11

1.8K 21 26
                                    

"Dad.. I'm okay here. Don't worry."

Naririnig ko sa background ang pag iingay ni mom. Napangiti ako. I missed her..

"Sige na anak. I just wanted to make sure if you're fine.."

"Sige na po. I should go na I have something to do.." I smiled.

Pumasok sa kitchen si Kairo. I smiled. He went near me and kissed my forehead. Nagulat ako sa ginawa niya. Wow. I looked on his face and he gave me a pure smile.


"Isang halik ay gusto kong gawin. Ngunit maghihintay pa rin ako.." sabi niya habang nakatingin sa mga labi ko. I bitted my lower lips. Nilagay ko ang takas na buhok sa likod nang aking tenga.


He held my hands while we are walking near the shore. Pupunta nga pala kami sakanila. I don't know how to feel pero gusto ko na rin. I smiled at him.

Nang makita ako ni Angel ay kumaway siya sa akin. Karga karga niya ang kaniyang anak. Nagkatingin kami ni Kairo sa isa't isa. He signed me to be fine. Tumango ako.

Tumingin ako sa paligid. Their life is simple yet happy. Tama pala ang sabi nila na kung sino pa ang nagtatrabaho nang minumunuto at kung sino pa ang hindi nakakaranas ng karangyaan ay sila pa ang mas masaya sa buhay. Kasi na aappreciate nila ang buhay nila kahit ganoon. Pumasok kami sa isang wooden door papasok sa bahay nila.

"Oh, anak." A beautiful woman came out the house. Paniguradong nanay niya ito. I am amazed to her beauty.



Hinawakan ni Kairo ang kamay ng ina at nag mano, "Ma.. si April nga po pala.." pakilala niya. Kinabahan ako sa magiging reaksyon ng kaniyang ina pero nawala ito nang nagsimula siyang ngumiti sa akin.


Nag mano ako, "Ikinagagalak ko pong makilala kayo." Pagbibigay galang ko. Narinig ko ang unting tawa ng kaniyang ina.


"Tawagin mo nalang ako na mama. Mama Fe." Ngiti niya. Masaya akong tumango at ngumiti. Wow his mother is very kind!


Wala raw ngayon sa bahay ang tatay ni Kairo. Pumalaot daw muna. I smiled. Napakasimple ng buhay nila! I just realized na hindi importante kung marangya kayo kung hindi naman kayo masaya. Pumasok sa bahay sila Angel kasama ang anak. Kinarga ko si Mira at nilaro ito. Nagtawanan kami dahil sa mga sinabi ng kapatid nila Kairo na lalaki na si Tecson. I felt like I'm part of their family, wow!


Lumabas na kami sakanila at pumunta malapit sa dagat. Ipapasyal raw ako ni Kairo sa iba't ibang malapit na isla rito. I'm excited! He held my hands which I let him to do. Inalalayan niya akong umakyat sa bangka. I felt nervous at first because the boat was shaking! Pero noong sumakay na rin siya ay gumaan ang aking loob.


Lumingon siya sa akin, "Kumapit kang mabuti at huwag masyadong gumalaw, miss.." he chuckled. Tinanaw ko siya sa kabila nang napakaliwanag na dala ng araw. Ngimiti ako. Ang ganda naman ng tanawin!


Nagsimula na si Kairo sa pag galaw ng bangka. The wind flew my hair.




"Ayusin mo ang buhok mo, miss. Kung hindi ako ang mag aayos niyan.." he chuckled. Napatawa ako sa sinabi niya. Nilagay ko kaagad sa isang balikat ang buhok ko. Sinenyasan ko siya kung ayos na ba but he responded me a wink! Flirt!



Habang nagpapagalaw siya ng bangka, I decided to take a photo of us. Naka upo ako at nakatutok ang camera sa mukha samantalang si Kairo ay nasa likod ko at seryosong nagsasagwan. I pouted. Napangiti ako sa kinalabasan ng litrato.



I posted it on my ig story but I turned it on close friends. Ayokong makita na naman ito nila mom at magalit.


Paige_02:

Hmm. Bagay! ;)

Napangiti ako sa kaagad na komento ni Paige. I responded quickly too.

