Chapter 18

1.6K 44 0
                                    

CHAPTER 18 (BINENTA AKO NG BOYFRIEND KO)
___

FORD's POV:

HINDI ako seryoso sa binitawan kong salita.

Ang gusto ko lang ay paselosin lamang si Ally. I want her to realized na maling tao ang sinayang niya.

Hindi ko naman talaga type si Selena.
Pero yung babae na 'yon, sobrang gusto ako.
Kaya mas madali ko siyang gamitin para maging kapani-paniwala ang lahat.

Alam kong mali ito, pero ito ang tanging paraan para umamin si Ally.

I feel that she likes me also.
Siguro, takot lang siya sa nanay niya.
O kaya ayaw niya lang madisappoint ito.

And yeah, I understand her situation.
Pero gusto ko pa rin malaman kung totoong may pagtingin na ito sa akin.

Ayoko naman kasing umasa sa wala dahil mas masakit pa 'yon sa pagpapatuli.

Nga pala, nag-inuman lang kami ni Selena kanina.
Wala sa amin na nangyari. But I admit na ilang beses niya akong hinalikan.

Kaya kailangan ko ngayon maligo at magsipilyo para hindi na dumikit sa akin ang amoy ng dalaga.

Kung si Ally sana yung humalik sa labi, siguro isang linggo ako na hindi magsisipilyo.
Kaso hindi eh, ibang babae.

Kaya medyo nagsisi din ako sa ginawa ko.
Because I feel like I cheated to the girl I love.

MATAPOS kong maligo, natulog na ako ng mahimbing.

At gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ko si Ally sa loob mismo ng aking kwarto.
Matalim itong nakatitig sa akin na tila papatayin ako.

"W-what are you doing?", kinakabahan na tanong ko.

Nasaniban yata ng demonyo ang dalaga dahil ang lagkit ng titig niya.

"Hindi ka lalabas ng bahay.", pagdedesisyon nito.

"Ano? At sino ka ba para pagbawalan ako?", tanong ko na kunwari naiinis.

Pero sa aking puso, kinikilig ako kapag ganito siya.

"I don't need to explain. Basta ayokong lumabas ka!", madiin na sambit niya.

"Tsk. Kay aga-aga, sinisira mo ang araw ko, Ally.", turan ko at bumangon.

"Wow ha? Ako pa ang sinisi mo! Excuse me, sinasabi ko lang na 'wag kang lalabas dahil--dahil--",

"Dahil ano?", tanong ko rito.

Napaurong naman ang dila niya at hindi agad nakasagot.

"Kakasabi ko palang sayo kagabi na liligawan ko si Selena. So wether you like it or not, aalis ako ngayon. At wala ka ng magagawa do'n.", malamig na wika ko.

I guess, naging kapani-paniwala sa kanya ang acting ko dahil nasilayan ko na medyo nalungkot ang mata niya.

"A-are you really serious, Ford? A-akala ko ba, ako ang gusto mo?", mahinang sambit nito.

"Yes. Gusto nga kita. Pero dati pa 'yon. Nakamove-on na kasi ako, Ally. I'm sorry.", pagsasabi ko at dahan-dahan ko siyang tinalikuran.

"Ang bilis naman. Ano bang meron si Selena na wala sa akin?", habol na bigkas ng dalaga.

"Marami. Maraming meron siya na wala ka.", I answered.

Pero kabaliktaran lang ang sinasabi ko dahil ang totoo niyan, maraming meron si Ally na wala sa ibang babae.

Narinig ko ang malalim na buntong-hininga niya.

"Kung sabagay, maganda si Selena. Hindi tulad ko na sobrang ganda lang.", she smiled.

Damn Ally!

Kakaiba ka talaga!

Pinapaselos na kita, inaangat mo pa sarili mo.

But I like her confidence.

©Binibining_Timoji
To be continue...

Binenta ako ng Boyfriend KoWhere stories live. Discover now