Chapter Eight: Heartbreak Weekend

3K 45 3
                                    

Gabo woke up with a massive headache. Sinusubukan niyang imulat ang mga mata niya pero nasilaw lang siya masyado kaya pumikit na lang muna siya hanggang maka-adjust ang mata sa bagong umaga. Naalimpungatan siya sa sigaw ni Brielle pero hirap na hirap siyang dumilat. He pretended to be asleep when he heard very familiar voices nearby.

Ang saya naman ng panaginip na 'to. Hearing Billy and our twins having a cute conversation about me early in the morning... Sana laging ganito.

"Nanay, bakit dito natutulog si Tatay?!" Brielle asked, pouting at Billy.

Bumalik si Gavin sa banyo para ituloy ang pagtu-toothbrush. Pagkatapos niya, nagmamadali siyang pumunta sa tabi ng kakambal. "Nanay, sabi ni Attorney Daddy bawal papasukin ang bad guys dito sa bahay! Di ba binigyan ka ni Tatay ng booboo sa heart? Dapat bawal siya dito!" Gavin said in the same irritated tone his twin sister just used.

Hindi mapigilang mapangiti ni Billy sa inaasta ng dalawang anak. Feeling niya tuloy nasa interrogation room siya! Kung nandito lang yung housemates niyang magjowa, baka apat pa silang nagtulong-tulong para inisin siya. Galing pa kasing duty sa ospital si Mikael at si Sputnik naman, maagang umalis kasi may arraignment. Nagtext naman siya kay Billy na nakita niya si Gabo at marami siyang kailangang ipaliwanag.

Napatingin si Billy kay Gabo na natutulog pa rin. At talagang ipagtatanggol ko pa 'tong lalaking 'to ha?

Well, siguro tamang i-explain niya nang maayos sa mga anak kung bakit biglang dumating ang Tatay nilang akala nila hindi na makikilala. Hiwalay dapat ang kambal sa kung anong nangyari sa kanila ni Gabo noon. Kaya lang naman may inis ang Puddings niya kay Gabo kasi alam nilang sinaktan niya ang Nanay nila.

Napaisip siya sa mga sinabi ni Gabo noong dinner nila at habang lasing siya kagabi. Drunk words are sober thoughts. Tama siya. He's entitled to be a father to the twins. Pero hanggang dun na lang siguro. Hanggang sa mga bata na lang. Basta ba hindi niya sasaktan ang mga anak kagaya ng ginawa nito sa kanya noon. Kaya nga hindi pa rin niya kayang magtiwala...

She was so broken when Gabo left her and when she learned about his identity. If not for the twins, maybe she wouldn't have made it. Maybe it was also a blessing for her fragile heart that she had two lives to take care of at the same time kasi masyado siyang naging abala sa mga bata to even think about entering any relationship again. Madaming nag-attempt manligaw, pero marami rin siyang palusot. Una, yung pagiging busy niya sa kambal. Pangalawa, si Sputnik. At kung hindi available ang best friend niya, pangatlo si Mikael.

Malaking parte rin talaga na ayaw niyang magkaroon ng ibang kikilalaning Tatay ang kambal. Sapat na yung may dalawang daddy sila sa mga ninong nilang sina Mikael at Sputnik at Lolo Tatay sa Tatay Tony niya.

Kung may ipakilalang stepmom 'tong si Gabo sa mga anak ko, di ko rin naman magugustuhan! Kaya nga she was a bit relieved to hear from Gabo that he didn't marry Rio and the engagement she read about years ago was just for show. Hindi naman sa pagseselos.

"Masama kasi ang pakiramdam ng Tatay niyo kagabi kaya tumawag sakin ang kaibigan niya para sunduin siya. Kaso hindi alam ng Nanay ang bahay ng Tatay kaya dito ko siya dinala," she explained to the twins.

"Pero Nanay, pwede namang yung mommy ni Jethro ang sumundo kay Tatay!" Gavin countered habang tumatango-tango si Brielle sa tabi nito. Billy tried to maintain a straight face, but she was really amused at how good Gavin's argument was. Hindi ko na nga masyadong pasasamahin ang kambal kay Sputnik! Ang galing-galing na nila masyadong magrason, akala mo nasa korte kami!

"Puddings, ayaw kasi nung kaibigan ng Tatay na maistorbo sina Jethro kaya ako na lang ang tinawagan. Your Tatay will leave when he wakes up kaya don't worry na, okay? Now quiet na muna tayo. He needs to rest," Billy said and gently pulled the reluctant kids away from their dad because Brielle was already inspecting Gabo's face too closely.

Make It Without YouWhere stories live. Discover now