Chapter 22: Take the Leap

4.8K 63 25
                                    

A/N: This will be my last update for this week. At dahil Holy Week, break muna tayo sa R18 warnings. 😆

———
———

On the way back to Manila, magkatabi si Billy at Gabo sa pangatlong row ng upuan sa van nito at ang car seats naman ng kambal ang nasa row sa harap nila. Sinundo kasi sila ng driver sa airport para mahatid sa Nueva Valencia. Dahil marami silang dala, ibinilin ni Gabo na van ang ipangsundo sa kanila. Hinintay din naman sila ng driver na matapos sa pagbisita nila sa pamilya ni Billy.

Dahil napagod sa kalalaro, tulog na ang mga bata. Kaya pagdating nila sa condo, binuhat muna nina Billy at Gabo ang kambal at pinatulog na sa kwarto bago nagtulungan si Gabo at ang driver niyang si Kuya Jun na i-unload ang mga gamit. Once they were left alone, Gabo and Billy sat beside each other on a sofa.

Gabo took her hands. "Thank you for last week, baby," he said and brought them to his lips for a fervent kiss.

Billy smiled shyly. "Thank you for bringing us there," sagot niya.

"Now I won't be able to think of that place without remembering you," pahabol pa ni Gabo na medyo nakangisi. Natatawa siyang inirapan ni Billy kaya tumigil siya. "Dun na lang honeymoon natin, gusto mo?"

Sinubukang hilain ni Billy ang mga kamay niya pero hinigpitan lang ni Gabo ang pagkakahawak. He kissed the back of her hands again, his eyes remaining on her face. Parang kinikiliti tuloy si Billy sa kilig. "You have to marry me first though. Nakapag-usap naman kayo ng Tatay mo kanina?" tanong ni Gabo.

Saglit kasing nagkulong si Billy at ang Tatay Tony niya sa kwarto para mapag-usapan si Gabo. Ang advice lang naman ng Tatay niya ay gawin niya kung saan siya magiging masaya pero kapag buong-buo na ang loob niya. "Okay naman..."

"That's good." Si Gabo na ang nag-iba ng topic. "Love, can you... pwede samahan mo ako sa Tuesday? Yun daw ang uwi ni Mommy at nagyaya siyang magdinner kasama namin ni Dad. Parang kailangan ko ng moral support eh. Kung hindi ka busy," he asked Billy.

Billy nodded. "Of course. Sige. Sasabihan ko na si Tatay na sila ang magsara sa Tuesday."

"Thank you," Gabo said and hugged her. He kissed her shoulder before pulling away. "Daanan na lang kita. Mga 6 pm."

"Sige. Uh... what should I wear? Mamaya underdressed ako. Nakakahiya naman sa parents mo..." nag-aalalang tanong ni Billy. She did a mental scan of her closet. May mga natira pa naman siyang magagandang dress doon na ginagamit niya tuwing may suppliers conference o meetings, pero naisip niyang medyo ibang level ang pamilya ni Gabo.

Hinawakan ni Gabo ang pisngi niya. "Don't worry about it. Wear whatever you want." He kissed her lips gently. "Ayoko nang umuwi."

Tinawanan lang siya ni Billy. "Ano ka ba, kawawa si Kuya Jun sa baba o."

"Si Junjun din, kawawa."

"Buang!" Si Billy na ang naunang tumayo at pabirong hinila si Gabo. Kunwaring nagpabigat pa si Gabo pero sumunod din naman kalaunan.

He settled for another hug. "Good night, my love. Pahinga ka," he said and kissed her, feeling her soft lips against his. "I love you."

Billy touched his face and gently fixed his hair. Medyo napapikit pa si Gabo sa rahan ng pagkakahawak niya. "Good night. I love you," she answered and tiptoed a bit to kiss his cheek. She brought him to the door and he gave her one last kiss before leaving.

Pagkahiga ni Billy sa kama, bigla siyang nanibagong wala siyang katabi. She remembered everything with a smile. Even though their lovemaking had escalated in intensity in the last week, Gabo had never failed to make her feel cherished. His care and affection gave her so much warm and fuzzy feelings. She was very happy and it actually made her a bit sad to see him leave tonight.

Make It Without YouWhere stories live. Discover now