croatia. O siya, ibababa ko na. Baka magising pa 'tong si Yuta," mahinang sagot ni Helen. "Kapag nahanap mo na siya, pinapasabi pala ni Yuta na batukan mo agad!"

Make It Without YouWhere stories live. Discover now