Con. 16

1.3K 38 2
                                    

Continuation of Chapter 16 (BINENTA AKO NG BOYFRIEND KO)
____

MALAKAS kong sinampal ang sarili para magising ako sa katotohanan. At nang sa ganon, matauhan ako sa sinasabi ng utak ko.

Parang engot lang na magkagusto ako sa kanya noh?
At imposible na mangyari 'yon.

Ni minsan, hindi ko pinangarap na mahulog kay Ford.
Sa paningin ko, isa siyang kaibigan.

And I will never allow myself to fall inlove with my friend. Besides, sabi ni mommy, anak na rin ang turing niya sa binata.

"No. Hindi pwede. We're not compatible. Tiyak, madidisappoint si mommy kapag si Ford ang nagustuhan ko.", seryosong saad ko ulit.

Wala akong kausap kaya nagtatalo ang isip at puso ko ngayon.

Pero kahit naguguluhan ako, pinili ko ang maging cute sa mga oras na 'to.

NATAPOS ang swimming na si Ford ang tumatakbo sa utak ko.
Feeling ko nga isa siyang runner dahil hindi man lang ito napagod sa kakatakbo.

Pumasok na ulit ako sa mansion habang pinapatuyo ko ang aking buhok gamit ang tuwalya.
Sa pagpasok ko, agad akong nilapitan ng maid namin. Hawak nito ang telopono na tila importante ang sasabihin.

"Ma'am, tumawag po dito yung hospital na pinapasukan ni Sir Ford, at tinatanong niya ho kung papasok po ba si Sir?", wika nito sa akin.

"What? So you mean, hindi trabaho ang pinuntahan ni Ford?", balik na turan ko.

"Hindi ko ho alam, Ma'am. Nagtatanong nga din po ako sayo, baka sakaling alam niyo kung saan po pumunta si Sir.", pahayag ng katulong namin.

Napasapo tuloy ako sa noo dahil sa pagiging pilosopo niya.

Pasalamat siya, mabait akong amo.

"Hayy. Just told them, hindi natin alam kung nasaan ang lalaki. My gosh!", pagtataray ko para kontrolin ang emosyon.

Kaso saan nga ba?
Saan ba talaga pumunta ang mokong na 'yon?
Ni hindi man lang niya binanggit kung saang location siya pupunta para i-inform ako.

Namumuro na si Ford sa akin.
Kapag hindi ako nakatimpi, mararanasan niya ang sampal ko.

MABILIS akong tumungo sa kwarto para magbihis at mag-ayos.
I decided na hanapin ko siya, to make sure na okay ang binata.

Syempre, hindi ko maiwasan na kabahan dahil baka may nangyari ng masama sa kanya.

So this time, ako naman ang gagawa ng paraan para hanapin si Ford.

"Manong, sa mall tayo.", turan ko sa driver at agad na pumasok sa kotse.

"Ano pong gagawin natin do'n, Ma'am?", he asked.

"Pwede bang magmaneho ka na lang? Ayokong sayangin ang oras ko. Baka hindi ko mahanap si Ford.", wika ko rito.

"Si Sir Ford pala ang hinahanap niyo?", sambit niya muli.

"Manong, kakasabi ko lang diba? Ano 'to, paulit-ulit tayo? Unli call? TNT?", bigkas ko naman.

Napakamot siya sa ulo at humingi ng pasensya.

"Sorry Ma'am, tao lang po. Pero kung hinahanap niyo po si Sir Ford, hindi po siya sa mall pumunta. Narinig ko kasi na may tumawag sa kanya. Sa tingin ko, babae 'yon kasi Selena ang pangalan.", pahayag nito dahilan para mapaayos ako ng upo.

"What did you say?", pagtatanong ko ulit.

"Ma'am, unli call din po ba tayo? Kakasabi ko lang din po na may tumawag kay Sir Ford na babae at Selana yung narinig kong pangalan. Kaya sa palagay ko, magkikita ang dalawa.", he explained.

Buset na Ford 'to!

Na-reject lang ni Mommy, maghahanap agad ng kapalit ko.

Mga lalaki nga naman.

END OF CHAPTER 16
©Binibining_Timoji

Binenta ako ng Boyfriend KoWhere stories live. Discover now