04

2.4K 28 11
                                    

"Dad..."

"My daughter.. Are you fine there? Do you need help? I'm worried.." I smiled. At least my dad cares right? I hope my mom also call me..

"Ayos lang po ako rito, papa. Uhm, I'll call you if I need help.. take care po."

The call ended. Nakaupo ako rito sa kwarto na kinuha ko. I picked the master's bedroom. Since mag isa lang naman ako dito nalang ako. Nilabas ko lahat ng mga damit ko sa maleta. My bags are full of my things. Nilagay ko ang mga damit sa walk in closet sa kwarto. This is also the reason why I chose this room. Hindi gaano ka dami ang nadala na damit. Mas marami akong damit sa condo. I wish I got those instead.. but I think my clothes here would work anyways.


Bumaba ako nang matapos sa ginagawa sa kwarto. I checked the kitchen. Maayos naman ang mga ito. I opened the fridge to get some food. Nagulat ako ng puro tubig at noodles lang ang laman non. The hell? Paano na 'to! I don't know how to cook! Kinuha ko ang cellphone ko para itext si papa na walang pagkain dito sa bahay. He immediately responded. Papadala niya raw dito kay kuya Leo bukas. Nawala ang ngiti ko. Bakit hindi nalang siya ang magdala? Is he busy doing work? I guess so.

Pumunta ako ng living room para pagmasdan kung ano ang naroon. I saw frames of our family picture and also a frame of my photo when I was a child. I smiled. I forgot to mention that I am an only child. Kaya nasasabihan din ako ng spoiled and stubborn dahil doon. I remembered I wished back then for a kuya kasi I believe that having a brother will be good because he can save you or defend you. Pero nabuhay ako para maging independent. Na para tumayo sa sarili kong mga paa kahit walang nandiyan para sa akin.

Napatalon ako sa muntik ko nang makalimutan. Mayroon nga palang handaan mamaya riyan sabi ni Pea! Maybe I can eat some foods later. Good idea! Binyag daw mamaya ng nakababatang kapatid ni Pea.


Umakyat kaagad ako sa kwarto para magbihis. I checked the time, malapit na akong puntahan ni Pea rito. I should hurry! Umagang umaga pa naman. Naligo na ako at nagbihis. I am wearing a simple white spaghetti strap dress na may pa ruffle sa baba. I let black my hair down. Tumingin ako sa mahabang salamin sa kwarto. May pagka onting morena ako ngunit hindi sobra. I got this from my mom. I put some nude lipstick and eye liner. Hindi na ako naglagay ng blush on dahil may natural na pula na naman sa aking pisngi. I took a photo and sent it to Paige. I really must tell her what happened.

To Paige:

Feeling ko isa akong diwata sa suot ko! Char.

Paige immediately replied. Nagsend siya ng shock emoji.

Paige:

Omg. What a natural beauty! Nasaan ka ba at mukhang hindi pamilyar 'yang lugar.

I smiled. Napailing nalang ako sa pambobola niya. Sinabi ko ang lahat ng nangyare at ang dahilan kung  ako narito. Naintindihan niya naman kaagad. She will try to visit here soon she said. Naeexcite tuloy ako.

Sakto naman nang natapos ang usapan namin ay nariyan na si Pea. I smiled at her before going down. Lumabas na ako at sumama sa kaniya.

"Punta muna tayo ng simbahan diyan lang malapit. Pagkatapos ay sa bahay ang punta ng lahat para sa salo salo." Tumango ako sa sinabi niya.

The mass isn't starting yet. The church is good. Malaki ito at payapa. You can almost hear birds chirping. Umalis na muna si Pea dahil tutulong siya sa mga magulang. Laking pasalamat ko nang tinawag ako ni Angel. I smiled and went beside her. She's wearing a dress but in peach color. Bumagay sa kaniyang maputing balat iyon. Pareho sila ng kuya niya na ganito ang balat.

Nothing has changedWhere stories live. Discover now