Chapter Six: Truth Hurts

3.1K 48 6
                                    

A/N: Let's get some drama out of the way. We'll go back to the fun in no time, promise!

Hope you guys are enjoying the story! Thank you, too, to everyone leaving votes and comments! ❤️

———
———

Paglabas na paglabas ni Billy sa restroom para makasunod na kina Sputnik, may humawak agad sa braso niya mula sa likuran. Napasigaw tuloy siya sa gulat. To her surprise, it was Gabo.

Billy immediately snatched her arm back from his grasp. "Ano ba?!" She saw how his eyes flashed with anger, hurt, and longing all at the same time, but she steeled herself against feeling sorry for him by remembering just how much he'd hurt her.

"Billy. Can we talk?" Gabo's voice was calm, almost pleading. "Please?"

Tumalikod agad si Billy at nagsimulang maglakad. Sa kamay naman niya ngayon humawak si Gabo. Binawi niya agad ang kamay. "Tama na."

"Wala ba akong kailangang malaman? Come on, Billy. Tell me," Gabo said to her.

Billy gave him a cold, sarcastic smile. "Dapat pala nung nasa Croatia tayo, ganyan na ganyan ang tinanong ko sa'yo," she said. "Excuse me, Mr. Villarica, but I have to go. Marami pa akong kailangang gawin."

Halos takbuhin ni Billy ang daan papuntang parking lot. Hindi naman na siya sinundan ni Gabo. Nung nakapasok na siya sa sasakyan, mabilis na umalis si Sputnik.

Nag-iingay na kambal sa tabi ni Billy sa likod ng sasakyan, pero walang kibo ang nanay nila. Nakatitig lang siya sa labas ng bintana, malalim ang iniisip. Sa lahat ba naman ng lugar at oras, talagang ngayon pa? At sa harap pa ng mga anak ko?

Ilang taon na ring tahimik ang buhay ni Billy. More than four years ago, she thought she was at a dead end. But everything changed because of the twins. Oo, mahirap talagang magpalaki ng anak, lalo na't dalawa at sabay. Magkamukha man ang kambal, magkaibang magkaiba ang ugali nilang dalawa. Kaya sobrang laki ng pagpapasalamat niya na nandyan sina Sputnik, Mikael at ang pamilya niya para tulungan siya.

She honestly didn't think she'd see Gabo in person ever again. Kahit nasa isang bansa sila, napakalaki naman ng Pilipinas at wala rin naman silang koneksyon sa buhay ng isa't isa. Billy sometimes heard news about him and his family's company, but that was it. As far as she was concerned, tapos na sila ni Gabo. Hindi rin naman niya siya kailangan.

Kung siya lang ang masusunod, hindi na niya ipapakilala si Gabo sa kambal. She actually didn't plan on telling the twins about their father, pero nung nagsimula nang magtanong ang mga bata tungkol sa ama nila, pinayuhan siya nina Sputnik at Mikael na huwag magsinungaling and just explain everything to the kids.

So she did. She didn't go into details, but Brielle and Gavin knew that Billy chose to separate from Gabo because he'd hurt her. She taught them that there are different kinds of families, and not having their real father beside them while they were growing up wasn't something to be sad about.

"Nanayyyy," Brielle called her and pulled on her hand.

Billy smiled at her daughter. "Yes baby?"

"Bakit po nandun si Tatay? Akala ko po hindi na siya magpapakita sa'tin?" Brielle asked innocently. "Di ba si Tatay po yun? Yung kuya ni Jethro?"

Gulat namang napatingin si Mikael sa kanila. "What?!"

Gavin nodded seriously. "Doctor Daddy, si Tatay po yun, I'm sure! Kamukha niya yung picture na pinakita sa'min ni Nanay!" sabi niya. "Di ba Nanay sabi mo, binigyan ka niya ng booboo? Bakit di mo po siya pinagalitan? Di ba dapat po pinagsasabihan para di na siya bad boy?"

Make It Without YouWhere stories live. Discover now