To Paige_02:

Syempre! ;)


Tinago ko ang phone ko nang nalaman na nandito na kami. Nilibot ko ang tingin sa paligid. I can see high rock formations. Kita ko rin ang kalinawan ng tubig. I smiled. Nilingon ko siya at naabutang naka smirk sa akin.


Inalis ko ang damit ko para maka pang swimsuit. Naramdaman ko ang pagkakasabit sa likuran ko. I can't reach it! Ano ba 'yon? Naramdaman ko ang pagpunta ni Kairo sa likod ko.



He parted my hair to see what's wrong with my cloth. Hinawakan niya ang aking balikat.. at braso. His touch felt like fire. It gave shivers to mine. Nilingon ko siya para malaman ang ginagawa. But when I completely returned I realized he was near me. Ramdam ko ang ilong niya sa aking tenga. It tickled me a bit.



"There..." Sambit niya nang tuluyang matanggal ang pagkakasabit ng damit ko.



I saw him taking off his shirt. Hinagod ko nang tingin ang katawan niya. His body is manly! Uminit ang pisngi ko. Sa sobrang pagkakahumaling ko sa nakita ay ngayon lang nalaman na hinihingi niya ang aking kamay! Damn!



Kairo jumped to the water. I laughed.
"Saluhin mo ako, ha!" I chuckled. He seriously nodded. Tila nag aalala.


"Wait! Huwag ka masyadong tumalon." Sabi niya. Malamang Kairo, hindi naman ito trampolin. Napatawa ako sa naisip.



Tumili ako ng nasalo niya ako. I jumped fine! Napakapit ako sa balikat niya. My both arms hugged his neck. Uminit ang pisngi ko. Hindi iyon sadya ah!


Lumangoy na kami pareho. Sumisid kami at nakakita ng mga korales. Lumangoy ako papunta sa kaniya. Habang patagal nang patagal ay mas nakakasanayan kong tumabi lagi sa kaniya. Sarap kaya sa feeling!



Pagkatapos ng mahigit thirthy minutes natapos din kami. Umakyat na kami sa bangka at pumanhik na sa susunod na isla. All I know is that I'm happy. I checked my phone again for any messages. Maramin nag comment sa story ko pero binalewala ko iyon. I opened my camera and took lot of photos of him. Mayroong nakatalikod siya, nakaharap, nakatagilid at huli ay ang nakatitig sa akin. I laughed.



Huminto ang bangka dahil nandito na kami. Tinignan ko ang lugar. It's like a virgin island. Tinulungan niya ako sa pagbaba.


"Thanks.." titig ko sa kaniya. I received a smirk from him.


Naglakad na ako sa malabot na buhangin. I can see some shells na mula sa dagat. Hindi ko balak na kunin iyon dahil wala akong karapatan. And this is where they belong not on the hands of human.


Napaupo kaming dalawa sa taas ng isang bato. Kahit matusok ang paligid nito ay may saktong pashape na upuan roon. Dinama ko ang sariwang hangin.


"Freedom!!" Sinigaw ko at tumawa.


"April.." nilingon ko siya sa pagtawag niya sa akin. I saw him handling a white flower. Napakunot ang noo ko.


"Ano 'yan sisingutin mo para mawala sakit sa ulo?" I tried to joke pero tumawa rin naman siya. I feel so witty though.


Naramdaman ko ang paghawi niya ng buhok ko sa tenga. Inipit niya ang hawak na bulaklak sa aking tenga. I smiled. Really? This is how corny he is? I chuckled.


"Perfect.." he said. Ang bolero ha!


Napatingin ako sa harapan. My eyes followed the waves, the movement of the leaves. Ang sarap din pakinggan ng ganitong lugar lalo na kapag dalawa lang kayo..


"Now I realized. That this is now my favorite view than city lights." I chuckled.


I started telling him some stories about my life. Nakatitig lamang siya sa buong kwento ko. I'm so lucky someone was there for me. Someone who's willingly listen to my rants.


"This place is gonna be my new favorite home!" Masaya kong sabi.


I saw him smirked. Ayan na naman ha! Hinding hindi ako magsasawa diyan.


"Ito rin ang aking paboritong destinasyon.." He said seriously while looking at me.


|Next|

Nothing has changedWhere stories live. Discover now