PROLOUGE

8K 185 17
                                    

"BINENTA AKO NG BOYFRIEND KO"
___

"LOVE, MAY SUMUSUNOD SA AKIN NA LALAKI. NATATAKOT NA AKO.", pagtetext ko sa aking boyfriend na si Kieth.

Papunta ako ngayon sa lugar na tagpuan naming dalawa.

He said, magdedate raw kami para i-celebrate ang anniversary namin.

Kaso nga lang, ni isang reply, wala akong natanggap mula sa kanya.

"Love, please, sagutin mo naman ang tawag ko.", muli kong text sa binata.

Ilang beses na rin kasi akong tumawag sa kanya, pero hindi niya ito sinasagot.

Dahil sa sobrang takot ko, nagawa ko ng tumakbo ng mabilis.

Wala na akong pakialam kung sa'n ako mapadpad.
Ang tanging gusto ko lang ay makalayo sa lalaking sunod ng sunod sa akin.

"ARAY!", impit na sigaw ko nang madapa ako.
Napa-upo tuloy ako sa gitna ng kalsada habang nanghihina.

"H'wag ka ng tumakbo. Wala ka ng kawala sa amin, Ally.", wika ng isang tao na may malaking katawan.

Yung kaninang isa, naging apat na ngayon.

Apat na silang nakapalibot sa akin.

Unti-unti, nawalan ako ng malay dahil sa panyo na tinakip nila sa ilong ko.

PAGKADILAT ng aking mata, wala na akong saplot at wala na rin silang suot na damit.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak habang hinahawakan nila ang katawan ko.
Wala akong laban eh.
Babae ako, at mga lalaki sila.

Sa mga oras na 'to, umaapaw ang saya sa loob ng madilim na silid dahil sa tawanan nilang apat. Samantalang ako, iyak ng iyak at nagmamakaawa.

Kaya lang, hindi nila ako pinakinggan at tinuloy ang paghalay sa akin.

Nandidiri na ako sa sarili ko.
Nandidiri na ako sa katawan ko.

Pero dahil sa isang boses na narinig ko mula sa labas, nagkaroon ako ng pag-asa.

Si Kieth! Dumating si Kieth! Ang boyfriend ko!
Dumating yata siya para iligtas ako.

"Tapos na ba kayo?", tanong nito habang kumakatok sa pinto.

Dahil sa binigkas niya, nagkaroon ng kaguluhan ang isip ko.

"Hindi pa. Dodoblehin na lang namin ang bayad. Ang sarap kasi ng jowa mo.", tugon naman ng isa.

Mariin akong napapikit nang malaman ko ang lahat.

At nang matapos, pumasok na si Kieth sa loob.
Inabutan siya ng pera ng mga lalaki bago umalis ang apat.

"B-bakit mo n-nagawa sa akin 'to?", humihikbing tanong ko sa kanya.

"-B-binaboy nila ako tapos alam mo pala 'yon. Anong klase kang tao?!", pagpapatuloy kong sabi.

"Ginawa ko lang 'to dahil gusto kong iligtas si Ella.", seryosong saad nito dahilan para matigilan ako.

"A-anong ibig mong sabihin?", utal kong bigkas.

"Pinapili nila ako, kung ikaw ba o si Ella ang gagalawin nila. And I choose you, dahil hindi naman kita minahal.", sagot niya sa tanong ko.

Umagos ulit ang luha sa mata ko, hindi dahil sa sakit na naranasan ko sa katawan, kundi dahil sa sinabi niya.

"--Binenta kita para maligtas ang babaeng mahal ko. At 'yon ay si Ella na kapatid mo. At para sa kanya ang ginawa ko.", he said as he continue.

"--Kaya kalimutan mo na lang ang nangyari sa'yo ngayon. At kalimutan mo na rin na naging tayo.", huling litanya nito bago ako tinalikuran.

Durog na durog ang puso ko sa araw na 'to.

Hindi ako na-rape.

Dahil ang totoo, binenta ako ng boyfriend ko.
Binenta niya ako para iligtas ang ate ko.

And fuck! It really hurts!

©Binibining_Timoji

Binenta ako ng Boyfriend KoМесто, где живут истории. Откройте их для себя