Chapter TWO

6.3K 208 71
                                    

Chapter TWO of BINENTA AKO NG BOYFRIEND KO

___

Ally POV:

MAINIT na panahon ang sumalubong sa amin nang makabalik kami ng Pinas.

Yes, kasama ko ngayon si Ford na pumunta rito.

Ewan ko ba sa kanya at bigla na lang humabol nung lilipad na sana ang eroplanong sakay ko.

Kung sabagay, pagmamay-ari niya 'yon kaya anumang oras, pwede s'yang sumakay.

Minsan talaga, weird din ang lalaking 'to.

"I have a mancion here in Manila, Ally. So if you want, do'n ka muna mag-stay.", bigkas nito nang pumasok kami sa kotseng sundo namin.

Napalingon ako sa gawi niya at kunot-noo ko s'yang tiningnan.

"Ford, nahihiya na ako sayo. I can do this by my own. Kaya kong magtrabaho at makahanap ng sariling bahay. Kahit nga mangupahan muna ako panandalian, ayos lang sa akin.", mahina kong saad.

"And do you think, hahayaan kitang tumira sa lugar na hindi ka ligtas?", balik na turan niya.

"Huh?",

"Ally, naging delikado ang buhay mo. At ayokong mangyari ulit 'yon sa'yo. So let me help you, again. And this time, sabay nating gagawin ang gusto mong mangyari. That's it.", wika nito na tila tinuldukan ang usapan naming dalawa.

Napahinga naman ako ng malalim dahil sa kakaibang akto ni Ford.

I know that he's concern, pero sobra-sobra na ang ginagawa niya.

Hindi ko na tuloy alam kung paano ko siya mababayaran.

Pumasok na ang kotse sa isang malaking gate at do'n bumungad sa akin ang kalakihan ng mancion.

"So let's go?", ayang saad ng binata habang nilalahad ang kamay.

Sabay na kaming naglakad patungo sa loob. Ang daming guards. At ang dami ring mga yaya.

Naiilang ako sa t'wing yumuyuko sila para magbigay galang sa akin.

"Manang, sabihan mo ang iba na maghanda ng makakain.", rinig kong utos ng katabi ko.
Kaagad naman itong sinunod ng isang mayordoma na may edad na.

"Ahm, sa'n ba ang kwarto ko?", bulong na tanong ko kay Ford.

"Ikaw ang bahala kung saan ka komportable. Mamili ka na lang mamaya. At handa kitang i-tour later. But for now, just sit and relax.", pakindat na sagot niya.

Bahagya akong natawa dahil sa inakto nito.

Parang mahihilo yata ako sa mancion niya. At kahit sinong tao, ganito ang mararamdaman.

Ang yaman talaga ni Ford.
Napaka-swerte ng magiging asawa niya.

"Wala pa nga akong girlfriend, asawa agad ang iniisip mo.", ngiting sundot nito.

Bahagya akong napanganga dahil sa gulat.

Potah! Nababasa niya ang tumatakbo sa isip ko?

"W-wala akong iniisip na ganyan ha?", defensive kong sambit.

"Then why are you blushing, Ally?", pagtatanong nito.

"Malamang, nainitan ako kanina. Tsk.", pag-iiwas kong turan.

"Ibang klase ka rin. Ang galing mo sa palusot ha?",
"--But anyways, hindi mo kailangan isipin ang magiging asawa ko, kasi para mo na ring inisip ang sarili mo.", mahinang wika niya na hindi ko masyadong marinig.

"A-ano?",

"Wala. Ang sabi ko, wala pa akong girlfriend. Kaya hindi mo dapat iniisip ang magiging future wife ko.", muling saad nito.

"Ahh. Sabagay.",
"--Pero ba't nga pala wala kang girlfriend?", curious kong tanong.

Ito lang yata ang hindi ko nausisa noon sa kanya. Masyado kasing busy ang lalaking ito, since doctor siya. Kaya kulang ang oras namin sa ganitong usapan.

"Ayoko munang saktan ang puso ko. Mahirap na, hindi ako marunong gumamot pagdating sa heartbreak.", seryosong sagot niya.

"W-what do you mean?",

"May babae akong gusto. And that girl, is my first love. But sad to say, may boyfriend ang babaeng 'yon kaya hindi ako nagkaroon ng tyempo na magtapat sa kanya.", pagkekwento nito.

Tanging pag-nguso tuloy ang nagawa ko habang nakatitig sa mata ni Ford.

"And you know what, until now, I like her. I mean, I still love her.", sambit niya ulit.

"Oh, bakit 'di mo ligawan?", suhestyon kong saad.

"Komplikado pa kasi ang lahat. Pero sa ngayon, masaya akong nakikita siya, kahit na alam kong iba ang mahal niya.", malungkot na tugon ni Ford.

"Ouch. Martyr ka rin pala.", bigkas ko rito.

Ginulo lang nito ang buhok ko na tila isa akong tuta.
Kaya ang ginawa ko, kiniliti ko siya sa tagiliran para tumawa ang taong 'to.

Ramdam ko kasi na medyo nalungkot ang mukha niya.

Pero sa kalagitnaan ng paghaharutan namin, nahulog kami pareho sa sahig.

Nakaupo kasi kami sa malaking upuan kaya hindi nito naiwasan na mapahiga dahilan para sabay kaming malaglag.

At 'di ko inaasahan na mahahalikan ko ang labi ni Ford.

I was so shock. As in really shocked!

Mabilis akong napatayo at tuluyan akong nailang na tumingin sa binata.

Accident kiss lang 'yon pero grabe ang kabog ng puso ko.

And ghad! I feel the butterfly on my stomach.

____
END OF CHAPTER TWO

Binenta ako ng Boyfriend KoWhere stories live. Discover now