CONTINUATION 8

1.8K 53 0
                                    

Continuation of CHAPTER 8 (Binenta ako ng Boyfriend ko)
___

Kieth's POV:

GUSTO kong sumigaw ng malakas dito sa pribadong lugar dahil sa sobrang inis. Pero pinigilan ko ang aking emosyon kasi baka isipin ng mga tao, mahilig ako sa away.

At this point, wala na si Ally sa harapan ko.
Tuluyan na siyang umalis at sumakay sa kanyang kotse.

Napahinga ako ng maluwag dahil kahit papano naging relax ang aking isipan.

Sa loob ng ilang taon na wala siya, masaya ang buhay ko. Naging payapa dahil buong akala ko, napatay ko ang babae.

But now, mukhang sisingilin na yata ako ni Tadhana. Sisingilin niya ako sa kasalanan na ginawa ko.

Shit! Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak ni Ally. She's now different.
Kung noon, talunan siya at lampa. Pero ngayon, naging palaban na ito.

The way she stare at me, kulang na lang kainin niya ako. Kalmado, pero nakakatakot.

Tangina! This is the first time na natakot ako dahil lang sa babae. At ang masaklap, sa ex-girlfriend ko pa!

"LASING KA?", bungad na bigkas ni Ella.

Nakauwi na ako sa bahay. At hindi ko naiwasan na tumungo sa bar para uminom ng alak.

"Niyaya ako ni Franco. Nakasalubong ko kasi, hindi ko natanggihan dahil magiging kumpare natin siya kapag nanganak ka.", sambit ko rito na may kalasingan sa boses.

Kaibigan namin si Franco, at isa siya sa magiging ninong ng anak namin.

"Okay. So kumusta ang paghahanap mo ng trabaho? Nakakuha ka ba?", sunod-sunod na tanong niya.

"Magpapahinga muna ako.", tanging tugon ko.

"I'm asking you, Kieth. Kaya huwag mo akong tatalikuran. Siguro, hindi ka natanggap noh? Tsk.", inis na saad nito na tila may nangunguna pa siya.

"Bukas na lang tayo mag-usap, Ella. Gusto ko ng matulog. Masakit ang ulo ko.", turan ko na lamang.

"Masakit ang ulo mo? Paanong hindi sasakit 'yan? Uminom ka ng alak!", sigaw nito dahilan para kumulo ang aking dugo sa kanya.

"Sabi ng bukas na tayo mag-uusap!", I shouted. Binalik ko lang ang sigaw sa babae habang hawak ko ang braso niya.

"FINE! EDI BUKAS!", saad ni Ella at mapwersang inalis ang kamay ko.

Dumagdag pa siya sa init ng ulo ko!

Magkapatid nga sila, parehong pabigat at sagabal!

UMAKYAT ako ng aking kwarto at sinipa ng malakas ang upuan.

Binalikan ko ang araw na binenta ko siya sa mga lalaki. Yung araw na sinabi ko na hindi ko siya minahal. At yung araw na umiyak siya sa harapan ko na tila tuta na pinagsawaan.
Naging parausan siya habang ako may pera no'n.

And I just realized na sobrang laki nga ng atraso ko sa kanya. Nagawa ko pa siyang sunugin na buhay sa loob ng bahay

Pero hindi ko siya pinakinggan at hindi man lang ako naawa kay Ally.

"FUCK! Ngayon ka pa nakonsensya sa ginawa, kung kailan huli na!", pagsasabunot ko sa aking buhok.

Para akong baliw na nagwawala at kinakausap ang sarili.

Natigilan lang ako nang tumunog ang cellphone sa aking bulsa.

Mabilis ko itong dinukot at nagdadalawang isip kung sasagutin ko ba ang tawag ni Ally.

Yes, yung babae mismo ang tumawag sa akin.

"Ano bang pagbabanta ang sasabihin mo?", agad na tanong ko nang sagutin ito.

I choose to answer her call nang sa gano'n, malaman ko ang pinaplano niya.

"Hindi mo ba ako na-miss? Kasi ako, miss na miss kita LOVE.", aniya nito na talagang binanggit pa ang dati naming callsign.

"I'm not playing around here. Tumigil ka na, Ally.",

"Hindi pa nga ako nagsisimula, titigil agad? You're so funny naman. Anyway, tomorrow, may dadating na gift dyan sa bahay niyo. Galing 'yon sa akin. Sana ikaw ang unang makabukas para hindi malaman ng ASAWA MO, ang pinang-gagawa mo. HAHAHAHA.", wika nito at malakas na tumawa.

Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya, pero sa tingin ko, ikakasira namin ni Ella ang ipapadala niyang regalo.

DAMN!

END OF CHAPTER 8
©Binibining_Timoji

Binenta ako ng Boyfriend KoWhere stories live. Discover now