Con. 12

1.5K 43 0
                                    

CONTINUATION OF CHAPTER 12 (Binenta ako ng Boyfriend ko)
____

ALLY's POV:

SA paglabas ni Ford sa kwarto ko, tsaka lang ako natauhan sa maduming takbo ng isip ko.

Minsan talaga, umiiral ang kaharutan ko sa kapag bagong ligo.

"Focus, Ally. Focus on your goal. Hindi yung naka-focus ka sa pwet ni Ford.", kausap ko sa sarili at marahan kong sinampal ang pisngi.

Nung umalis kasi ang binata, matambok na pwet ang natuunan kong pansin.

"Manyakis ka rin minsan, magbihis ka na nga.", aniya ko ulit.

Napailing ako at kinuha ang susuotin kong damit.

Muntik ko ng makalimutan na pupunta pala ako sa bahay namin.
Sa bahay na lumaki akong may galit sa pamilya.

I wear only t-shirt and pants, at sinabayan ko ng mask para hindi agad ako makilala.

Gusto ko silang makita kung maayos ba ang buhay nila na wala ako.
Kung sabagay, kahit hindi ko man makita, alam kong tuwang-tuwa sila dahil ang akala nila, patay na ako. Patay na yung babaeng pabigat sa kanila.

"Ford, may bibilhin lang ako sa labas.", paalam ko sa binata.

Naka-upo siya at nagkakape habang nanonood ng tv.

Ibang klase, akala ko pa naman natulog ulit siya.

"Anong oras ka babalik?", tanong nito.

"I guess, 10:30, nandito na ulit ako sa bahay.", sagot ko naman.

Hindi na siya nagtanong dahil base sa postura ko, simpleng-simple ang aking suot.

"Mag-iingat ka, Ally.", turan niya na may lambing sa boses.

Tumango ako at nagthank-you sa kanya.

So here I am, nasa loob ng kotse habang hinihintay ko na tumawag ang tauhan na inutusan ko.
Gusto kong pumunta do'n na kompleto sila.

Sunday kasi ngayon, kaya alam kong dadalaw si Ella sa bahay para samahan sila mama.
And I want them to surprise. Yung surpresa na hindi nila malilimutan.

Agad kong sinagot ang tawag nang mabasa ko na yung inutusan ko ang nasa screen.

"Yes? Anong balita?", pagtatanong ko.

"Nandito na po si Ella, Ms. Ally.", turan niya kaya awtomatikong napangisi ako.

"Good. Papunta na rin ako dyan. Alam mo na ang gagawin mo. Just wait for my signal, bago mo ibigay sa kanila 'yan.", wika ko sabay end ng call.

Mabilis kong pinaharurot ang kotse patungo sa lugar na 'yon.

Hindi na ako makapaghintay na ibigay sa kanila ang regalong tinatamasa nila noon pa man.
I know, magiging masaya sila sa una.
Pero darating ang panahon, nasa akin pa rin ang huling halaklak.

Pusong bato na ako ngayon, dahil mismo sa gawa nila.

Matapos ang ilang minutong pagmamaneho, nakarating din ako baranggay namin.

"Gawin mo na. Ipahatid mo sa bata, para hindi ka mahalata.", aniya ko sa lalaki.

"Sige Ms. Ally.", tugon niya at mabilis na sinunod ang utos ko.

Pasimple kong pinanood ang kilos ng binata. At hindi niya nga ako binigo dahil tuluyan na itong nakaabot sa bata.
Binigyan niya kasi ito ng pera kaya yung regalo, nabigay ng bata sa masaya kong pamilya sa loob ng bahay.

Oo, nakabukas kasi ang pinto, kaya nasilayan ko agad ang tawanan nila.

Hindi nga ako nagkamali ng hula.
Talagang masaya sila na wala ako.

Sa hindi kalayuan, nakikita ko na sobrang nasiyahan si mama sa malaking regalo.
Pero makikita ko rin sa reaksyon ni Ella na medyo nababahala siya.

"Gusto kong marinig ang usapan nila, kaya lumapit ka sa may bintana. And just act normal.", muli kong utos sa lalaki.

And for the second time, sinunod niya nga ako.

Kaya malaya kong napapakinggan ang pag-uusap ng pamilya ko.

Binuksan na rin ni mama ang regalo, at halos tumalon ito sa tuwa nang makita niyang pera ang nasa loob ng box.

"Tingnan mo, honey. Talagang sinwerte tayo. Malaking halaga ito.", bigkas ni nanay.

"Oo nga, hon. Tuloy-tuloy na ang swerte natin.", aniya ni papa.

"Suss, sinwerte lang kayo dahil nandito ako. Look, buntis ako. At kapag buntis, may dalang swerte.", singit na sambit ni Ella.

Kahit kailan talaga hindi siya nagpapatalo.

"Tama ka, anak. Swerte ka nga. Akalain mo, ilang buwan ka rin na hindi pumunta dito, tapos ito pa ang nangyari.", pahayag ni mama sabay haplos sa kapatid ko.

"Pero Ella, sayo ba galing ito?", tanong ni tatay.

"Hmmm, ayoko sanang sabihin, pero sige na nga papa. Sa akin talaga galing 'yan. Gusto ko kasing tulungan pa rin kayo kahit may asawa na ako.", wika niya na hindi man lang nabulol.

Ang galing niya umangkin at umarte para magmukhang mabuti sa harapan ng magulang namin.

"Ikaw talaga. Lagi mo kaming pinapasaya ng papa mo. We're so lucky na naging anak ka namin. Hindi tulad ni Ally, sobrang malas.", bigkas nito sa pangalan ko.

"Ma, patay na si Ally. Kaya wala ka ng dapat na ipangamba. Ayaw mo no'n? Patay na yung inampon niyo. Tapos sa inyo lahat napunta ang yaman niya. Sayang lang dahil hindi niyo pa makuha." saad ni Ella dahilan para mapatigil ako.

Teka, ako? Ampon?

"Pero ma, bakit nga ba hindi niyo pa makuha ang pera?", she asked.

"Dahil walang bakas na bangkay ni Ally ang natagpuan. Kaya medyo matatagalan pa ang lahat. Pero magiging madali 'yon kapag tinulungan mo ako.",

"Sure mama. Handa akong tulungan ka.", pagtutugon ni Ella.

Hindi ko sila pamilya?

So all this time, hindi ko sila kadugo?
Kaya pala ganito ang trato nila sa akin.

Pero bakit? Bakit nila sinasabi ang salitang yaman?
Mayaman ba talaga ako?

Tangina! Ang gulo!

Naguguluhan pa ako!

END OF CHAPTER 12
©Binibining_Timoji

Dedicated to:
Alexis Zambrano and Love Lhea Miguel

Binenta ako ng Boyfriend KoUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum