10

1.9K 21 10
                                    

Antagal kong naligo. I felt guilty at baka naghintay siya roon ng matagal. Nagbihis na ako para makababa na. Why do you sound excited, April?

Nagsuot ako ng simpleng black spaghetti strap top at isang short. Tinignan ko ang sarili sa salamin. I smiled. Kita ang pamumula ni pisngi. Tinampal ko ang mga ito, mawala na kayo parang awa nyo na! Nagblower ako ng buhok at hinayaan itong bagsak. Napangiti na naman ako. Bakit ba hindi ko mapigilan to?


Bumaba ako at hinanap kaagad siya. I saw him staring at my picture frame noong bata ako. I even saw him smiling, what the? Dumiretso ako sa tabi niya. Napansin ko na ang mukha ko noong bata ay kahawig ng aking ina. I smiled. I missed my mom and dad.

"Hindi ko alam kung mahihiya ako oh ano.." sinabi ko habang nakangiti.

Liningon niya ako at ngumiti sa akin. Binalik niya ang tingin sa mga frame na nakasabit sa pader. He was staring at my family photo.

"Mag isa ka palang anak miss.." sambit niya. Tumawa ako.


"Oo.. kaya I have never experienced being with a kuya. I'm super spoiled and a stubborn back then. Noong nasa manila ako. That's why they brought me here.." I have never been this honest to anyone. I hope I'm telling these things to the right person.


Nilingon ko siya. He smiled and nodded, "Hayaan mong malaman ko ang mga pinagdaanan mo.. Gusto kong tumulong at kahit papaano gumaan ang loob mo.."


Napangiti ako sa sinabi niya. Wow. I just realized that he knows how to say things like this!

"Mahirap din, Kairo. Maraming nagsasawa sa akin. Kaibigan, pagmamahal, kasiyahan.." kahit ramdam ko ang mga luha na nagbabadyang lumabas ay hindi ko hinayaan.

Lahat ng mga nangyari sa akin noon ay hindi ko na hahayaan pa. Kung pinagkait ako sa kasiyahan. Hahayaan ko nalang dahil darating naman siguro iyon at ibibigay sa akin. Ang kaibigan, kusang ibibigay sa iyo iyan. Just don't be rush on things. At lalo sa pagmamahal... Sa tamang panahon ay may handang makasama ka habang buhay.

"Pasensya na nga pala kanina. Hindi ko inaasahan na gagawin iyon ni Clarissa. Isa lang siyang kaibigan namin.." nilingon ko siya sa sinabi niya.

Nakakunot ang noo ko, "Kaibigan pero gusto ka?"


Nilingon niya naman ako. Kita ko sa mga mata niya ang pagiging totoo. Maybe I'm just good at identifying emotions. Natutunan ko na ito mula pagkabata.


"Hindi ko siya gusto. Kung nababagabag ang isipan mo, sinasabi ko na ngayon na. Hindi kami pareho nang nararamdaman." Seryoso siyang napatingin sa akin. Tumango ako.


Napatawa ako, "Bakit ba kailangan mong sabihin iyan?" Napatanong ako.


Napatawa rin siya, "Hindi ko alam kung ito ba ang tamang oras pero. Gusto kong sabihin na gusto kita, April." Nagulat ako sa sinabi niya. I never knew that coming.


"Nakita ko sa mga mata mo ang pagiging mag isa. Naramdaman ko na dapat ay samahan kita. Kita ko rin ang lungkot minsan sa mga mata mo, gusto ko iyong bigyan ng saya.."


Hindi ko na alam ang gagawin. My tears rolled down my cheeks. I never knew that this day would come. Someone finally appreciates me. Someone finally saw my worth.



Hinawakan niya ang mga kamay ko, "Sana pag bigyan mo ako sa pag ibig ko para sa iyo, April. Gagawin ko ang lahat.. lahat lahat." Kita ko ang seryoso niyang mukha na nakatitig sa mga kamay namin.



"Kung hindi ganon ang nararamdaman mo sa akin. Hayaan mo akong pa ibigin ka. Papatunayan ko, miss." Umangat ang ngiti niya sa labi.



He chuckled, "Hindi ako makapaniwala na ginagawa ko ito. I've never begged someone before.."



I realized how pure he is. Lalo na ang puso niya, "Huwag kang mahiya. I want you to know that I appreciate you... Because I have never received those words.."


"Gusto kong isama ka bukas sa amin. Gusto kong makilala mo ang mga magulang ko at kung anong meron kami.."


I smiled. Pumayag ako dahil gusto kong malaman kung ano ba ang meron silang kabuhayan. Maybe I should learn how to work too.


Pagkatapos naming mag usap ay kumain kami. Wala kaming ibang ginawa kung hindi mag ngitian sa isa't isa. I don't see awkwardness anymore. Parang normal nalang ang lahat. Umuwi na si Kairo para makapag pahinga na kami at maaga pa ang pagpunta namin sakanila. I smiled. Ang alam ko lang ay nakakaramdam ako nang pag ka excite.



I've decided to tell everything to Paige. She deserves to know it dahil kahit siya rin ay inaupdate ako about sakanila ni Yuji.


Paige:

Uy, what a love story! Ang rupok mo ah :(


Napatawa ako nang malakas sa sinabi niya. Totoo naman. Pero kung hindi ako naging marupok, ano kaya ang mangyayari? I mean marupok na kaibigan.


Paige:

Gonna come there soon! Kapag pumunta kami diyan ni Yuji ah. Gusto ko makilala namin 'yan!


Mas lalo akong napangiti sa sinabi niya.


Naglinis na ako ng katawan para makapagpahinga na. Wala akong ibang ginawa kung hindi sumayaw at kumanta sa banyo. I'm so weird today! Ano ba 'tong nangyayari sa akin! Lumabas ako ng bathroom na may suot na. Tumapat ako sa electric fan para patuyin ang buhok.

My phone beeped.

Kairo:

Hey. Good night..


Nahulog ang towel ko na nakabalot sa ulo habang binabasa ang nakatype! Ang galaw gaw ko naman! Why do I need to shout, my goodness!


Kairo:

Gustong gusto kita makita, miss.. Kung pwede lang ay pumunta na ako diyan.

Napatili na naman ako! At gumulong gulong sa kama! What the heck is going on with me? Nababaliw na ako!


To Kairo:

Baliw ka talaga! Haha



I don't know how it sounded. Pero parang ang gara pakinggan! I wonder what his reaction though.


Kairo:

Oo, sayo lang.


Ano ka ba! Gabing gabi ay walang ibang ginawa kung hindi magsabi ng mga ganito. Parang hindi kami nag usap kanina ah!


To Kairo:

Matulog ka na nga! Haha


Nagreply naman kaagad siya.


Kairo:

Mauna ka na miss.

Uminit ang pisngi ko. How dare him! Siya lang pala ang dahilan kung bakit namumula ang mga pisngi ko!


Napasapo nalang ako sa ulo ko. Until I've decided to sleep.



|Next|

Nothing has changedWhere stories live. Discover now