Chapter Five: Double Trouble

2.8K 45 7
                                    

"Billy! Tapos ka na ba dyan? Malapit na kami," sabi ni Sputnik sa kabilang linya. Hinahawakan ng Tatay Tony ni Billy ang cellphone niya malapit sa tenga nito kasi busy ang anak niya sa pagrolyo ng dough ng pandesal sa bread crumbs at pag-ayos ng mga ito sa tray.

"Oo, malapit na. Tatapusin ko na lang 'tong huling tray tapos iiwan ko na kina Tatay. Sorry ha! In 10 minutes, nasa labas na ako ng bakeshop," Billy answered, panicking.

She heard Sputnik laugh a bit. "Kalma, Belinda. Paliko na kami sa kanto. Hintayin ka na lang namin sa labas ha! Pakisabi kina Tito sa susunod na kami bibisita," he said before ending the call.

Nagmamadaling tinapos ni Billy ang ginagawa kahit na sinasabihan na siya ng Tatay Tony niya na iwan na lang yun at umalis na agad. Wala pa naman si Sputnik kaya tinodo na niya ang trabaho.

"Ano kayang ginawa nung dalawang pudding sa school?" Her father chuckled. "Ang lilikot na kasi. Kapag nagsimula na, ang hirap nang suwayin! Sana wala namang nasaktan o kung ano."

Billy sighed pero nakangiti pa rin naman siya. "Hay sana nga! Kiti-kiting kambal eh." Right on cue, narinig niya ang busina ng sasakyan ng kaibigan niya. She quickly removed her apron, washed her hands and face, straightened her clothes, said a quick goodbye to her father and grabbed her bag before she rushed out of the kitchen.

"Ingat kayo! Balitaan mo ako ha!" her father called out from the kitchen.

"Opo Tay!" Billy called back bago lumabas sa bakeshop. Nakatigil sa labas ang brand new na VW Yellow Beetle ni Sputnik. Pumasok siya agad sa kotse sabay beso sa best friend at sa boyfriend nitong si Dr. Mikael.

"So bakit ka daw pinapatawag sa school ng mga inaanak ko?" Sputnik asked as he pulled out of the bakeshop's parking slot.

"Hindi ko nga alam eh. Basta pumunta daw ako at dun na lang nila sasabihin," Billy replied, massaging her temples a bit.

Natawa ang magjowang nasa harap ng kotse. "Kalilipat pa lang nila dun ha. Kakastart lang ng school year, napatawag ka na agad ng principal!" Sputnik commented, chuckling cheerfully. Tumawa din si Mikael pero sinaway niya nang konti ang boyfriend sa pang-aasar kay Billy.

"Sinabi mo pa. Nakakahiya tuloy dito kay Mikael! Baka sabihin porket inaanak ng may-ari ng school yung kambal ko, okay lang manggulo sila dun!" Tinapik ni Billy ang balikat ni Mikael. "Pasensya na sa Demolition Twins ha."

"Don't worry about it, Billy. Kids will be kids! Saka ang sweet sweet kaya ng babies mo. For sure wala namang nagawang masama yun," Mikael said with a smile.

Sputnik laughed. "Biased na biased!"

...

Fascinated, Gabo stared at the two kids seated in front of him and Jethro. Sobrang cute ng kambal. And they look very, very familiar, too. Para siyang nakatingin sa sarili niyang mata. Pumasok agad sa utak niya ang babaeng matagal na niyang gustong makita: si Belinda Dimagiba.

The boy twin saw him staring and immediately put his arm around his twin sister's shoulders in a very protective gesture. And to Gabo's surprise, the little boy gave him the same frown his sister was already throwing in his direction! Akmang hinila pa nung batang lalaki yung kambal niya para mas mapalapit sa kanya. Kung hindi lang nasabi kay Gabo na magkambal sila, baka aakalain niyang mas matanda yung lalaki just because of the way he looked so determined to protect his twin sister.

Lalo yatang nainis ang kambal na hindi mapigilang ngumiti ni Gabo. They were like two cherubs pouting at him, as if he did them wrong! Gabo can't pinpoint what it is yet but he sensed a connection to them — kahit na sinisimangutan pa rin siya ng mga ito.

Make It Without YouWhere stories live. Discover now