Chapter One

7.4K 195 40
                                    

BINENTA AKO NG BOYFRIEND KO
___

Ally POV:

Two years later...

Kahit dalawang taon na ang nakalipas simula mangyari ang pagbebenta sa akin ni Kieth, nandito pa rin ang sakit na dinulot niya.

Pagkamuhi at galit tuloy ang nararamdaman ko sa binata.

Gusto kong maghiganti.

Gusto kong balikan siya.

Gusto kong iparamdam kay Kieth ang naranasan ko nung pinahalay niya ako sa mga lalaki.

Nang dahil sa kanya, nasira ang buhay ko.
Kaya gusto ko ring sirain ang buhay niya. Hanggang sa magmakaawa siya sa harapan ko.

Gusto kong gawin 'yon sa pagbabalik ko.

And I guess, it's time to start my revenge.

"Ally, yung private plane ko, nakahanda na. Anytime, pwede ka ng umuwi ng Pilipinas.", sambit ni Ford mula sa likuran ko.

Siya ang taong tumulong sa akin para makabangon.

Tinulungan niya ako maging matapang.
At tinulungan niya akong baguhin ang sarili ko.

Flashback:

"Tulong! T-tulungan niyo ako.", mahinang sigaw ko mula sa kwarto kung saan ako iniwan ni Kieth.

Ilang minuto lang ang lumipas, biglang sumiklab ang apoy sa liblib na bahay.

Gusto akong patayin ng lalaking minahal ko!
Gusto n'ya akong patayin para hindi ako makapagsumbong sa mga pulis.

Tangina! All this time, planado na pala ang lahat.

"P-pleassee, t-tulungan niyo ako.", umiiyak na saad ko.

Sa sobrang usok na pumalibot sa loob, nanghihina akong napa-upo sa sahig.

Siguro, eto na ang huling hininga ko.

Mamamatay akong ganito.
Mamamatay ako na hindi man lang nakuha ang hustisya ko.

And that made me realize na wala ng saysay para mabuhay pa ako.

So that day, everything went black.
___

AT sa pagmulat ng aking mata, halos kulay puting paligid ang nasilayan ko.

I was really curious kung bakit ako nakawala sa malaking sunog na nangyari sa bahay.

'Sino ba ang tumulong sa akin?', tanong ko sa isipan.

Lininga-linga ko ang aking tingin sa buong sulok.
Nagbabakasakali ako na masagot ang tanong na 'yon.

Kaso nga lang, iba ang nakita ko.

Kakaibang itsura ang bumulaga sa akin sa malaking salamin na nasa unahan ko.

NAKAKATAKOT.
'Yan ang unang nasabi ko.

Sunog na sunog kasi ang aking braso't hita na tila isa akong hayop na sinunog ng buhay.
At yung mukha ko, natatakpan ito ng makapal na tela para gamutin.

Awtomatikong napaiyak ako ng malakas dahil sa mapait kong sinapit.

Tuluyan ng winasak ni Kieth pagkatao ko.

Napaka-demonyo niya!!!

"Makakasama lalo sa kalagayan mo ang pag-iyak.", wika ng isang lalaki mula sa pinto.
Nakasanday ito sa pader at seryoso itong nakatingin sa gawi ko.

"S-sino ka?", humihikbing tanong ko.

"I'm Ford. Ako ang nakakuha sa'yo. In short, ako ang nagligtas ng buhay mo.", saad nito na hindi man lang nagbago ang pananalita.

Napayuko naman ako at muling umagos ang aking luha.

"D-dapat hinayaan mo na lang ako na m-mamatay do'n.", mahinang sabi ko.

"--T-total, n-nawala na sa a-akin ang lahat.", patuloy kong litanya.

"Hindi ako masamang tao para hayaan kita na kainin ng apoy.", wika ng binata at saka naglakad palapit sa pwesto ko.

"--Wala kang suot na damit nang matagpuan kita sa nasusunog na bahay. So I was wondering kung ano ba talaga ang totoong nangyari sayo? At bakit ka nando'n sa liblib na lugar?", he asked me.

Matagal bago ako makasagot.
Hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulan ang paliwanag sa taong ito.

"G-ginahasa ako ng mga lalaki. G-ginahasa nila ako d-dahil binenta ako ng b-boyfriend ko.",

Sa sinabi kong 'yon, napakunot-noo naman siya.

"M-matapos kong m-malaman na b-binenta niya ako, iniwan ako nito. T-tapos biglang sumiklab ang apoy. At oo, t-tinangka akong patayin ng lalaking minahal ko.", I said as I continue.

At this point, humagulhol na ako sa harapan ng lalaking tumulong sa akin.

Ang sakit kasi eh!
Ang sakit-sakit!

"Ssshh. Don't cry. Hindi 'yan ang dapat mong gawin.",
"--Instead, you need to be strong Miss.", pagpapatahan nito habang hinahaplos ang likuran ko.

"--I will help you. Tutulungan kitang baguhin ang sarili mo. Para sa gano'n, makamit mo ang katarungan. I'm here beside you.",
"--Hindi man kita kilala, but I know how it feels. So don't worry, I'm a doctor, at kayang-kaya kong ibalik ang istura mo.", pahayag nito na naging hudyat para lumaban ako.

END OF FLASHBACK
____

So here I am, a new Ally.

A new Ally, that will be a threat for them.

At bukas na bukas, babalik na ako ng Pinas.
Babalikan ko ang taong dahilan kung bakit gumuho ang mundo ko.

____END OF Chapter ONE___

Binenta ako ng Boyfriend KoWhere stories live. Discover now