Chapter 7

2K 70 1
                                    

CHAPTER 7 (BINENTA AKO NG BOYFRIEND KO)
______

Ally's POV:

"MASAYA ako sa narating mo, Ford I mean Josh.", ngiting saad ko sa binata.

Wala akong masabi sa kanya dahil hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin muli.

I rejected him. Minsan ko ng sinaktan ang damdamin niya kaya nahihiya ako sa lalaki.

"Ford na lang, total mas napansin mo ako sa ganyang pangalan.", wika niya sabay ngiti rin sa harap ko.

Napayuko tuloy ako sa kabila ng ginawa ko noon.

"Don't be ashamed, Ally. Hindi na mahalaga ang nangyari dati. Mas mahalaga ang ngayon.", he said again.

Niyakap niya ako bahagyang hinaplos ang likuran ko.

"Sana walang magbago sa pakikitungo mo sa akin bilang Ford. Hindi naman ako humahangad na mahalin mo rin ako. Basta ang importante, matulungan kita at makuha ang hustisya na inaasam mo.", turan nito dahilan para maging normal muli ang lahat.

Kung tutuusin, mas okay na nga 'to.
At least, nalinawan ako sa tunay na pagkatao ni Ford.

Wala ng lihim ang namamagitan sa aming dalawa.
Kaya magagawa ko ng tama ang plano ko sa buhay.

Napaalis naman ako sa pagkakayakap kay Ford dahil sa vibration mula sa bulsa ko.
Nag-vibrate ang phone ko, simbolo na may tumatawag sa akin.

Agad ko itong dinukot at medyo nagtaka ako dahil unknown number ang tumatawag.

"Wait lang. I need to answer this call.", saad ko sa binata.

Sinagot ko nga ito at magalang na nagsalita.

"Hello, sino po 'to?", tanong ko sa tao.

"Hi Miss, ako si Kieth. Yung nasa mall kanina.", wika niya na muntik ko ng malaglag ang cellphone na hawak ko.

Nagulat kasi ako dahil hindi ko inaasahan na tatawag agad ito.

Masyado talaga siyang curious sa akin.
Or should I say, naakit ang lalaki sa katawan ko.
Well, all I can, I have a perfect body.
Kahit sino naman, magagandahan sa akin kahit hindi pa nito nakita ang mukha ko.

"Ohh, ginulat mo naman ako.", natatawa kong bigkas. May pang-aakit pa rin sa boses ko para sa gano'n, maganahan siya lalo.

"Pasensya na kung nagulat kita. I'm just excited to see you.", malambing na turan niya.

"Excited?",

"Yes. Diba sabi mo, mag-set ako ng date kung kailan tayo magkikita? So I decided to meet you tomorrow, kung okay lang sayo?", mahabang pahayag nito.

"Bukas talaga?", paniniguro ko.

"Oo, bukas. Pwed ka ba?", he asked again.

Nagdadalawang-isip pa ako sa isasagot ko, kaya bahagya akong napasulyap kay Ford.
Nakatingin rin ang binata sa akin na may pagtatanong kung sino ba ang kausap ko.

Kaya pabulong ko na binigkas ang salitang ex-boyfriend.

"Ahm sure. Tomorrow.", pagtutugon ko bilang pagpayag.

"That's great. See you, Ms. Sexy.", huling sabi nito bago inend ang tawag.

"Magkikita kayo? Ally, ang bilis mo naman kumilos. Dapat pinatagal mo muna.", wika ni Ford at napasapo ito sa noo.

"I can do it, Ford. Kung gusto mo, sumunod ka. Kung saan kami magkikita, nando'n ka rin. So that you can guide and protect me.",

"Talagang susunod ako. Kahit naman hindi mo sabihin, susundan kita.", sambit nito.

"Thank you. Sobra-sobra na ang ginagawa mo sa akin. Hayaan mo, babayaran ko--",

"Hindi ako humihingi ng kapalit, Ally. Kung meron man, siguro hindi pera o materyal na bagay ang hihingin ko sayo.",  wika ni Ford.

Napakunot-noo naman ako sa tinuran niya at nagtanong.

"Kung hindi 'yon, edi ano?",

"Pagmamahal mo. Ayan sana ang gusto ko. Pero alam ko, malabo 'yon na mangyari. That's why, hindi mo na ako kailangan bayaran pa. Staying beside me is enough for me.", pahayag niya dahilan para maramdaman ko ang kilig.

Oo, kinilig ako ng konti.

Ang sarap kasi pakinggan ng mga sinabi niya.

©Binibining_Timoji
TO BE CONTINUE...

Binenta ako ng Boyfriend KoWhere stories live. Discover now