Chapter 5

2.4K 87 1
                                    

CHAPTER 5 (BINENTA AKO NG BOYFRIEND KO)
___

ALLY's POV:

NAKAKAGAAN ng loob sa tuwing nasisilayan ko ang ngiti ng mga bata sa kalsada.

Walang arte ako na nilapitan sila at binigyan ng pagkain at damit.
Madudungis ang mga bata na sobrang nakakaawa tingnan.

Kaya nga sinabi ko kay Ford na gusto kong magtayo ng charity o sariling bahay para sa mga walang matuluyan.

"Salamat po ate. Ang sarap po ng pagkain. Ang bait niyo po ate.", masayang bigkas ng batang babae sa akin.

Hinawakan ko ang pisngi niya at marahan ito na pinisil. Kasabay no'n dinukot ko ang panyo at pinahid ang noo nito na medyo madumi.

"Welcome. Huwag kayong mag-alala, kukunin ko kayo dito kapag nakaipon na pera si ate.", sambit ko naman.

Ito ang pangako na iniwan ko bago ako sumakay ng taxi.

Pauwi na ako sa mansion ni Ford para ikwento ang nangyari sa akin ngayong araw.

Kahit naman may masamang balak ako, gagawa pa rin ako ng mabuti dahil hindi ko naman ugali ang maging demonyo.

Bumalik lang ako para maghiganti sa ginawa nilang kahayupan sa akin.
At kapag nakuha ko ang inaasam ko, babalik ako sa dating buhay na kinasanayan ko.

Bumaba na ako ng taxi nang mahatid niya ako sa tapat ng mansion.

Excited akong pumasok dahil yung nangyari kanina sa mall, simbolo na 'yon para simulan ko ang plano.

"Hi Ford, busy ka pa rin dyan?", saad ko sa binata.

Until now, katapat niya pa rin ang laptop habang nakasuot siyang eyeglass.

Hindi siya kumibo na tila busy talaga ang lalaki sa ginagawa.

I guess, para sa trabaho niya 'yan.

Bukod kasi sa pagiging Doctor, business man din si Ford.

"Akala ko ba, magrerelax ka dito sa Pinas? Bakit parang ini-stress mo ang sarili mo?", muli kong pahayag.

Umupo ako sa tabi niya at binigyan siya ng chocolate. Binili ko 'yan sa mall para talaga sa kanya.

"Ayan, sabi ni mama. Kapag may gusto kang madaliin na bagay, makakatulong 'yan para hindi gaanong sumabog ang utak mo. So weird nga eh. Pero try mo pa rin.", sambit ko rito.

"Lagay mo na lang dyan, Ally. Mamaya ko na lang kakainin.", pagsasaad niya.

"Hindi ka talaga nakikinig. Ang sabi ko, pampaalis 'to ng stress. So eat this now. Kung ayaw mo, edi isusubo ko na lang sa bibig mo.", bigkas ko at agad na hinawakan ang ulo nito para iharap sa akin.

"Ally, hindi na ako bata. Hindi ko talaga hilig ang kumain ng chocolate.", diretsang turan niya.

"So ano bang gusto mo?", I asked.

"Ikaw.", sagot nito na muntik na akong malaglag sa kina-uupuan.

"Huh?",

"Hays. Nevermind. May ikekwento ka ba?", pag-iiba nitong usapan.

Muling sumagi sa isipan ko ang mukha ni Kieth at ng kapatid ko.
It really interesting dahil buntis si Ella.

Kaya sa palagay ko, magiging successful ang aking plano.

"I met them already.", nakangising wika ko.

"What?",

"Yung hayop kong ex-boyfriend at yung ahas kong kapatid. Nakita ko sila sa mall. And you know what's funny? My sister is pregnant.", aniya ko muli.

Napatigil si Ford sa pagtatype dahil sa binalita ko.

Nagulat yata ito dahil masyadong maaga ang pagkikita naming tatlo.

"Wait? Na-meet mo sila? So, nakilala ka nila?", turan niya sa akin.

"Gaya ng sinabi ko, nakita ko nga sila. Nakausap pa nga eh. But sad to say, hindi nila ako nakilala. Pero nakakatuwa dahil nilalapit kami ni Tadhana. Feeling ko tuloy, magiging exciting ang lahat.", mahabang pahayag ko nang tumayo ako.

Nagawa ko na ring pumalakpak dahil sa kaligayahan na umaapaw sa damdamin ko.

Marami na kasi akong naiisip na pwedeng gawin kapag nagkita kami ni Kieth.

Siguro, ma-iihi siya sa takot.
Dahil ang buong akala niya, patay na si Ally.

"Interesting? Paano?",

"Ford, pinaghandaan ko ng mabuti ang pagbalik ko dito sa bansa. And yes, all I can say, makukuha ko ang hustisya na gusto ko. Papahirapan ko sila.",

"Ally, 'wag ka munang gumawa ng hakbang na hindi ka pa gaanong sigurado. Baka mapahamak ka.", pangongontra ni Ford.

"Can you please trust me? Alam kong mas matalino ka sa akin, pero sa ganitong bagay, kaya kong makipagsabayan. Handa ako, Ford. Handang-handa.", inis kong tugon.

Tsk. Kung sino pa tuloy ang iniisip kong kakampi, siya pa ang walang tiwala.

"Okay. Starting today, I'll support you. I will trust you also.", mahinahon na payag niya.

"Thank you, Ford. Sana ganyan ka lagi para hindi tayo nagsasagutan.", pagbibiro ko.

"Hindi kasi maalis sa akin ang pag-alala, Ally. Sa nangyari sayo, all I need to do is take care of you. Gusto ko ligtas ka. Kung ako lang ang papipiliin, naisip ko na magbagong buhay ka na lang. Just forget the past and start a new life na kasama ako.", saad nito dahilan para matameme ako.

Gosh! Bakit parang iba yata ang pinapahiwatig niya?

END OF CHAPTER 5
©Binibining_Timoji

Binenta ako ng Boyfriend KoWhere stories live. Discover now