Chapter 13

1.5K 47 0
                                    

Chapter 13 (Binenta ako ng Boyfriend Ko)
___

ALLY's POV:

MALINAW sa isipan ko ngayon na hindi nila ako kadugo.
Ito pala ang dahilan kung bakit kakaiba ang tungo nila sa akin.

Pero bakit nila ako kinupkop kung mayaman na tao ako?
Bakit nila nagawang palakihin ako kung gano'n na mas maganda pala ang buhay ko kumpara sa kanila?

I can't answer my question right now.
Parang sasabog ang utak ko dahil sa rebelasyon na nalaman ko.

Kaya agad kong sinara ang bintana ng kotse at pinaandar ito palayo sa lugar na kinagisnan ko.

For almost twenty years, napaikot ako sa kasinungalingan.
I can't take this anymore!

Wala ng rason para maawa ako sa kanila!
Dahil ang habol pala nila sa akin ay yung pera at yaman ko!

"Hindi. Hindi pwedeng makuha nila ang dapat na akin!", I shouted.
Mariin akong napahawak sa manibela at binalikan ang pagdurusa sa kamay ng pamilya na 'yon.

Naranasan ko na hindi kumain at manlimos ng ulam sa kapitbahay.
Naranasan ko rin na pumasok sa school na walang baon.
Naranasan kong mapahiya sa harapan ng maraming tao dahil mismong nanay ko, sinampal ako.
Kung sabagay, hindi ko pala siya totoong ina, kaya gano'n ang trato niya sa akin.

Wala siyang kwenta!

Kaya dapat lang na isama ko sila sa listahan na dapat kong ligpitin.

Oo, patayan na kung patayan.
Ang importante, makaganti ako sa ginawa nilang pagpapahirap.

Pinatay nila ako. Pwess, sila naman ang ililibing ko ng buhay.

I don't have any reason to forgive them.
Masyado nilang inabuso ang kabaitan ko.
Masyado nilang inabuso ang pagmamahal ko sa kanila.
And I'm fucking tired!

"AAAAAHHHHHHH!", malakas na sigaw ko.
Napapreno ako ng wala sa oras at pinagpapalo ang manibela.
Gusto kong ilabas ang galit ko kaya dito ko muna ibubuhos ang lahat.

UMUWI ako na halos magulo ang aking buhok at tinatamlay sa paglalakad.

Ito ang nahalata ni Ford dahil mabilis niya akong inalalayan sa likod nung manghina ang tuhod ko.

Kahit sino naman, manghihina ng ganito kapag nalaman mo ang katotohanan.

"Ally? What's wrong? Are you okay? May masakit ka ba?", he asked me na talagang concern sa akin.

"I want to drink wine. Inom tayong dalawa, Ford.", aniya ko sa binata.

"Huh? Pero--",

"Please, I need to drink. Let's drink together.", pakiusap ko dahilan para pumayag siya.

Kaya inutusan niya ang maid na kunin ang alak sa ref.
Hindi pa man ito nalalagay sa mesa, agad ko itong kinuha at nilagok.

"Kung may problema ka, Ally. Pwede mo sa akin sabihin. I will listen to you. Baka nga, matulungan pa kita para mabawasan ang bigat sa dibdib mo.", wika niya ulit.

"Mabawasan? Damn it! Hindi na ito mababawasan Ford! Nilamon na ako ng galit ngayon! I hate them all! Si Kieth, si Ella at yung magulang na akala ko pamilya ko!", bigkas ko at muling uminom.

Puno ito ng poot kaya maging si Ford, nahihirapan na sawayin ako.

"Alam mo na?", pagsasambit niya.

Awtomatikong napasulyap ako sa lalaki dahil sa tinuran nito.

"What did you say?", I asked, bilang pag-ulit.

"Alam mo na pala ang tungkol sa pagkatao mo. Mukhang panahon na yata para malinawan ka.", pahayag niya.

"Ikaw? Pati i-ikaw, alam mo rin ang tungkol sa akin?", aniya ko na tila hindi ako makapaniwala.

Bakit parang ako lang yata ang naiwan sa balita?
Pakiramdam ko tuloy para akong tanga na walang alam sa nangyayari.

"Yeah. I know everything about you, Ally.", nakayukong tugon niya.

Mapakla akong tumawa dahil maging siya, nagawa niyang magsinungaling.

"Akala ko pa naman, mapagkakatiwalaan kita. But I was wrong! Pareho ka rin pala sa kanila!", inis kong sigaw at padabog na nilagay ang alak.

Ayoko ng mapakinggan ang sasabihin niya!
Sapat na siguro sa akin na naglihim din siya sa akin.

"Ally, wait!", tawag nito sa pangalan ko.

Hindi ako lumingon at minabuting umakyat na lamang.

Kaso agad niya akong hinabol at tumungo mismo sa harapan ko.

"Please give me a time to explain.",

"Humihingi ka ng oras, Ford? Bakit ha? Sa two years nating pagsasama sa ibang bansa, ni minsan hindi mo sinabi sa akin ang totoo! Kung sana noon mo pa sinabi na mayaman ako, edi sana hindi mangyayari ang lahat ng 'to!", panunumbat ko sa binata.

"Hindi, Ally. Kung hindi 'yan nangyari sayo, panigurado may mali silang plano sayo. Ally, napag-utusan rin ako.", wika niya sa akin.

"S-sinong nag-utos sayo?",

"Ang tunay mong magulang. Tauhan lang nila ako.", matagal na sagot nito.

Kumabog tuloy ng sobra ang dibdib ko.
Kaya hindi ko maiwasan na hintayin ang sunod niyang paliwanag.

"Nalaman ko lang na mayaman ka nung naging Doctor na ko, Ally.", he said again.

"S-sino ang magulang ko?", tanong ko sa lalaki

Mas mabuti siguro na sila ang tanungin ko para hindi maguluhan lalo.

"Actually, you can meet them later. Pupunta sila dito, para kamustahin ka.", pagtutugon niya.

Wala akong masabi dahil feeling ko nanuyot ang lalamunan ko sa kaganapan ngayon.

Pero mamaya, ihahanda ko ang sarili ko para sa totoo kong magulang.

END OF CHAPTER 13
©Binibining_Timoji

Binenta ako ng Boyfriend KoWhere stories live. Discover now