Con. 6

2K 70 0
                                    

Continuation of Chapter 6 (BINENTA AKO NG BOYFRIEND KO)
_____

ALLY POV:

"I'm sorry.", kagat-labing bigkas ko na may kahihiyan sa pananalita.

Si Josh na kilala kong nerd at mataba ay si Ford na ngayon. Ibang-iba na siya kumpara dati.

"Nah, you don't need to say sorry. Walang kaso sa akin kung hindi mo ako minahal o pinansin noon. Gaya ng sinabi ko, just forget the past.", aniya ng binata.

The way he said it, I feel his sincerity.

Kaya agad ko siyang niyakap para ipahatid sa kanya na ang swerte ko.

I'm so lucky to have him in my life.

Binigyan niya ulit ng pag-asa ang buhay ko dahilan para makabangon ako sa pagkakadapa.

"But still, nasaktan kita Ford, I mean Josh.  Marupok kasi ako dati kaya---",

"Sshhh. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Kasi ako? Ni minsan, hindi ako nagalit sayo. Naging inspirasyon ko pa nga ang pag-iiwas mo kaya naging ganito ako ngayon. Look at me. I changed a lot, right?", turan nito sa akin.

"Oo, nagbago ka nga. Ang laki ng pinagbago mo. Pero yung ugali mo, mabuting-mabuti pa rin.", tugon ko sa lalaki.

Marahan akong huminga para alalahanin muli ang una naming pag-uusap ni Josh.

(FLASHBACK...)

Siya itong lumapit sa akin na medyo natatakot pa. Ang buong akala niya siguro, maldita ako kaya wala siyang lakas na loob na kausapin ako.

Pero sa puntong iyon, nilakasan niya ang loob para lang ayain ako.

"Hi Miss Ally, ako nga pala si Josh. Photographer ako at the same time estudyante sa school na 'to, kung ayos lang sayo, pwede bang kunin kitang model para lang sa project namin?", wika nito na may kabado sa boses.

At first, I ignore him. Bukod sa ayoko maging model, wala akong oras sa mga bagay na ganyan.

"Pasensya na pero busy ako.", I replied.

"Gano'n ba? Sige, ayos lang. Pero pwede ba kitang mapicturan ngayon? Kahit isang beses lang.", saad ni Josh sa akin.

"Huh? Hindi kasi ako sanay sa mga picture-picture na 'yan. Pasensya na talaga ha? Nagmamadali ako. Naghihintay pa ang boyfriend ko sa labas.", tugon ko sa kanya.

Iniiwasan ko si Josh at nilalayuan dahil simula no'n, sobrang kulit niya na.

Halos nakabuntot lagi ito sa likuran ko kaya madalas nagugulat ako sa binata.

Minsan nga, may nagpapadala sa akin na flowers at chocolate na alam kong galing ito sa lalaki.

So I decided to confront him.

"Josh, pwede bang tigilan mo na ako? I mean, hindi ako manhid para hindi maramdaman ang bawat sulyap mo, ang bawat pagsunod mo, ang bawat pagbigay mo ng bulaklak. And I feel so awkward, Josh. May boyfriend na kasi ako. Kaya ayokong isipin ni Kieth na may iba akong nilalandi. So please, lubayan mo na ako. I don't want to see your face, following me again.", mataray na saad ko.

Sinabi ko lang 'to para hindi na siya mangulit pa.

Besides, selosong nobyo si Kieth. Ayaw na ayaw no'n na may lumalapit sa akin na lalaki o may kumakausap.
Kaya tiyak, mag-aaway kami kapag nalaman niya 'to.

At simula no'n, hindi na nga naghabol si Josh. Sinunod niya nga ang gusto ko na huwag akong habulin.

(END OF FLASHBACK)

But look at him now, sobrang attractive niya na.

Hindi lang 'yan, successful Doctor na siya, that's why, naging mayaman ang tao.

END OF CHAPTER 6
©Binibining_Timoji

Binenta ako ng Boyfriend KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon