Chapter 16

1.3K 42 0
                                    

Chapter 16 (Binenta ako ng Boyfriend ko)
_____

ALLY's POV:

HINDI na ako pinapansin ni Ford.
Hindi na rin kami gaanong nag-uusap.

He changed. Na tila nanlalamig na ito sa akin.
Pero naiintindihan ko siya kaya hinahayaan ko na lamang ito.

"Aalis ako ngayon. Sinabihan ko na rin si Manang na siya na lang bahala sa mga kakailanganin mo. Kaya wala kang dapat na ipangamba.", he said in a cold way.

"Saan ka ba pupunta?", tanong ko sa binata.

"As far as I remember, walang tayo. Kaya walang dahilan para sagutin ko ang tanong mo.", he replied.

Pilit akong napangiti dahil medyo nasaktan din ako sa sinabi niya.

"Ford naman. I just want--",

"I need to go.", tanging turan nito.
He cut my words before he leave.

I don't know why, pero kusang kumirot ang puso ko.
Hindi ako sanay na ganyan siya.

Nang dahil lang sa sinabi ni Mommy, tuluyan ng nagbago ang lalaki.

Kaya pinili kong ituon na lang sa iba ang atensyon ko.
I call Manang, to serve me some juice, at idala sa pool.
Balak kong magswimming para marelax ang isipan ko.
Ito talaga ang gagawin ko ngayong araw, at gusto ko sanang maligo kami ni Ford. Kaso nga lang, kakaiba ang pinakita niyang ugali sa harapan ko.

I remove now my bathrobe, kaya tanging two-piece na lamang ang suot ko sa mga oras na 'to.

Hindi na ako nagtagal pa at lumusong na ako sa pool.
Dito ko inilabas ang inis ko kay Ford.

Naiinis na ako sa kanya.
Bakit ba ang bilis niyang sumuko?

Sabi niya mahal niya ako? Pero hindi man lang siya gumawa ng paraan para ipaglaban ako sa harapan ni Mommy.

Pero teka, bakit nga ba ako, nagagalit?
Wala naman akong karapatan diba?

Walang label ang relasyon namin.
At higit sa lahat, tumanggi ako sa kanya nung magtapat siya.

Bwisit! Kasalanan ko din pala!

"Gaga ka Ally! Hindi ka girlfriend! Ni hindi mo nga pinansin yung pag-aamin niya! Tapos ngayon, magiging ganyan ang reaksyon mo? You are stupid!", gigil kong sabi sa sarili ko.

Lumangoy lang ako ng lumangoy hanggang sa mapagod ako.
At nang umahon ako sa pool, isang tanong ang nabuo sa utak ko.

"May gusto ka na yata sa kanya. May gusto ka na ba kay Ford, Ally?",

©Binibining_Timoji
To be continue..

Binenta ako ng Boyfriend KoWhere stories live. Discover now