Chapter 34: Hope

3.6K 54 20
                                    

A/N: Ayun nga... I got carried away. 😂 Chapter 35 will be the last chapter.

Warning: Medyo R18.

#MIWOY34

———
———

"Nanay!!! Tatay!!!"

Gabo's heart melted at the sight that welcomed them home from their vacation: their twins happily running towards them, nag-uunahang yumakap sa kanila. Binuhat niya agad ang mga anak para mas madali nilang maabot si Billy. Even Bijeli was seated in front of them, his tail wagging excitedly.

"We missed you, Puddings!" sabi ni Billy sa mga bata matapos niyang halikan ang nga pisngi nila.

"Are you happy, Nanay? Did you rest po?" Gavin asked.

Tumango si Billy at kinuha si Gavin para hindi masyadong mahirapan si Gabo. "Yes, my love. Hawaii is super beautiful. Next time, let's all go together," sabi niya.

"Yay!!!" Brielle cheered and hugged Gabo's neck. "When, Tatay?"

Tumatawang pinisil ni Gabo ang pisngi ng anak. "Soon, princess. I promise."

Lumapit na din sa kanila sina Tony at Ted. Pagkatapos magmano at beso sa kanila, Billy put down Gavin para makabalik sila ni Brielle sa paglalaro kay Bijeli. "Kamusta naman po, Tay, Dad? Hindi naman kayo pinahirapan nung dalawa?"

Ted laughed. "Ang babait kaya ng mga apo namin," sabi niya sabay tingin kay Tony na tumawa rin.

"Totoo. Dapat lagi niyo silang iwan sa'min. Sina Tatay din, miss na daw sila," dagdag ni Tony.

"Sige Tay, bibisita po ulit kami sa Nueva Valencia. I just have a deal to hammer out but after that, maluwag-luwag na ulit ang schedule," sagot ni Gabo. "Speaking of, Dad, may itatanong lang sana ako sa'yo, kung okay lang."

"Sure, Gabriel," Ted said. They excused themselves to go to their home office.

Tony and Billy headed to the kitchen. "Ikaw anak, kamusta? Nakapagrecharge ka naman dun?" Tony asked his daughter.

Billy nodded. "Opo Tay. Nandun pa rin yung lungkot paminsan-minsan, pero okay na po ako," sagot niya. "Ready na po akong magtrabaho ulit!" tumatawa niyang dagdag.

"Kailan ulit yung sa Hong Kong mo 'nak?" tanong ulit ni Tony.

"Next month Tay. February 17-28," Billy said. "Sorry po Tay ha, medyo matagal na naman akong mawawala."

Tony put his hand on her back. "Eto namang anak ko o. Okay yan, pangarap mo yan. At makakabuti rin yan para sa bakeshop. Kaya na namin dito. 'Wag mo kaming alalahanin. Basta magfocus ka lang dun," sabi niya kay Billy. "Sasamahan na lang ulit namin si Gabo dito para matulungan namin siyang alagaan yung kambal."

"Talaga po Tay? Okay lang?" When her father nodded, Billy hugged him gratefully. "Thank you po, Tay. Sobrang supportive niyo pong lahat. Ang swerte ko."

"Ang dami mo nang sinakripisyo para sa'min, Billy. Kaya ikaw naman. Maganda rin na gawin mo yan para sa sarili mo bago kayo magkaanak ulit, kung gusto niyo pa," sabi ni Tony.

Billy smiled and nodded. "Syempre naman Tay, gusto ko pa. Pag-uusapan lang namin ni Gabo ang timing," she answered. Tama si Tatay. Maganda rin na mas buo ako bilang tao bago kami magkaanak ulit. I've been wanting to do this for the longest time. Ang ganda naman ng timing ng universe!

...

When Monday came, balik trabaho na sina Gabo at Billy at back to school na rin ang kambal. Dahil extra busy si Gabo sa inaasikasong business deal, Billy made it a point to go home earlier so she could tend to the kids' needs. Since may staff na sila sa bakeshop, hindi na kailangang mag-micromanage masyado ni Billy at kaya na rin nilang maagang matapos sa special orders.

Make It Without YouWhere stories live. Discover now