CHAPTER 17

1.4K 42 2
                                    

CHAPTER 17 "Binenta ako ng Boyfriend ko"
_____

ALLY's POV:

I have no choice, but to stay here in the house.

Wala akong ideya kung saan na lugar ang tagpuan ng dalawa.

Selena? Tsk.

Ang ganda ng pangalan ha? Pero mukhang higad yata ang kinakasama niya.

Grrr! Pinapagalit niya talaga ako!

Dahil tuloy sa emosyon na umaapaw sa akin ngayon, sinipa ko ang upuan.
It caused some noise. Kaya napatingin sa gawi ko ang mga chismosa at echuserang mga katulong sa loob ng mansion.

"Oh? May sasabihin kayo? Subukan niyo lang na maging pilosopo at hihilahin ko talaga 'yang dila niyo!", usal ko sa kanila bilang panakot.

Sanay na rin ako sa mga ito dahil sila yata ang traydor sa aking buhay.

Imagine, ako ang boss nila pero kung magsalita sa akin, akala mo magtotropa kami.
Pero okay lang na maging ganon sila. Huwag nga lang sa araw na 'to.

I'm not in the mood.
Lumilipad sa ere ang utak ko.

"Hays! FORDDDD!", sigaw ko sa pangalan niya.

Bumalik na lamang ako sa itaas para piliin na matulog na lang.
Baka kasi pag-gising ko, nakauwi na siya.

I go upstair and choose to sleep in the bed.
I now, closed my eyes.

Hindi ako nahirapan dahil may music akong pinatugtog dahilan para dalawin ako ng antok.

At pagkagising ko, medyo madilim na.

Grabe! Ang haba din pala ng tulog ko at nakalimutan kong kumain ng lunch.

Pero si Ford kaya, kumain na ba siya?

Shit! Bakit ba siya pa rin ang iniisip ko?
Malamang kumain na 'yon kasama si Selena.

Awtomatikong napabangon ako nang marinig ko ang tawanan mula sa ibaba.

Boses pambabae ito at hindi ako pamilyar sa tawa niya.
Bigla akong kinilabutan nang bigkasin niya ang pangalan ng binata.

"Thank you Ford, I enjoyed the moment with you.", wika nito na talagang nag-echo pa.

Moment?
Ang kapal ng mukha!

"Me too, Selena. Ang dami nating na-missed na bonding together. And all I can say, you are good in bed.", turan naman ni Ford na ikinalaki ng mata ko.

What the hell?!

Ang sagwa naman ng pinag-uusapan nila.

At good in the bed?
WOW!
Ano 'yon, sumayaw-sayaw at gumiling sa ibabaw niya?

"LINTIK KA TALAGA FORD!", pagalit na bigkas ko.

Napahilamos muna ako ng mukha bago ko sila harapin.

And guess what? Pagkababa ko, nakita ko silang magkayakap.
Nakapatong yung higad sa anaconda ni Ford habang nakapulupot ito sa lalaki.

Parang gusto kong kumuha ng mainit na tubig at ibuhos ito sa babae para matauhan.

"Ahem. Ahem. Ahem.", pakunwaring ubo ko para maghiwalay sila.

"Excuse me? Manang, kung nauubo ka, pwede bang lumayo ka naman? Social distancing para iwas Covid.", saad ni Selena kaya agad na tumaas ang kaliwang kilay ko.

"Social distancing? Coming from you? Kailan ba naging social distancing ang pumatong sa lalaki? Nahulog mo yata ang utak mo, pakipulot nga.", turan ko sa kanya.

"Ford naman, hindi yata ako na-inform na ma-attitude pala ang kasambahay mo dito. Nakakawalang gana. Sana doon na lang tayo sa hotel nagpalipas ng gabi. Edi sana, tuloy ang kaligayahan natin.", pahayag niya ulit.

"Edi bumalik kayo ng hotel. Kung gusto niyo, bilhin niyo na rin 'yon para tuloy-tuloy ang saya!", sakrastikong sambit ko.

"Are you jealous?", pagtatanong niya nang umalis sa pwesto ni Ford.

"Ako? Nagseselos? Of course not. Hindi uso sa akin ang salitang selos lalo na kung mukhang tae ang pinalit sa akin.", wika ko at tinarayan siya.

Akala niya ha?

Practice palang 'yon, hindi pa ito todo.

"Ally.", pagsasaway ng binata.

"What? Susungitan mo ako? Go on. I don't have care anymore. Dapat nga hindi ka na umuwi dito, kasi wala namang naghahanap sayo.",

"Hindi mo ako hinanap?", he asked again.

"Sino ka ba para hanapin ko? Ano ka, panty? Na kailangan kong hanapin o tingnan kung nawawala? My ghad! Kahit itanong mo pa sa mga yaya at driver, hindi kita hinanap!", usal ko sa kanya.

Kaso gano'n na lamang ang kahihiyan ko nang sumulpot yung katulong sa likuran ko.

"Weeh? Talaga? Kaya pala hindi ka mapakali kanina. Panay Sir Ford ang bukambibig mo.", bigkas nito na ikinapula ng aking pisngi.

Tangina!

Buo na ang desisyon ko, mag-impake na sila bukas!

©Binibining_Timoji
To be continue...

Binenta ako ng Boyfriend KoTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang